Christmas gift 'ko sa lahat ng mga naghihintay sa update. Thank you sa paghihintay. Merry Christmas! :* :)
*Dorothy’s POV
“Christine?”
“Dorothy?” nanatili ang tingin ‘ko sakanya at pagkatapos non ay nagpalipat lipat na ang tingin ‘ko sakanilang dalawa. Agad akong nakabawi at pinilot ang folder na nalaglag ‘ko at pagkatapos non ay iniabot ‘ko na kay Lester.
“Na sign na po sir, may ipapagawa paba kayo?” nanatiling nasa paa ‘ko ang tingin ‘ko. Hindi ‘ko sya kayang tignan, silang dalawa hindi ‘ko sila kayang tignan.
“Kamusta kana?” nag angat ako ng tingin sakanya saka ‘ko sya nginisian. Nakita ‘ko ang pamumutla nya makita nya ‘ko kung paano ako tumingin sakanya. Ang kapal naman ng mukha nyang magtanong kung kamusta naba ‘ko, samantalang sya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lama tang relasyon namin ni Bogs.
“Tulad ng nakikita mo, maayos ako. Maayos na maayos parin pagkatapos ng ginawa mo.” sabi ‘ko saka ulit ako ngumisi. Sunod sunod ang paglunok nya, napatingin sya kay Lester na puno ng takot ang mukha.
“Anong ibig mong sabihin?” bumalik ulit sa sahig ang paningin ko, lumunok ako ng dalawang beses bago ako nag angat ng tingin sakanya.
“May ipagagawa pa po ba kayo Sir? May mga tatapusin pa ho akong documents.” Pambabalewala ‘ko sakanya. Umiling sya kaya naman nag paalam na ‘kong lalabas na. Hindi ‘ko makayanang magtagal sa lugar na ‘to feeling maso-suffocate ako.
Pagkalabas ‘ko ng opisina nya ay agad akong dumiretso sa elevator. Hindi ‘ko kaya. Bahala na kung pagalitan ako ni Lester na bukas, basta gusto kong malayo sa lugar na ‘to. Hindi ‘ko namalayang tumutulo nanaman pala ang luha ‘ko dahil sa pesteng mga alaalang unti-unti nanamang bumabalik. Peste naman! Bakit kailangan nya pang bumalik?! Ano ba talagang gusto nya?! Bakit sa lahat ng lalaki si Lester pa?! Bakit palagi kaming magkahati?! Bakit mas lagi syang pinipili?!
Alam ko nung mga panahong ‘yon may iba sya. Hindi ako tanga para hindi ‘yon malaman pero wala akong ginagawa patungkol sa bagay na ‘yon. Mas pinili kong magbulag bulagan at pagmukhain nya akong tanga. Mahal na mahal ‘ko sya at ayaw ‘ko syang mawala sa akin. Hindi ‘ko kayang isugal ang pinagsamahan namin para lang sa simpleng pagkahumaling nya sa ibang babae. Lalaki sya at natural lang sa isang lalaki ang tumingin sa iba. ‘Yan lagi ang itinatatak ‘ko sa isip ‘ko kapag nararamdaman kong gusto ‘ko ng sumuko.
Hanggang sa isang gabi nagkaroon ako ng lakas ng loob na sundan sya at naisip kong ako mismo ang naghanap ng kutsilyo papatayin sa akin. Nakita ‘ko sya kasama si Christine. At hindi lang sila basta magkasama kundi magkayakap pa at ang mas pumatay sa’kin ay ng marinig kong sabihin ni Bogs ang salitang dapat para sa’kin lang.
“Mahal kita Christine. Hindi ‘ko kayang mawala ka..” may mga sinabi pa sya noon pero agad na akong umalis doon. Sapat ang mga narinig ‘ko, pakiramdam ‘ko noon para akong buhay na patay na naglalakad sa kalsada na halos wala ng makita dahil sa mga luha kong ayaw magpatigil sa pagtulo. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong sinigawan ng mga taong nabunggo ‘ko pero wala akong maramdaman, pakiramdam ‘ko namanhid ng todo ang sistema ‘ko.
BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
Roman d'amourPosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?