>35

888 11 0
                                    

*Althea’s POV

“Just get what you want Hon. I can afford everything.” Umirap ako sa ere sa sinabi nya at pinagpatuloy lang ang pagtingin sa mga de lata. Kanina pa nya sinasabi sa akin yan. Dapat daw wag kong tipirin ang sarili ko kasi mayaman naman sya. Actually maging ako hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, may nagbago sakin, dahil kung hindi dalawang cart na ang dala dala naming ngayon, pero hindi eh.

Siguro ito ang epekto sa akin ng pagiging may asawa. Nagiging praktikal na ako sa buhay. Kinukuha ko nalang yung mga talagang kailangan lang namin sa bahay at hindi na kung anu-ano pa. Kahit na kasi alam kong maraming pera, parang nanghihinayang akong gumastos ng gumastos. Mas gusto ko nalang ipunin para sa mga magiging anak namin. Anak Thea? Hindi ka naman excited masyado nya ano?

Nakakatawa lang dahil ngayon naisipan ko bigla magkaron ng anak ay natapat naman kami sa baby section kung saan makikita ang mga gamit at pangangailangan ng bata syempre. Napatingin ako ngayon kay Michael na may matamis na ngiti sakanyang mapupulang labi.

“Hon, ano kayang pakiramdam ng magka anak?” tanong nya sa akin habang hinahaplos ang isang wooden baby crib.

“Aba’y malay ko. Hindi pa naman ako nagkaka anak no.” sagot ko. Kung hindi ba naman sira ay magtatanong sa akin ng ganun? Anong malay ko. Natawa sya bigla.

“I want a baby Hon.” hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Basta alam ko Masaya ako kasi atleast parehas kaming naghahangad ng anak.

“O bakit hindi ka nagsasalita dyan?” untag ulit nya sa akin.

“Eh wala naman akong alam sabihin.”

“Let’s get done with this so that we can go home. I want a baby Hon. Maraming baby so kailangan magsimula na tayo.” agad akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi saka pumulupot ulit ang kanyang kamay sa bewang ko.

Pinagpatuloy na namin ang pamimili pagkatapos ng nakakapag init na scene na yun. Malapit na talaga akong maloka sa lalaking to. Sobrang simple lang ng gagawin o sasabihin nya, napakalaki na agad impact sakin non. Parang kailan lang halos sumpain ko si Papa dahil sa pamimigay na ginawa nya sakin, pero ngayon kulang nalang magpa party ako sa mansion para makapagpasalamat sakanya ng malaki dahil kung hindi dahil sakanya, hindi ako magiging ganito kasaya sa piling ng lalaking pinili nya para sa akin.

“Hon mag CR lang ako.” paalam ko sakanya. Pagkalabas namin sa grocery ay naghanap kami ng Cr. Kanina pa kasi talaga ako naiihi at gusto ko na ring magretouch dahil feel ko, sobrang oily na ng face ko.

“I’ll you here.” Sabi nya. Tumango nalang ako, parang namang may iba akong pupuntahan. Umihi ako at pagkatapos non ay inilabas ang face powder sa bag ko at nagretouch na. Maayos pa naman pala ang mukha ko. Gusto ko lagi akong mukhang perfect dahil ayaw kong may masabi sa akin ang kung sino mang makakakita sa amin ni Michael.

Lumabas na ako agad pagkatapos non ay agad ng lumabas, pero pagkalabas ko ay wala sya sa labas. Naghintay ako doon baka nasa Cr lang sya ng boys, nakaabang ako sa mga lumalabas doon, lakad paroon at parito, ang tagal naman.

“Ay sorry!” sabi ko sa lalaking nabangga ko nung bumalik ako sa Cr. Dinampot ko ang folder nyang ngayon ay nagkalat ang mga papel na naroon, niangat nya ang mukha at agad na tumambad sa akin ang kulay brown nyang mga mata, ang ilong nyang tama ang tangos at labing mapupula. Bakit ba ang pula ng mga labi ng mga lalaki ngayon? Nagli lipstick narin ba sila ngayon?

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon