DR 28

3.3K 139 3
                                    

Humigpit bigla ang hawak ko sa basong may laman ngayon ng alak nang makita ko kung gaano kalapit ni Ally at Kari ngayon.

Nakapulupot na nga ang isang kamay ni Ally sa bewang nito habang nagbubulungan pa sila. Eto namang isa, mukhang nasisiyahan pa. Naiinis ako! Pero kung titingnan ko ang mga tao sa paligid namin, parang sanay na si Kylie at Blair sa nakikita. So, ako lang pala ang affected dito?

Nasa swimming pool kami, nag-iinuman pero hindi kami naliligo. Dito lang namin naisipang mag-inom and take note, puro lang kami mga babae at hindi ngayon kasama si Cody at Jaylord.

Kanina pagdating namin, isang baso agad ng alak ang binungad sa akin ni Kylie. Nagtataka nga ako nung una kung bakit parang ayos lang kila Papa na nandito sila Kylie at umiinom pa. Yun pala, wala sila ngayon sa bahay. Pero nagpaalam naman pala muna sila sa magulang namin bago sila magsimulang mag-inom ngayon.

Gustuhin ko mang tumakas muli katulad ng ginawa ko kagabi ay hindi na ako nagtagumpay dahil bantay-sarado ako ngayon ni Kylie at Blair. Silang dalawa ang katabi ko, nasa gitna nila ako samantalang si Ally at Kari ay nasa harap namin nakapwesto.

Sa sobra yatang focus ko sa dalawang tao na nasa harapan ko, hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanila. Kung hindi lang nasagi ni Kylie ang baso ko at natapon ang laman nito sa damit ko ay baka yun nalang ang gagawin ko sa buong oras na nandito ako.

"Oh my! I'm sorry!" Natatarantang sambit nito sabay tayo at punas ng tissue sa damit ko.

"Hindi, ayos lang. Magpapalit lang ako." Paalam ko saka ako tumayo at maglalakad na sana kaso, hinawakan ako ni Blair sa braso kaya napatigil ako.

"Sasamahan kita! Baka tumakas ka nanaman," sabi nito sabay tayo.

"What? No! Babalik ako, promise." Nagugulat kong sinabi.

"Ay nako, Adi! Wag ka ng pumalag,"

"Promise babalik ako, Blair." Paninigurado ko sa kanya. My Goodness! Ganito ba si Blair kapag lasing? Nagiging makulit na e!

Nasa kalagitnaan parin kami ng pagtatalo ng biglang may nagsalita bukod sa amin ni Blair.

"Ako na lang ang sasama sa kanya," Napatingin kaming lahat kay Kari na nakatayo na.

"Wait Colyn kaya naman na ni Blair yan." Pagpigil naman ni Ally. "Diba, Blair?" Humarap pa ito kay Blair na nakahawak parin sa braso ko hanggang ngayon.

Sasagot na sana si Blair ng bigla nanamang magsalita si Kari.

"I insist. I'll make sure na kasama ko sya pabalik dito. Ewan ko lang kung hindi yan matakot sa akin," Nakangising ani nito na syang nagpa-usbong ng kaba ko nanaman.

Shitty shits. Magkakaroon ako ng alone time with her! Paano na ako aakto sa harap nya? Minsan pa naman nagiging pabaya ako hindi lang sa kilos kundi sa salita. Sa lahat ng sitwasyon na ayoko munang maranasan, yun ay ang maiwan ako kasama ni Kari. Kahit na nga ba namimiss ko kung gaano kami kalapit noon, alam ko naman kung gaano na kalaki ang pagbabago nun ngayon. Pakiramdam ko kasi ngayon na kahit na magkalapit na kami sa isa't-isa.. hindi ko na sya maaabot pa.

Dahil sa sinabi ni Kari ay pumayag na ang dalawa samantalang si Ally ay halatang hindi nya nagugustuhan ang mga mangyayari. Nakikita ko din sa mga mata nya ang takot at pangamba na nagbigay ng katanungan ngayon sa aking isipan. Bakit nakikita ko sa mga mata nya yun ngayon?

"Let's go," Sabi ni Kari. Nauna na itong pumasok sa loob kaya sumunod na din ako. Bago pa nga ako tuluyang makalayo sa mesa ay sinulyapan ko muna si Ally.

She's now throwing me a dagger look. Lasing na yata 'to e.

Kumukuha na ako ngayon ng panibagong damit sa closet ko habang si Kari naman ay nagmamasid lang sa buong kwarto. Medyo natataranta at nagmamadali pa nga ako dahil ayokong magtagal sya sa kwarto ko. Mahirap na kasi eh. Baka mamaya may masabi sya sa akin na maging dahilan para nerbyosin nanaman ako katulad ng ginawa nya kagabi.

"Bakit puro gray and black ang kulay ng kwarto mo?" Tanong nya habang nagbubuklat ng libro sa may study table ko.

"F-favorite color ko k-kasi yan," shit! Nautal pa!

"Why are you stammering? Are you that scared of me, Addison?" Natatawa nyang sambit.

Sa mga sitwasyon na kung saan kinakabahan at nag-uumpisa na akong nerbyosin ay hindi ko napigilang mapangiti. Tinawag nya akong Addison! I can't explain this kind of feeling! Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko bilang Allison, heto lang ang isa sa mga hiniling ko noon na mangyari. Ang matawag nya ako sa totoo kong pangalan.

Why does it sounds like a music to my ears when she mentioned my name? Pero kapag si Sandy tunog kalye!

"You look like an idiot," Puna nito

Biglang nawala ang ngiti ko at napalitan ng isang simangot. Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok na ng banyo. Nakakahiya! Dinig ko ang mahina nyang pagtawa sa labas. Mas lalo tuloy akong bumusangot.

Paglabas ko ay nakita kong hawak-hawak ni Kari ang phone ko na umiilaw. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatitig sa screen. Nag-umpisa nanaman tuloy na kumabog ang puso ko kaya kinuha ko agad sa kanya yon ng makita kong may tumatawag doon.

Love calling...

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at hindi Lovelyn ang nakasave sa phonebook ko. Ang alam kasi ni Kari na sa kanila palang ako naipapakilala ni Ally. Kaya kung nagkataon na Lovelyn ang nakasave na pangalan ni Love dito, magtataka na ito at uulanan na ako ng tanong.

"Hello,"

Sinamaan muna ako ng tingin ni Kari bago sya maghalukipkip sa sofa ko na nasa gilid lang ng kama.

"Let's party, Adi! Tara dito sa Bar!" Pag-aaya ni Lovelyn.

Dinig ko sa background nya ang ingay ng music at hiyawan ng mga tao. Mukhang nasa Bar nga ang bruha.

"I'm sorry but I can't, Love. Next time nalang,"

"Tss, Love your ass." Dinig kong bulong ng kasama ko kaya tinaasan ko nga ng kilay. Nakatanggap naman ako ng irap mula sa kanya bago ito muling nanahimik.

Inabot pa ng ilang minuto ang pag-uusap namin bago ko tuluyang patayin ang tawag.

"Love? Yuck," biglang sabi nito pagkaharap ko sa kanya. Pinakita nya pa na talagang nandidiri sya sa binanggit nyang salita.

"Why are you like that? Konti nalang iisipin kong nagseselos ka," Nakangisi kong tugon.

Muli nanaman nya akong inirapan. "You wish! Bumaba na nga tayo!" Tumayo sya at binuksan na nya ang pinto pero agad din naman syang tumigil.

"By the way, saang lugar ka lumaki?" Out of the blue nyang tanong.

"Bakit?" Balik kong tanong.

"Don't answer my question with another question! Stupid!" Naiinis nyang sambit.

Ako naman tuloy yung natawa. Para kasing mapuputol na yung ugat nya sa noo sa sobrang inis nya sa akin.

Pero kahit na ganon, ang ganda nya pa din.

"Sa Quezon Province,"

Bakas sa kabuuan nya ang pagkagulat pero maya-maya lang ay ngumiti ito ng palihim. God, she smiled because of that? But why?

"Kaya pala... now I know," sabi nya bago sya tuluyang lumabas ng kwarto, iniwan akong naguguluhan sa huli nyang sinabi.

Kaya pala ano?

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon