>36

856 9 0
                                    

*Althea’s POV

“Hon, sino yon? Magka away ba kayo?”

“Why are talking to him?! The fuck! He even touched your face!”

“Ano bang nangyayare sayo? Bakit ba galit na galit ka dyan?” imbis na sagutin ako ay malakas nyang hinampas ang manibela atsaka nagmura, napapikit ako ng mariin sa ginawa nya. Hindi ko alam kung anong ginawa ng lalaking iyon sakanya at maging ako ngayon ay pinagbubuntungan nya. Inistart na nyang ang kotse at mabilis itong pinaharurot.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay mainit pa rin ang ulo nya. Nauna syang bumama at hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan, nauna syang pumasok sa loob ng bahay at pabagsak nanamang sinara ang pintuan sa kwarto namin. Nakaramdam na ko ng inis sa ginagawa nya kaya naman sumunod ako agad sakanya at binalewala nalang nagtatanong na tingin ni Nana.

“Sabihin mo sakin, ano bang problema mo?”

“Why are you with him?”

“I’m not with him! Nabunggo ko sya kaya tinulungan ko sya at nagpasalamat lang sya sa akin at yun lang yon!”

“Kasama ba sa pagpapasalamat ang paghaplos nya sa mukha mo kanina? Pati yung pagtititigan nyo doon na para bang kayong dalawa lang tao doon? Ha? Kasama ba yon Althea?”

“Ano bang pinagsasabi mo?!”

“Alam mo kung anong pinagsasabi ko! May asawa ka ng tao alam mo yan, kahit noon ginawa mo na yan! Hanggang ngayon ba naman Althea? Lumalandi ka nanaman--” hindi ko na sya pinatapos at malakas ko syang sinampal.

“A-anong sabi mo Michael?” parang doon lang sya natauhan at agad nya kong niyakap ng mahigpit kahit na pilit akong kumakawala doon.

“Hon, ah look, I’m sorry, nabigla lang ako—“ natigil sya ng naitulak ko sya ng malakas.

“Hindi ko alam kung anong nangyayare sayo, at kung bakit kaba nagkakaganyan, pero hindi ko kilala ang lalaking yon. Lumalandi Michael? Really? Kahit noon? Damn! I’m not doing anything! Paano mo nagawang sabihing malandi ang asawa mo?!”

“Hindi.. I’m sorry.. nabigla lang ako hon.. Huminahon ka..” pilit nya kong ikinukulong sa mga bisig nya pero patuloy pa rin ako sa pagtulak sakanya palayo. “Hon, I’m sorry..” sinsero nya sabi ng sa wakas ay nahuli nya ko at niyakap ng mahigpit mula sa likuran.

“Lumabas ka. Hindi kita kayang makita.” Mariin kong sabi, kasabay non ang unti-unti nyang pagbitaw sakin. Dumiretso ako sa kama at nahiga, tumalikod ako at narinig ko nalang na sumarado na ang pinto.

Hindi kita maintindihan Michael.

*Christine’s POV

It’s been years since I saw him. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay kaya naman handa akong gawin ngayon ang lahat para maging akin ulit sya. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang galit nya sakin pero hindi ko iyon pinapansin, ang gusto ko lang ay makuha ulit ang tiwala at puso nya at sa pagkakataong ito, handa na akong ibigay ang buong sarili ko para sakanya. Handa na akong magpakasal sakanya.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon