DR 1

5.6K 153 1
                                    

Pagpasok ko palang sa school, para na akong celebrity dahil madaming bumabati o kumakaway sa akin na mga kapwa ko estudyante. Ang weird lang dahil hindi naman ganito ang mga tao sa school ko dati. Okay na nga sila sa pagtango nila sa akin pero dito, kulang nalang sambahin na nila ako.

"Ally!" Someone called my sister's name which is gagamitin ko muna sa ngayon behind my back kaya naman nilingon ko ang taong yun.

"Ah," Napakamot ako sa teinga ko. Sino ba 'to? Wala man lang sa akin sinabi si Papa tungkol sa mga kakilala or mga ginagawa ni Averil dito. Nakalimutan ko ding itanong kasi e.

"Good Morning?" Yun nalang tuloy ang nasabi ko.

"What the hell?" Di makapaniwalang bulalas nya. Nanlalaki din ang mga mata nya ngayon.

Ano bang mali sa pagbati ko? Pakiramdam ko, alien words ang sinabi ko para umakto ng ganyan ka OA ang babae sa harap ko. At tutal, gulat na gulat parin naman syang nakatinging sa akin, sinipat ko na lang ang ID nya ngayon.

Kylie Mendoza

"Kylie," pagtawag ko sa babae. "What's wrong?"

"You're weird. Hindi ka kailanman bumabati sa akin nyan e. Anyways, mabuti nalang at ayos kana, bes. Grabe ang pag-aalala namin sayo! Hindi ka man lang namin nadalaw nung nakaraan dahil bawal pa daw sabi ni Tito,"

Gustuhin ko man magsalita tungkol sa sinabi nya pero pinigilan ko nalang ang sarili. Kung alam lang nila kung gaano kalala ang kalagayan ngayon ng kaibigan nila, baka katulad ko ay malungkot at masaktan din sila. Isa pa, kailangan kong mag-ingat dahil baka bibig ko ang magpahamak sa akin. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagpapanggap ay pakiramdam ko, nahihirapan na ako.

Hinayaan ko nalang ang sarili na magpatangay kay Kylie. Halos lahat din ng estudyante ay binabati din sya. Mukhang sanay na sya sa ganon. Ano bang meron kay Averil at sa babaeng 'to? Masyado silang kilala sa campus e.

Pagpasok namin sa room, kakaibang katahimikan ang namayani. Heto nanaman ang mga tinginan na pinupukol nila sa akin. Hindi ako talaga sanay na ganitong atensyon ang binibigay nila sa akin. Pero dahil hindi ako si Avery Addison sa sitwasyon na ito, kailangan ko na dapat masanay.

"Good morning, Ally." A tall man appeared in front of me. May dala din syang kumpol ng rosas. Narinig ko ang pagsipol ng mga lalaki sa paligid namin. Kung susuriin ko ang kabuuan nya, isa lang ang masasabi ko dito.

Gwapo sya. Mukhang manliligaw ng kakambal ko 'to.

Tumingin ako kay Kylie. Tinatantya ko kung ano ba ang gagawin sa lalaking nasa harap ko ngayon. Mahirap na kasi. Baka mamaya hindi pala pinapansin 'to ng kapatid ko tapos ako papansinin ko? Ay nako naman.

Nakangisi si Kylie sa akin at bahagyang nakataas pa ang kilay.

"A-ano.. goo—"

Naputol ang sasabihin ko sana ng biglang pumasok na ang professor namin. Woo! Save by this professor! At dahil doon ay umalis na ang lalaki pero nilapag nya muna ang bulaklak sa armchair ko.

The whole morning class, para na akong dadalhin sa panaginip sa sobrang pagka'antok. Hindi naman talaga ako active sa mga acads, even in sports. Saktong estudyante lang ako. Minsan, sisipagin at minsan naman tatamadin. I'm not thinking study as a competition. Kung ano lang ang kaya ng utak ko, doon lang ako.

"Grabe, konti nalang latagan na kita ng higaan sa lapag." Natatawang sinabi ni Kylie sa akin paglabas namin ng room.

"Sobrang boring kasi," sagot ko.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon