>44

766 11 0
                                    


*Lester’s POV

Nang makalabas si Dorothy ay agad namang sumunod si Kaycee. Pero bago yun ay ngisian nya muna kaming dalawa ni Christine ng nakakaloko. Mas Malala pa pala sya sa personal kesa sa investigations na pinagawa ko patungkol sakanya.

Nang inalagaan namin si Althea ay pinaimbestiga ‘ko lahat lahat patungkol sakanya kaya naman kakilala ‘ko lahat ng taong nakapaligid sakanya bago ‘ko palang sya nakita at kinupkop at ginawang isang Gecain. Dalawang tao ang naging dahilan ng paghihiwalay nila Michael. Si Kaycee Montesa ay isa doon.

Aaminin kong natakot ako sa pagbabantang ginawa nya. Kaya ‘ko syang sapakin kung yun lang ang magiging basehan pero ang kinatatakutan ‘ko ay malaman ni Althea ang lahat at magalit sya samin dahil pinagmukha namin syang tanga. Nagawa lang naming ilihim yun sakanya para protektahan sya. Para hindi na sya masaktan pa.

“Anong gagawin naten? Nagbalik na sila. Konting konti nalang at malalaman na ni Althea ang totoo.” Tumingin ako kay Christine na ngayon ay tulala parin at mukhang nanghihina.

“Anong ibig mong sabihin? Sinong sila?” tumingin sya sakin at pumikit ng mariin.

“Si Leonard Castro. Nagbalik na rin sya. Sinusundan nya parin si Althea hanggang ngayon.”

“What the fuck?! Ano ba talagang gusto ng mga yan?!”

“Hindi ‘ko alam, Lester. Natatakot ako para sa bestfriend ‘ko. Masasaktan nanaman sya oras na malaman nya ‘to at sigurado akong kasusuklaman nya tayo.”

Hindi na ‘ko nakasagot at naluwagan ‘ko nalang necktie ‘ko. Hindi ako makahinga ng maayos sa mga problemang dumarating samin. Hindi ‘ko pa nga nasosolusyonan ang samin ni Dorothy, eto nanaman. Fuck!

*Althea’s POV

Nang kumalma na ‘ko ay bumaba ako para macheck kung may pagkain ba at kung hindi ba umalis si Michael. Nagulat ako ng makitang sya ang nakita kong nagluluto at hindi si Nana.

“Bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan si nana?” agad syang lumingon ng marinig nya kong nagsalita. Nginitian naman nya ‘ko agad pero agad akong nag iwas ng tingin. Nawala ang ngiti nya,

“Magtutupi daw ng nilabhan nya.” Naupo ako na ‘ko at hinintay na maluto an gang niluluto nya. Natatakam na ‘ko, amoy palang ang sarap sarap na, panigurado masarap din ang lasa nito. Wala ng kumibo ni isa samin. Hindi man lang ba nya ‘ko susuyuin? Tsk! Kaya lang naman hindi ‘ko sya nginitian kanina kasi nagpapakipot pa ‘ko. Kaasar naman ‘to!

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon