DR 21

3K 127 2
                                    

"Good morning!" Bungad sa akin ni Kylie pagpasok ko sa room.

Final exam namin ngayon at heto ang unang araw para doon. It's already Thursday at ngayon lang ako nakapasok. Simula kasi nung Lunes hanggang miyerkules ay si Ally na ang pumapasok. Ngayon lang talaga sya hindi nakapasok dahil bukod sa final exam na, may check up pa sya sa hospital.

"Morning," bati ko din sabay upo.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, hinahanap ang taong ilang araw ko ng gustong makita pero bigo ako. Wala sya ngayon. Hindi ba sya papasok?

"Nasaan si Kari?" Tanong ko sa katabi ko.

Nalukot ang mukha nya. Mukhang nagtataka sa akin. "Ayan, Kari ka nanaman. Ang gulo mo naman, Ally. Nung nakaraan puro ka Colyn tapos ngayon Kari?!"

Natahimik ako. Mukhang kailangan ko ng masanay na gamitin ang Colyn bilang pagtawag sa kanya imbes na Kari.

"Anyway, to answer your question mukhang male'late pa yata ang lover mo," sagot nito.

Napangiti ako. Lover? Baliw talaga 'tong kasama ko.

Maya-maya lang ay may mga pumasok na iba pa naming kablockmates hanggang sa finally, dumating na si Colyn. Pero hindi ko man lang syang magawang lapitan sa mga oras na ito. Hanggang tingin nalang yata ako dahil pagkatapos ng lahat ng kasinungalingan na sinabi ko kay Ally, wala na akong karapatan pang lapit-lapitan si Kari.

Malinaw na sa akin na hindi sya para sa akin.

Sakto din na dumating na ang professor namin kaya kanya-kanya na kami sa paghahanda para sa exam namin.

——

Lunch na namin at nagpasya kaming sa labas na kumain tutal mamaya pang alas dos ang susunod na exam namin. Habang abala ang ibang barkada sa pakikipagharutan, ako naman ay tahimik lang na nagmamasid sa kanila habang nakangiti.

"Stupid," napakagat ako ng labi dahil doon.

How I miss that damn voice of her. Sa loob ng limang araw na hindi ko sya nakita at nakasama, walang araw na hindi ko sya inisip at namiss. Kahit sinabi sa akin ni Ally na kalimutan ko itong nararamdaman ko para kay Kari ay hirap na hirap ko iyong simulang gawin. Kung madali lang gawin yon edi sana hindi na umabot pa sa puntong ganito na kalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

"C-colyn.." mahinang usal ko.

Tinitigan nya ako ng mariin. Kakaiba nya ako kung tingnan ngayon. May halo itong pagdududa kaya bigla ay naging alerto ang buong sistema ko. What the hell are you thinking right now, Kari?

"How are you? Kahapon, sumakit ang ulo mo pagkatapos mo kaming maalala lahat, Ally."

Pinilit kong umakto na para bang wala lang ang nalaman ko ngayon sa harap nya kahit na sa loob-loob ko, ay labis ang pagkagulat na naramdaman ko. So, yun na pala ang sinabi sa kanila ni Ally..

"I'm fine, Colyn. Don't worry,"

"Sino naman nagsabi na nag-aalala ako? Nagtatanong lang naman ako, assumera." Umismid pa sya at nagkrus pa ng braso nya sa kanyang dibdib. Luh? Attitude ka ghorl?

"Okay, sabi mo e."

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami sa school. May isang restaurant lang naman na malapit dito at doon namin naisipan na magpunta.

Maya-maya ay may kamay na humawak sa kamay ko. Hindi na ako mabibigla kung sino ang may-ari ng kamay na iyon dahil si Kari lang naman ang katabi ko.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon