Avery Addison Mallari
Nagising ako sa impit na tawa ng dalawang unggoy sa harap ko. Nakataas ang kamay nung isa na may hawak na phone at mukhang vini-video-han pa talaga ako.
"Isang Addison Mallari, hindi pinatabi ng kanyang asawa!" Sigaw ni Sandy.
Nag-apir pa silang dalawa ni Naomi sa harap ko. Ako naman ay inis na kumuha ng mga throw pillow at pinagbabato sa kanilang dalawa. Agad naman nila itong naiwasan at mas lalo pa silang humagalpak ng tawa.
Napakamot ako sa tenga ko. Fuck this. Ang sakit pa ng ulo ko dahil sa alak na ininom ko kagabi kasama ang mga katrabaho ko sa office. Naging dahilan tuloy yon para dito ako sa sala patulugin ng asawa ko.
Yes, my wife. My lovely wife Kari Nicolyn Seda.
"Ang aga-aga nyong mang-buwisit!" Sigaw ko.
Nanatiling nakatapat sa akin ang phone ni Sandy. "Anong masasabi mo sa pagiging under mo kay Colyn?"
I just raised my middle finger at the camera pero hindi yun nagtagal dahil nakatanggap ako ng pinong kurot sa may bewang ko.
"A-aray, aray naman!" Sigaw ko. Napatayo pa talaga ako at hinawakan yung balat ko kung saan ito kinurot na namumula na ngayon.
Nabungaran ko si Kari na hawak-hawak ang 5 years old naming anak na si Abby. Kaya naman pala ginawa nya yon. Kasama nya pala ang anak namin.
"Mama, are you okay?" Tanong sa akin ni Abby.
"Of course, honey. Mama is okay," lumapit ito sa akin saka kumandong.
"Why did you sleep here po? Siguro may ginawa ka pong bad kay Mommy 'no?" Kung paanong magsalita ang anak ko ay para bang matanda na magsisimula ng manermon sa akin. Nakataas din ang isang kilay nito sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
Geez. Ang dami mong mamanahin sa Mommy mo, yang pagtataray nya pa!
Rinig ko ang pagtawa muli ng dalawang kaibigan ko kaya tinapunan ko nga ng masamang tingin bago ako muling bumaling kay Abby.
"No, Abby. You're Mommy is the one who did bad things to me. Look oh," nilahad ko pa yung kumot na di pa natutupi maging ang ilang unan na ngayon ay nasa lapag na. "Dito nya ako pinatulog baby," nagpapaawa akong tumingin kay Abby.
Narinig ko naman ang pag-'tsk, tsk,' ng asawa ko. Naka-cross arms ito habang sobrang sama ng tingin sa akin. Scary!
"That's what you get when you're doing something bad, Addison."
Napalabi nalang ako. Grabe naman.
Hindi ako nakatanggi kasi kagabi dahil birthday ng isa sa katrabaho ko sa Marketing Department. Ang dami nilang sinabi na nagpakonsensya pa sa akin kaya napilitan na akong makihalubilo sa kanila. Dinamay pa ang posisyon ko. Na kesyo kung sino pa ang head ng department namin, yun pa ang wala. Ilang beses ko na din silang tinanggihan sa mga invitations nila kasi nga, gusto ko agad makauwi para makita ang mag-ina ko.
I'm working at our own company. Nagsimula muna ako sa mababang position dahil yun ang gusto ko munang gawin bago ako i-assign sa mataas na posisyon nila Papa.
Binuhat ni Naomi si Abby at dinala ito sa playroom nito. Kasama nila si Sandy na nakangiting tagumpay sa akin. Malamang yung video na nakuha nya, isesend nya sa group chat ng buong barkada. For sure pagtatawanan nanaman ako ng mga nun. Pasimuno pa si Riva sa pang-aasar sa akin. Lagi akong kawawa sa mga yon kaya.
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison