>1

6.3K 87 0
                                    

Third Person POV

Nandito ngayon si Lester sa isang coffee shop. Ilang oras na syang naghihintay dito pero hanggang ngayon hindi padin dumadating ang mga hinihintay nya.

Habang binabasa ang isang proposal ng isa sa kanyang bagong investor biglang bumukas ang pinto ng coffee shop at iniluwal iyon ang sampung tao.

‘Nandito na sila.’anito sa kanyang isip.

“sino ba kase yung tumawag satin? Tsaka teka bakit nga ba tayo pumunta baka mamaya modus lang to gawan tayo ng masama!”narinig nya ang sabi ng isa sa dating kaibigan nya

 

Naudlot ang pagdidiskusyon ng mga magkakaibigan ng may lumapit na isang lalaki sakanya. Natahimik ang lahat at tinuro ng lalaki ang lugar kung san nais makipag usap ng taong nakipagkita sakanila. Sa totoo lang ay hindi din nila alam kung bakit sila nakipagkita sa taong hindi naman nila kakilala. Parang may isang bagay na dapat silang malaman kaya hinila silang lahat papunta dito.

“Sir nandito napo sila.”sabi ng lalaki ng makarating sila sa kinaroroonan ni Lester.

“Go ahead manong. Hintayin nyo nalang ako sa kotse.”sabi ni Lester at agad naman itong umalis.

“Have a seat.”sabi nya sa magkakaibigan.

“Sino po ba kayo at pinapunta nyo kami dito? Anong sasabihin nyo sa amin?”tanong ni Dorothy.

 

“Dorothy.”sabi nito sabay ngiti. Na sya namang ikinabigla ng lahat lalo na ni Dorothy dahil kakilala sya nito.

‘Sya ang bestfriend ng kapatid ko.’

“Papano nyo po ako nakilala?”-Dorothy.

“Kilala ko kayong lahat.”simpleng sagot nya.

“Teka nga. Pwede wag ka ng magpiligoy ligoy pa. sabihin mo na kung ano man ang gusto mong sabihin.”-Mark

“Nandito ako para sabihin sa inyong gusto kong protektahan nyo sya.”            

 

“Sino ang poprotektahan namen?”sabay sabay nilang sabi.

“Si Althea.”

2 salita. 2 salita lang ang isinagot pero parang isang bombang sumabog mismo sa harapan nila.

“B-baliw kaba? Matagal ng patay ang bestfriend ko. N-n-akita mismo ng dalawang mata ko na wala na syang buhay. 1 oras syang nasa morgue..”naiiyak na sabi ni Dorothy.

“May himala nga siguro kaya sasabihin ko sa inyong buhay sya.”

“Teka sino kabang talaga ha? Hindi ka namen kakilala. Ulila na ang Althea  namen!”-Vince

Lahat sila nanahimik. Kailangan na nyang ikwento ang lahat lahat ng nangyare sa kapatid nya. Sino nga ba ang hindi mabibigla kung may magsasabing muling nabuhay ang isang matagal ng patay.

“Nasa may simbahan ako non dahil nung mga oras na yon ay nag aagaw buhay din ang papa ko. Taimtim akong nagdadasal ng biglang may batang babaeng pumasok sa loob at iyak lang ng iyak. Sobrang putla nya na para bang nagbabad sya sa tubig ng maraming oras. Nung una ay nagdalawang isip ako kung lalapitan ko sya dahil kung nakita nyo lang ang hitsura nya ay aakaliin nyong isa syang multo.

 

Pero sa bandang huli ay nilapitan ko padin sya. Bawat hikbi nya ramdam na ramdam ko yung sakit. Sobrang sakit ang pinagdadaanan nya ng mga oras na yon. Pagkalapit ko sakanya ay bigla nya kong niyakap.  Sobrang higpit ng yakap nya. Hanggang sa maramdaman kong unti unting nawawala ang higpit.

 

‘Hindi ko na po kaya. Wag nyo pos yang hahayaang masaktan. Pinapatawad ko na sya. Mahal na mahal ko sya.’ Yan ang huling mga salitang binitawan nya sakin at pagkatapos non ay nawalan sya ng malay.

 

Dali dali ko syang binuhat at dinala sa ospital. Naging stable naman ang kondisyon nya matapos non. Inalam ko ang lahat lahat sakanya. Napag alaman ko din ng pumunta ako sa ospital ay patay na ang nag ngangalang Althea====== na labis kong ikinabigla. Ngayon ko lang napatunayan na nangyayare pala sa totoong buhay. Alam ko rin na ulila na sya kaya kinupkup sya ng pamilya ko. Inampon na namen sya.

Natahimik si Lester ng makita nyang umiiyak si Dorothy. Alam nyang labis itong nasasaktan ngayon dahil ayon sa mga nalaman nya ito ang kaisa isang best bestfriend nya. Walang nakakapaghiwalay sa mga ito.

“She can’t remember anything.” Halos pabulong na sabi ni Lester pero narinig parin iyon ng lahat.

“a-anong i-big mong s-abih-in?”nauutal na sabi ni Dorothy.

“the moment she woke up it was like she was a new born baby. Wala syang alam na kahit na ano. Ni hindi nya kilala ang sarili nya. Kaya ginawa namen ang lahat, tinuro ang lahat lahat sakanya. Sa loob ng 4 na taon naging maayos na ang buhay nya sa ibang bansa.

 

“so bakit mo pa ito sinasabi ngayon sa amin? Naging maayos naman pala sya ibang bansa bakit pinababantayan mopa?”-Simon.

“Babalik na sya. Dahil ikakasal na sya.”Lester

“ANO?!”sabay sabay na sabi ng magkakaibigan.

“she’s getting married. She’s getting married to her own killer.”natakot ang lahat dahil nakita nilang ikinuyom nya ang kanyang kamay senyales na galit na galit sya.

“Tumutol ako hanggat kaya ko pero nanaig padin ang desisyon ng papa. Kaya sana nakikiusap ako. Wag nyong hayaang may bumalik pa sa mga dating alaala nya. Make new memories para matabunan na ang dating alala. Dahil sa apat na taon nakita ko ang pangangapa nya sa lahat ng bagay dahil sa pagkawala ng mga alaalang yan. Mahal na mahal ko ang kapatid ko. I’m keeping an eye on that guy. Ginawa ko lang ang huling hinabilin ng dating Althea kaya wala akong ginawa. Pero once na may gawin nanaman sya ngayon sa Althea ko? PAPATAYIN KO SYA!”pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagpaalam na ito at umalis.

Naiwang nakatulala at umiiyak ang magkakaibigan. Iniisip nila.

Papano kaya nila haharapin ang Bagong Althea?

***

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon