3 days after that happen, nabalitaan ko nalang mula kay Mama na aalis na si Ally two days from now. Sa Australia na nito gustong mag-aral kasama ang mga parents ni Papa, ang mga grandparents namin.
Kaya nga napasugod ako sa condo nya pagkatapos kong malaman yun, at naabutan ko nga sya sa kwarto nya, nag-iimpake na ng mga gamit nya.
"What the? Ally.. p-please don't go," Naiiyak kong pigil sa kanya. "Let's fix this, Ally. Promise, I'll do anything just to make you stay,"
Ayoko ng ganito! Shit. Isang buwan pa lang kaming magkasama, tapos heto at sya naman ngayon ang aalis!
Napahinto sya sa kanyang ginagawa at marahan akong hinila palabas sa kwarto nya. Pinaupo nya ako sa sofa. Katulad ko ay nag-uumpisa na din syang umiyak.
"Look, Adi... just let me do this, okay? I want a new environment. Gusto kong lumayo dahil yun ang sa tingin kong makakatulong sa akin sa mga problemang pinagdadaanan ko ngayon. This doesn't involve you, okay? Wala kang kinalaman sa mga desisyon ko na 'to, Adi."
Hinawakan ko ang mga kamay nya. "N-no... Ally, please? Wag ka ng umalis! Ang tagal mong hinangad na makita at makasama ako, diba? Bakit ngayong nangyayari na.. ikaw naman ang aalis?"
"I'm sorry, Sis. Please, just understand my decision. This is for my own sake, Adi. I want to help myself from moving on.. and that will happen if I would let myself distance to someone that caused my heart break,"
"I will also take this chance to apologize for all the hardships that I give to you, Adi. I'm so sorry for being a heartless selfish bitch sister to you. I deserve this pain, Adi. This will serves me as a lesson."
Napahagulgol na ako ng tuluyan kaya yumakap na sa akin si Ally. "Salamat din, Adi. Salamat sa lahat ha? Hindi ko na iisa-isahin pa. Alam mo naman na yun eh," natatawang ani nya.
"Allison naman eh,"
Humiwalay ito sa akin. "I will miss you, Adi. Promise me to take care of yourself, okay? Don't do anything stupid. Don't make our parents worry. Most especially, don't waste your chance to do what your heart and mind desires to do. You can now do whatever you want without thinking what others might say."
Fuck. I didn't expect that the next talk that we will do is this. A farewell goodbye! Nagpaplano pa naman ako na bumawi sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Tapos heto lang ang malalaman ko? I don't think my heart can endure this pain right now.
Hours passed and I suddenly fell asleep because of crying. Hindi ko na nga namalayan na gabi na nung magising ako. Unang bumungad sa akin si Ally na nilalabas na ang mga maleta. May guard na nag-aabang sa pinto nito, marahil ay sila ang maglalabas nito ng tuluyan sa building.
"Ally..." tawag ko sa kanya.
Napahinto si Ally sa kanyang ginagawa. "Get up and take a bath, Sis. Uuwi na tayo but drink this first," Sabi nya sabay bigay sa akin ng isang basong tubig.
Inubos ko muna ang laman ng baso bago ako tumayo. "Ally.." lumapit ako sa kanya.
"Hep, hep, hep!" Pinigilan ako nito. Hinarang nya din ang palad nya sa aking mukha. "Buo na ang desisyon ko, Adi. Instead of crying your heart out because of my sudden leaving, why don't we spend the rest of my day here with you? Let's bonding before I went to Australia,"
Nakangiti ito sa akin. Kita ko ang excitement sa kanyang kabuuan na para bang gusto na nyang mangyari yun agad-agad.
Hindi ko alam kung sinabi nya lang yun para hindi ko na sya kulitin na magstay. At kahit na nakangiti sya ngayon sa akin.. alam kong sa kaloob-looban nya ay malungkot sya sa mga desisyon na ginawa nya.
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison