DR 17

3.3K 132 0
                                    

When we arrived, we just eat and then decided to go to Skyranch. Hindi kami sumakay, basta lang kami naglibot doon. Naglaro kami ng ibang games at tinanaw lang ang makapigil hiningang tanawin.

"I still can't believe that we're here," bungad sa akin ni Kari pagkaupo namin. "Akala ko, matatapos nanaman ang araw ko na walang magandang bagay na mangyayari."

She's now holding my hand. I don't know if hindi na nya yon napapansin sa sobrang occupied ng utak nya sa ibang bagay pero ako, simula kanina hindi na mapalagay ang mga internal organs ko. Para silang nagwawala at hanggang ngayon ay hindi ko parin ito mapakalma. Hindi ko na nga din namalayan na nakahawak na din ako sa kamay nya. Tapos kung minsan, humihigpit ang kapit nya doon.

"Akala ko rin eh. Kaya salamat, Kari."

She looked at me directly in my eyes. "Bakit noon, hindi ko maramdaman itong nararamdaman ko sayo ngayon?"

Agad kumabog ang dibdib ko sa narinig. Kita kong naguguluhan na si Kari ngayon.

"Noon, I'm so irritated to your presence. Gusto kitang sakalin para matigil na ang pang-bubulabog mo sa akin. I even told you things that might hurt you in order to stop meddling into my life. But now? Your presence is making me happy, big time. I also appreciated the cakes that you gave to me na dati naman, hindi ko ginawa. I don't even take a bite to it pa nga noon eh. Tapos ngayon, halos hindi na kita bigyan kapag nagbibigay ka sa akin nun."

What if I told you the truth? That I am not the Averil Allison Mallari that you knew? What would you do, Kari?

"If your memories back, I think I will be the first one who will be happy at the same time, sad. Syempre, maaalala mo yung mga ginawa kong mali sayo eh."

Pero hindi ako ang ginawan mo ng mali noon kundi ang kakambal ko, Kari.

Napabuntong-hininga ako. "If you ever meet me again in other place.. in another situation," Where you will known me as Avery Addison Mallari.. "Will you still treat me the way you did right now, Kari?"

She gave me a confused look. "What's with the random question, Ally?"

"Can you just answer that, Kari?" I pleaded.

"Of course! Especially now that I totally accepted my feelings for you, Allison."

Natuod ako sa kinauupuan ko. Ang aking puso ay hindi nanaman normal kung tumibok.

"W-what do you... mean, K-kari?"

"I think I like you," My mind suddenly get blank. Ang aking paru-paro sa tyan ay tila nagdidiwang na dahil sa naririnig. Mas lalong naging kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Para akong nakalutang sa kawalan..

Pero agad din iyong bula na biglaang nawala dahil sa mga susunod nyang sinabi.

"I think I like you, Averil Allison Mallari."

I should be happy right? But damn, why the hell my heart is now throbbing in so much pain after I heard her, saying the name of my twin sister instead of mine? Fuck. That was obvious because she knew me as Averil not Avery!

Pero isipin ko pa lang na nagustuhan nya ang katauhan ko sa pangalan ni Averil, pakiramdam ko ang kakambal ko ang magbe'benefit nito. Na sa tingin ko, mas mapapadali sa kanya ang mga nangyayari ngayon dahil ang dating babae na ayaw sa kanya.. ay finally, nagustuhan na sya.

I should be the one taking all the credits but how can I? Una pa lang, nagkamali na ako. Nanloko na ako at nagsinungaling na ako kay Kari. Kaya wala akong karapatan na gawin yon.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon