"You have a twin sister, Ally?!" Si Blair ang unang nakabawi mula sa pagkakabigla. Katabi nya si Cody na gulat parin sa nalaman.
"Sinabi kong may kapatid ako diba?" Sagot naman nito.
"But you didn't told us that it's your twin sister," muling sinabi ni Blair.
Naupo akong muli at yumuko. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa mga nangyayari. Bukod sa naipakilala na ako ngayon ni Ally na syang nagpakaba sa akin, ang katotohanan pa na nasa paligid ko lang si Kari ay mas lalong nagpadagdag ng kaba sa akin.
How should I act in front of her?! How?!
"Hi," Inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko. Nilapitan pala ako ni Kylie. Nakangiti ito sa akin. "How should we call you ba? Avery? Addison?" Tanong nya.
"A-adi... Adi nalang," sagot ko.
She embraced me. "It's nice to finally meet you, Adi." Kumalas ito sa akin. "I'm Kylie!" Pakilala nya.
Yes, I already know you.. all of you. Ngumiti nalang ako.
Isa-isa silang nagpakilala. Ngunit ang hindi pa nakakalapit sa akin ay si Kari, na nakatingin lang sa akin. Nakatayo lang ito sa gilid, hindi kalayuan sa akin. Katulad kanina ay blangko lang ang tingin na pinupukol nito sa akin.
"Adi," napalingon ako kay Naomi. Shit, nakalimutan kong kasama ko pa pala sya! How stupid of me!
"Ahm, guys?" Pagtawag ko ng pansin sa kanilang lahat. Nilingon naman nila ako agad. "This is my best friend, Naomi."
Katulad ng mga tingin ni Ally at Papa kanina, may mga malisyoso din ang mga mata nilang dumapo sa aming dalawa ni Naomi, sa kamay naming magkahawak to be exact. Binitawan ko nga agad. Kita ko ang mga ngisi nila sa aming dalawa ni Naomi.
Pero lahat ng yon ay hindi man lang nangyayari kay Kari. Tahimik lang nya akong pinagmamasdan. Nag-uumpisa nanaman tuloy akong mailang at kabahan. Get a hold on yourself, Adi!
"Are you sure best friend mo lang sya, Adi?" Naniniguradong tanong ni Ally sa akin.
Napairap tuloy ako. Narinig ko ang mahinang hagikgik ni Blair at Kylie, mukhang natawa sa biglaang reaksyon ko.
"Ang issu—"
"She is sure that I am her best friend, but for me she's just not my best friend only but also the person that I like,"
Ang aking kilay ay para ng magdudugtong sa sobrang inis dahil sa mga sinabi ni Naomi sa harap ng barkada ni Ally.
Tinutukso na tuloy nila kami ngayon dahil sa mga pakulo nito!
"Naomi.. shut up," nagtitimping ani ako. "Let's go, Ihahatid na kita sa labas." Pinal kong sinabi sabay hila sa kanya ng marahan palabas ng bahay.
Nadinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ally pero mas pinili ko nalang ito na wag pansinin.
"Hindi ako magsosorry sa ginawa ko, Adi." Sabi nya sa akin pagkalapit namin sa sasakyan nya.
"Naomi, hindi mo dapat sinabi yun sa kanila. At bakit hindi ka magsosorry? Kailan kapa naging ganyan?"
"I'm just messing around! May kailangan lang akong makita at mapatunayan!" Pagdadahilan nya.
"What is it huh?! Gusto mong makita kung gaano tayo tuksuhin ng mga yun?!"
"Whatever, Adi! I'll just talk to you some other time! Ang init ng ulo mo, parang yun lang e." Naiinis nang sambit nito. "I'm going," Paalam pa nya bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
Pagbalik ko sa bahay ay wala ng tao sa sala. Mukhang bumalik na sila sa swimming pool. Hinanap ko din sila Papa sa kusina pero ang sinabi lang ng mga kasambahay ay nagpapahinga na sa kwarto nila. Kaya nagpasya nalang akong umakyat na din papunta sa kwarto ko para makapagpahinga na din.
Sus, iiwas ka lang sa kanya e. Napakagat ako ng labi sa biglaang sabat ng aking isip.
Una pa lang, ito na ang gusto kong mangyari. Pero ngayong nangyari nga, bakit ba ako iiwas?! Argh. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na ito sa totoo lang!
"Where do you think you're going?" Isang malamig na boses ang nagpahinto sa akin sa pagtapak ko sa unang baitang ng hagdan.
Hindi lang kilos ko ang huminto. Maging ang pagtibok yata ng puso ko at pati narin ang paghinga ko.
Sinalubong ko ang malamig din nyang tingin. Wala sa itsura nya ang pagtataray nya na syang nakasanayan kong makita mula sa kanya.. mula kay Kari.
"W-what... what are y-you doing?" Nauutal kong tanong sa kanya. Unti-unti kasi syang naglalakad palapit sa akin. I swear, kung may sakit lang ako sa puso baka nahimatay na ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"Relax," she said. Huminto sya mula sa paglalakad nya. Sobrang lapit na nya sa akin to the point na naaamoy ko ang kanyang mabangong hininga.
I already told this to her before but I will repeat it again into my mind. You'll be the death of me, Kari Nicolyn Seda!
Napapikit ako ng bigla nyang inangat ang kamay nya papunta sa akin. Hindi nagtagal ay narinig kong muli ang boses nya.
"Stupid just like her twin sister, eh?"
Doon ako napamulat. Nakalahad ang kamay nya sa akin ngayon. Phew! Akala ko sasampalin nya ako eh!
"I'm not stupid," sagot ko. Jusko, hanggang ngayon ba naman na nagpakilala na ako bilang Addison, stupid padin ang isa sa mga babanggitin nya sa akin?! Unbelievable talaga.
"Whatever you say. I'm just planning to introduce myself to you since I didn't do that earlier... I'm Kari Nicolyn Seda,"
Ginalaw nya ng bahagya ang kamay nyang nakalahad parin sa akin hanggang ngayon. Nanginginig man ang kamay ko ay mas pinili ko parin na tinanggap yon. Kita ko ang pagngisi nya dahil malamang, ramdam nya ang panginginig ko kaya ako ang unang bumitaw.
"O-okay," yun lang ang nasabi ko bago ako nag-umpisa muling humakbang sa hagdan pero napahinto akong muli at pakiramdam ko, na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sinabi ni Kari.
"Just call me Kari,"
The one that I wanted to call her in the first place?! Everyone calls her Colyn for Pete's sake! Tapos ako, ang gusto nya.. Kari?
Nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang gulat ko nga ay napalingon ako sa kanya, nakakunot ang noo. Alam na ba nya ang totoo?
Nakabawi lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng muli itong magsalita...
"By the way, hindi kayo bagay ng babaeng yon. Ang cheap ng taste mo, Mallari."
What the actual fuck was that? Why does it sounds like she's annoyed by Naomi?
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
Roman d'amourI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison