DR 35

4.2K 149 7
                                    

Isang haplos sa aking buhok ang nagpagising ng diwa ko. Ramdam ko naman na ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko pero hindi ko yun man lang ininda dahil mas naka-focus ang atensyon ko ngayon sa kamay na patuloy parin sa paghaplos ng buhok ko.

Maya-maya lang ay naramdaman kong may humahalik na sa leeg ko kaya napamulat na ako ng mga mata at napaupo agad sa kama dahil sa kiliting dulot nito.

"Oh my Goodness!" Sigaw ko. Napahawak pa ako sa aking batok dahil hanggang ngayon, damang-dama ko pa din ang halik ni Kari doon.

Oo, si Kari. Ngayon nga ay nakatingin na ako sa kanya, nagtataka. Sya naman ay may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Bakit ba nandito sya sa kwarto ko?!

"Good morning, Adi." Aniya sabay halik sa labi ko.

I swear, kung may mas ilalaki pa ang pagmulat ng mga mata ko, baka yun na nga ang nangyayari sa akin ngayon!

Napatakip ako ng bibig ng akma muli syang hahalik. Pakshet, baka may panis na laway pa ako eh! "Y-you.. what are you doing here?!"

She rolled her eyes. "I'm trying to wake you up, stupid!"

"By kissing my neck and lips?! Really, Kari?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

She chuckled. "Yeah? What's wrong with that, babe?" She has this amused smile plastered on her face.

I gave her an annoying look. "Dun kana nga sa labas!"

Pero imbis na sundin ako ay humiga pa talaga ito sa kama ko. Inamoy-amoy nya pa ito habang nakapikit.

"Hmmmm... I like your smell, Adi. Can I sleep here later?"

Umiling ako agad pero natangahan ako sa sarili ko dahil bakit ko ginawa yun e hindi naman nya makikita kasi hanggang ngayon, nakapikit parin ito.

"Mag-ayos kana, pupunta tayo sa bahay namin." Matapos nya yung sabihin ay tumayo na sya.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" Kunot-noong tanong ko.

Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Halos maduling na nga ako e.

"Ano bang gusto mong gawin natin doon, babe?" Fuck. Bakit ba nang-aakit ang dating ng kanyang tono sa akin?! It's.. it's turning me on!

Nakabawi lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng halikan akong muli ni Kari. This time, kinagat nya pa talaga ang ibabang labi ko. Para na siguro akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko. Umagang-umaga, pinapainit ni Kari hindi lang ang mukha, kundi pati narin ang katawan ko!

"I'll wait for you downstairs, babe." She said then winked at me.

Pagkasaradong-pagkasarado nya pa lang ng pinto ay dumiretso na ako sa cr at naligo. I need a cold shower!

———

"Avery Addison! Bwisit ka, iniwan mo kami kagabi sa pla—, Colyn?!" Napatigil si Sandy sa pagbubunganga at pagpasok sa kusina ng madatnan nya kaming dalawa ni Kari na naghahain sa mesa.

Umagang-umaga, boses agad ni Sandy ang bumubulabog sa buong bahay. Kasunod nito si Naomi na katulad ni Sandy, ay natigil din sa pagpasok.

"Oh, what are you doing here Colyn?" Si Naomi saka sya naglakad palapit sa pwesto namin.

Nagkatinginan kami ni Kari. Gusto kong matawa sa totoo lang. Kahapon lang kasi, panay ang banggit nila sa akin tungkol sa naging kalaro ko nun sa park. Tapos ngayon na nasa harap ko na yung tinutukoy nila, nagtatanong sila ng ganon kay Kari.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon