DR 3

3.8K 151 2
                                    

"Good morning, Kari." I greeted her.

Kalalabas nya lang sa kotse nya, ako agad ang nabungaran nya. Umagang-umaga ang pretty nya. Sobrang pretty to the point na nakakaagaw na sya ng atensyong ng mga kapwa naming estudyante.

"Ano ba, Ally? Ang aga-aga nakabuntot ka agad," Naiinis nyang sinabi sabay lagpas sa akin.

"Grabe naman," Mahina kong usal saka humabol sa kanya. "Nag good morning lang naman ako eh,"

Hindi nya ako pinansin. May mga estudyanteng binabati kami pero mas marami ang bumabati sa kanya. May iba pa nga na nagbibigay ng bulaklak or chocolates. Mabuti nalang at hindi nya yun tinatanggap kasi kung tinanggap nya, hindi ko sya papansinin all day. Wow, kaya ko ba?

"Kari, tara almusal tayo?" Tanong ko sa kanya bago pa man kami tuluyang makapasok sa building.

"Kumain ka mag-isa mo, Ally. Please, mamaya kana mangulit okay?" Napipikon na nyang sinabi.

Hindi na nya ako hinayaan pang magsalita. Basta nalang syang umalis sa harapan ko habang ako naman ay naiwang nakatulala nalang sa pwesto nya.

I feel pity towards my sister. Kung ganito palagi ang trato sa kanya ni Kari, siguro immune na sya sa sakit. Ang sungit-sungit! Pero kahit na ganon, mayroon sa kanya na nag-uudyok sa akin na magpatuloy. Ewan, ang weird nga e.

"Oh bakit nakasimangot ka?" Natatawang puna sa akin ni Kylie.

"Ang sungit ni Kari. Akala mong may galit sa buong mundo,"

"Ano ka ba, ganyan talaga yan! Jusko Ally, kahit anong reklamo mo noon.. at the end of the day, nakikita nalang namin na nasa tabi kana nya, nangungulit parin! At ano? Kari? Kailan kapa nag-umpisang tawagin sya nyan?"

"Kahapon lang," nakangiti kong sagot. "Ang ganda kasi ng Kari kaysa sa Colyn,"

"Gaga ka, ikaw nga ang nagtawag ng Colyn sa kanya na ginaya na ng ibang estudyante. Dati, talagang Kari ang tinatawag sa kanya dito,"

Nanlaki ang mga mata ko. Shit. Patay na. Ano nalang ang sasabihin ng kambal ko kung ganitong Kari na ang tinatawag ko sakanya? Parang gusto ko tuloy iuntog nalang ang ulo ko sa armchair ngayon!

Natapos ang klase ng wala man lang magandang nangyari. Lahat yata ng santo, dinasalan ko na para hindi ako tuluyang makatulog habang nagkaklase. Sa totoo lang, hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil lang sa mga sinabi ko kay Kari. I mean, shet na yan.. bakit ko nasabi sa kanya yun? May pa 'you'll be the death of me,' pa akong nalalaman! Baka death ang bagsak ko kapag nalaman ni Averil ang mga pinagsasabi ko sa crush nya.

"Ano? Tatanga ka nalang ba dyan?"

Nabalik ako sa reyalidad ng sabihin yun sa akin ni Kari. Nakakrus ngayon ang mga braso nya sa kanyang dibdib habang nakasimangot.

"Sorry," napakamot ako sa tainga. "Tara na,"

"You're always spacing out even in the class," puna nya sa akin.

"Sus, pano mo nalaman? Ikaw ha," sinundot ko pa ang tagiliran nya kaya napaigtad sya. "Siguro, pinagmamasdan mo ako kanina 'no?" Panunukso ko.

"Asa," inis nyang sinabi. Pumasok na sya sa kotse nya kaya pumasok na din ako sa passenger seat ng kotse nya. Nabungaran ko tuloy syang sobrang sama ng tingin sa akin ngayon.

"What?" Nagtataka kong tanong.

"Doon ka sa kotse nyo sumakay!"

Aayusin kasi namin ang irereport namin para bukas. Napag-usapan naming magkita muna sa bahay ng isa naming kaklase para ibigay ang mga topics namin at mailagay sa powerpoint.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon