Sabado ngayon at ito ang pinili kong araw para bumalik sa probinsya namin sa Quezon Province at madalaw ang aking Lola.
Mahigit isang buwan na din ang lumipas simula ng umalis ako sa poder nya. Although sinabi na ni Papa na maayos ang lagay ni Lola doon ay hindi parin ako napanatag. Gusto kong makita ko mismo ang lagay nya ngayon.
Pagdating namin sa lugar, syempre hindi maiiwasan na magsisulputan ang mga chismosang kapitbahay. Paghinto pa lang ng sasakyan namin sa harap ng gate namin ay grabe na kung magtipon-tipon ang mga tao sa paligid namin. Tinted ang salamin na sakay ko kaya kahit titigan ko sila sa labas ay hindi nila yun mapapansin.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpasya na buksan na ang pinto ng kotse sa gawi ako at lumabas doon.
Pansin kong gulat sila ng makita akong lumabas sa kotse na iyon. Tumango lang ako at ngumiti ng tipid bago ako dumiretso sa gate at buksan yun. Naiwan si Kuya Driver sa loob.
Kakatok na sana ako sa pinto ng bumukas na ito agad at bumungad sa akin si Lola na umiiyak na ngayon.
"Apo!" Napayakap sya sa akin.
"L-lola.." Tinugunan ko ang yakap nya. Mas mahigpit at mas sabik pa kaysa sa kanya.
Ilang sandali pa ay pumasok na kami sa loob. Napansin kong nagbago ang ilang bahagi ng bahay. May mga bago din akong gamit na nakita. Maging ang pintura ay nabago na at hindi mahahalatang luma na ang bahay kumpara noon.
"Kamusta po kayo dito, Lola?"
Binigyan nya ako ng turon na syang pinakapaborito kong kainin tuwing miryenda at isang baso ng orange juice bago sya tuluyang naupo na sa tabi ko.
"Ayos naman ako dito, Apo. Hindi ako pinabayaan ng ama mo. May isang kasambahay akong kasama dito ngayon at binigyan ako ng pangkabuhayan ng ama mo sa palengke. May bigasan na tayo ngayon doon."
Napangiti naman ako agad sa balita ni Lola sa akin. Sobrang bait ni Papa kay Lola. Alam ko naman na tinulungan sya ni Papa pero hindi ko alam na ganito pala kalaki ang binigay nyang tulong.
Kinwento ni Lola ang mga nangyari sa kanya simula nung umalis ako. Binanggit din nya na dumadalaw si Sandy sa bahay na ito at hinahanap ako. Nalaman ko din na grabe na ang pagtatampo nito sa akin dahil sa biglaang pag-alis ko.
Kaya heto ako ngayon at papunta na sa bahay nila.
"Adi, anak!" Isang yakap ang binungad sa akin ni Tita Mandy pagdating ko sa bahay nila. May hawak pa syang walis tambo at talagang sa sobrang tuwa nya ng makita ako, hindi na nya nabitawan pa iyon at napayakap na sa akin.
"Tita Mandy! Namiss ko po kayo," humalik ako sa pisngi nya at nagmano.
Sya naman ang pagbaba mula sa hagdan ni Sandy. Nagmamadali pa ito at muntik pang mahulog. Mabuti nalang at nabalanse nya agad ang katawan nya saka sya lumambitin sa leeg ko ng makalapit na sya sa akin.
"Nakakainis ka! Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin na aalis ka!" Sabi nya habang nakayakap sa akin. Pansin ko din na humihikbi na sya ngayon.
"Ano ba bes, wag ka naman umiyak dyan." Pag-aalo ko. "Magpapaliwanag ako sayo pero bumitaw ka muna sa akin, pwede ba?" natatawa kong tugon. Humiwalay sya sa akin saka nya ako hinila paakyat sa taas kung nasaan ang kwarto nya.
"Talagang magpapaliwanag ka 'no!" Sabi nya.
"Oh, dahan-dahan lang naman Sandy! Madadapa kaibigan mo nyan eh," sita sa kanya ng nanay nya pero hindi man lang ito pinansin at basta parin sya hila sa akin.
Pagpasok namin sa kwarto nya ay dumiretso ako sa kama nya at nahiga. Pumwesto naman sya sa tabi ko pero umupo lang sya at sinandal ang likod nya sa headboard ng kama.
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison