DR 15

3.2K 130 0
                                    

Lahat kami ngayon ay nasa bahay nila Lovelyn. Dito kami nagdiwang sa pagkapanalo namin. Naisipan pa nga nilang magswimming din since malaki ang pool nila Lovelyn dito.

Nandito din ang mga parents ni Lovelyn pero hindi na sila pa nakisali sa amin dahil umalis din sila agad papuntang ibang bansa. Medyo nailang pa nga ako sa Mommy ni Lovelyn, iba kasi yung way nya kung paano ako tingnan.

"Ayaw mo talagang mag'swimming?" Biglang tanong sa akin ni Lovelyn.

May hawak syang dalawang baso ng alak sa magkabilang kamay. Inabot nya ang isa sa akin na magiliw ko namang tinanggap. Nakaupo lang kami dito sa gilid ng pool ngayon, nagmamasid sa mga kasama namin na tuwang-tuwa na magwisikan ng tubig.

"Ayoko. Wala ako sa mood," lumagok ako sa baso. Ramdam ko ang init na humahagod sa lalamunan ko. Medyo napangiwi pa nga ako dahil doon.

"Gusto mo bang pag-usapan natin?"

Napatingin ako sa ibang side ng lugar. Tanging si Lovelyn lang ang nakakaalam ng nangyari sa pagitan namin ni Kari, at tinotoo nya talaga na pag-uusapan namin ang tungkol doon.

"Do I need to stop this damn feelings of mine, Love?"

Napansin kong umayos sya ng upo at mataman akong tiningnan.

"I'm not in the position to dictate on what would you do, Ally."

"Bakit kasi kailangan kong mahulog sa kanya ng ganito? Mali kasi 'to, Love. Hindi pwede.. hindi dapat."

"Minsan kasi, kung ano pa yung mali, doon tayo masaya. At kung ano ang tama, doon tayo malungkot. Whether you choose one of them, palaging may consequence na nakasunod doon. You need to be wise when making a decision, Ally."

Lovelyn is right. Parehas na may consequences ang pipiliin ko. Kung pipiliin kong mahalin ng tuluyan si Kari, masasaktan ko si Averil. At kung pipiliin kong pigilan o kalimutan ang feelings ko kay Kari, sasaya nga ang kakambal ko pero ako naman itong malulungkot at masasaktan.

Hindi ko na dapat kunsintihin tong nararamdaman ko. Ayokong paabutin pa ito sa mga oras na bumalik ang kakambal ko. Magkakagulo lang at baka ang mas malala pa ay iyon ang maging dahilan ng misunderstanding naming dalawa ni Averil.

Kung bakit ba naman kasi sa iisang tao pa kami nagkagusto ni Averil!

"Allison," pagtawag sa akin ni Lovelyn.

Doon lang ako nakabawi mula sa malalim na pag-iisip. Nanatili syang nakatingin sa kawalan. Uminom muna sya ng alak bago sya muling nagsalita na syang nagpagulat sa akin.

"Gusto kita," she is now looking straight in my eyes. Her sincerity in her voice.. Lovelyn.. "Now, I am the one who will ask you this... Allison, do I need to stop this damn feelings of mine?"

"Lovelyn..."

"I think I already know your answer based on your reaction. Parehas tayo ng sitwasyon 'no? Ikaw, may gusto ka sa taong hindi ka gusto. Ako, gusto kita pero may gusto kang iba. Ang saklap naman ng buhay pag-ibig natin 'no?"

Nagkaroon saglit ng katahimikan ang pagitan namin. Pero maya-maya lang ay kumibong muli si Lovelyn.

"Gusto kita, pero tanggap ko naman na walang patutunguhan 'to Allison. I will remained as your friend. But if you will change your mind and heart, just let me know huh? Ako, sasaluhin kita hindi katulad ng cheerleader mo," natatawang ani ni Lovelyn.

Natawa na din tuloy ako. Kahit papaano, nawala ang pagkailang sa pagitan namin dahil sa sinabi nya.

--

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon