DR 6

3.2K 124 0
                                    

Paglabas ko palang sa kotse para na akong praning na palinga-linga sa paligid ng parking lot. Grabe na din ang kabang nararamdaman ko dahil sa bawat hakbang ko ay hindi na ako mapalagay. Pakiramdam ko, anytime may lilipad na kung anong bagay papunta sa akin.

"Boo!"

"Ay fucking inang tape!" Agad kong naibulalas.

Nakita ko si Kylie na tawa na ng tawa sa gilid ko. Nakahawak pa ang isang kamay nya sa tyan habang ang isa naman nyang kamay ay naka'angat at nakaturo ang daliri sa akin. Galing sya sa poste na nadaanan ko ngayon lang.

"Bwisit ka, Akala ko si Kari na!" Kinabahan kong sinabi sabay hampas sakanya ng bag ko.

Hindi parin sya mahinto sa pagtawa to the point na nagpupunas na sya ng luha sa gilid ng mata nya. Eh kung iuntog ko kaya 'to sa pader ng matigil? Tsk.

"S-san..dali!" Hindi nya mabigkas ng maayos ang kanyang sinasabi dahil panay parin ang pagtawa nya.

Ang dami na tuloy estudyante ang napapatingin sa amin. Tinapunan ko nga ng mga masasamang tingin para hindi na kami tingnan at tumiklop. Kaso, ako yata ang tumiklop at napatago sa likod ni Kylie ng magtama ang paningin namin.. ni Kari.

She's now looking at me blankly.

"Hoy, umalis ka nga dyan!" Natatawa parin si Kylie pero hindi ganon kalala katulad kanina.

"Wag ka ngang malikot," sabi ko habang nakahawak sa likod nya. "Itago mo ako, bes!"

"What? Don't tell me, may kasalanan ka kay Colyn?"

Hindi ko na sya pinansin dahil nakita kong naglakad ulit si Kari palapit sa amin. Hindi parin nagbabago ang kanyang awra. Lalo tuloy akong natakot sa kanya ngayon.

"Averil," Mahina ngunit may diin na tawag ni Colyn sa akin.

Hindi nya din ako tinawag na Ally kundi Averil. Ibig ba nitong sabihin ay talagang galit na galit sya sa ginawa ko?

"K-kari.." Nautal pa talaga!

"Follow me or else.. I will strangle you."

Nilagpasan nya kami ni Kylie. Kita ko naman ang pagtataka kay Kylie dahil sa mga nakita nya pero hindi ko muna sya inatupag. Basta nalang akong sumunod kay Kari na tahimik lang na naglalakad hanggang sa mapadpad kami sa garden ng school.

Nakaupo sya sa bench habang ako naman ay may ilang dipa pa ang layo mula sa kanya.

"Kari.. I'm sorry for what I did," I sincerely said that to her. "Pero hindi ko yun pinagsisihan,"

Kita ko kung gaano sya nabigla sa sinabi ko pero agad din naman yun napalitan ng isang nagtataray na tingin.

"Stupid," mahinang sinabi nito na ikinangiti ko.

Why do I find her cute when she always telling me 'stupid'? Baliw na ba ako? Dapat nga mainis ako pero bakit ayos lang sa akin at natutuwa pa ako? Siguro nga stupid talaga ako.

"Ilabas mo na yang cake ko," utos nya sa akin. Hindi sya galit? Kita ko ang pagkasabik sa mga mata nya habang nakatingin sa dala kong paperbag. Napatanga tuloy ako sa kanya.

"Paano mo nalaman na cake ang nasa loob nito?" Pang-uusisa ko.

"Tsk, daming tanong! Sakalin nalang kaya kita?!"

Agad akong kumilos at nilabas ang dalawang tupperware na may laman na chocolate cake. Pinaghanda ko pa sya ng orange juice na nasa tumbler na mas lalo nyang ikinatuwa.

"Akala ko galit ka," sabi ko habang nakaupo na sa tabi nya.

Kita ko kung gaano sya sarap na sarap sa dala kong pagkain kaya nakuntento nalang ako sa pagmamasid sa kanya at hindi na muling nagsalita pa.

Naubos nya ang nakalagay sa isang tupperware. Habang ang natira namang isa pa ay pinasok nyang muli sa paperbag at binalik sa akin.

"Mabuti at nagtira ka," Nasisiyahan kong ani.

She raised her eyebrow at me. Mukhang hindi natuwa sa sinabi ko. "Sinong nagsabing tinira ko sayo yan? Akin parin yan. Pinapahawak ko lang sayo,"

"Wow, impressive!" Note the sarcasm. Nakatanggap ako ng irap mula sa kanya dahil doon.

"Palalagpasin ko yung ginawa mo, Ally. Pero wag mo nalang sana pang uulitin." Sabi nya bago ako iniwan sa garden at naglakad na palayo sa akin.

Hindi sya nagalit? Napangiti tuloy ako. Ibig ba nun sabihin ay okay lang sa kanya ang ginawa ko? Psh, eto talagang si Kari, gusto din eh!

Kaso, napasimangot ako saglit dahil narealize kong hindi pala sya nagpasalamat sa cake na binigay ko! Ang babaeng yun talaga!

Simula pagpasok ko sa room hanggang matapos ang klase sa umaga ay hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Para akong uminom ng isang dosenang tableta ng enervon dahil feeling ko, sobra-sobra ang energy na dumadaloy sa katawan ko.

"Namaligno ka ba?" Nagtatakang tanong sa akin ni Kylie paglabas namin ng room. Nakita ko naman si Kari sa kabilang side nya na poker face lang at hindi umiimik.

"Happy lang ako," sagot ko.

"CR lang ako. Una na kayo," paalam sa amin ni Kari. Si Kylie lang ang tiningnan nya, hindi man lang ako sinulyapan. Ang moody talaga.

"Anong nangyari ba kanina? Bakit parang taeng-tae ka na ewan tapos takot na takot kapa kay Kari? Did you do something stupid?" Sunod-sunod nyang tanong habang naglalakad na kaming muli.

"Tsk, stupid ba yung paghalik ko sa pisngi nya?" Natatawa kong tugon.

"Shocks!" Napasinghap pa sya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin. "Ginawa mo yun?! Buti humihinga kapa?"

"Nagsorry naman ako," nakanguso kong sinabi. "Sabi nya wag ko nalang daw ulitin."

"Oh my Gosh, girl. Are you sure she said that? Baka naman nananaginip ka lang?!"

"Of course! What do you think of me?! Delusional?" Naiinis kong ani.

"Gaga ka, nabibigla lang ako. Bakit ganon sya sayo? Grabe, ang dami ko ng napapansin kay Colyn ah."

Napakunot ang noo ko. "Ano bang napapansin mo?"

She just shrugged. "Nevermind," pagtatapos nya ng usapan.

Gustuhin ko man maging chismosa ngayong oras na ito dahil naiintriga ako sa sinabi ni Kylie pero mas pinili kong manahimik nalang.

Kung ano man ang napapansin nya, sana hindi yun masama. Baka mamaya, napapansin na pala nyang nababaliw na si Kari kahit hindi naman ito totoo. Sya talaga ang masasakal ni Kari pag nagkataon.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon