DR 13

3.3K 141 0
                                    

Pagdating namin sa bahay ni Lovelyn, kumpleto na silang lahat at tanging ako nalang ang kulang. Abala sila sa kanya-kanya nilang instrumento na hindi man lang nila namalayan na nasa loob na kami.

"Ehem," pagtawag ko sa atensyon nila.

Nagsitinginan sila. Pagkatapos nila akong makita ay lumipat ang tingin nila kay Kari na naka poker face lang sa tabi ko. Nairita pa ako agad dahil may pagkabored din sa kanyang itsura.

Kita mo 'tong babaeng to. Halata na ang pagkabored nya eh wala pa nga kaming nasisimulan. Kararating lang namin, nabobored na agad? Tss.

Nanlaki ang mga mata ng karamihan dahil kay Kari. Samantalang si Love ay tipid lang na ngumiti saka bumalik ulit sa naudlot nyang gawain.

"Hello Colyn!" Si Quinn, sya ang tutugtog sa keyboard. Lumapit sya kay Kari at kumaway. "I'm Quinn! My Gosh! Ang ganda mo talaga!" Nagtitili pa sya na parang kiti-kiti.

Napansin ko naman na natutuwa si Kari sa nakikita nya. Saka sya tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. Na tila nagyayabang na may kasamahan akong hinahangaan sya. Napaikot tuloy ako ng mata.

"Hello," ngumiti si Kari kay Quinn.

Iniwan ko silang nag-uusap at lumapit ako kay Love na busy pa din sa kanyang ginagawa.

"Hey," napaangat ang tingin nya sa akin. "Okay lang ba kung nandito sya?" Tanong ko.

Sumilip sya kay Kari bago nya binalik ang tingin sa akin tapos napangiwi. "Ayos lang. Basta hindi sya magiging dahilan para madistract ka or sila."

"Okay, salamat."

Bunalik naman ako sa pwesto nila Kari.

"Upo ka muna dito," turo ko sa sofa. "Wag kang maglikot dito ah?" Bulong ko.

Napaangat ang kilay nya sa akin. "What do you think of me? A kid?! Tsk, I'm not a stupid like you 'no," sabi nya sabay irap sa akin.

Pinanlakihan ko nalang sya ng mata at iniwan na. Kahit kailan talaga!

"Allison," Si Love. Sumenyas pa sya sa akin na lumapit sa kanya.

"Yes Love?" Sagot ko. Kinuha ko muna ang phone ko sa bag bago ako lumapit sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na ang sama ng tingin ni Kari sa akin nung nadaanan ko sya. Hindi ko nalang pinansin. Tinotoyo nanaman.

"RNB songs ang ipapractice natin so be prepared, okay?" Tumango naman ako.

Si Lovelyn ang leader namin. Sya ang pinili namin lahat dahil kita naman namin na may kakayahan syang maging leader ng isang grupo.

Nagsimula ang practice namin. 2002 ang kanta na pinili ni Love kaya yun ang pinag practice'san namin lahat. May iniba lang kami na tono pero lahat naman naging maganda ang kinalabasan. Sumusulyap ako kay Kari na nanunuod sa amin.. particularly at me.

Medyo naiilang ako pero mas nanaig sa akin na wag nalang yun pansinin. Bukod sa kailangan kong magseryoso, kita ko kay Lovelyn na seryoso sya sa sinabi nya kanina na hindi dapat maging distraction si Kari sa akin.

"Okay, we're done!" Lovelyn stood up then walk to the kitchen.

"Woooh! Grabe kapagod," Riva seat at the sofa. Medyo malayo sya kay Kari.

Naupo naman ako sa gitna ni Riva at Kari. Tahimik lang si Kari na nagmamasid sa paligid.

"Ayos ka lang?" Tanong ko dito.

"Oo naman," maikli nyang sagot. Nagtaka pa ako dahil parang wala na syang topak ngayon kumpara kanina na barumbado kung sumagot.

"Nga pala Ally," napalingon naman ako sa kabila ko, kay Riva. "Date tayo bukas?"

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon