>32

811 10 0
                                    

*Lester’s POV

“Sir hindi po pumasok si Dorothy.” Report sakin ni Lisa.

“Okay, go back to your work.” Tumango sya at lumabas na sa aking opisina. Napatingin ako sa tasa ng kapeng ginawa nya kagabi para sakin. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil naalala ko nanamang ang nangyari kagabi.

I’m trying so hard to make myself busy today. I tried so hard na hindi sumilip sa labas at tignan kung nandoon pa rin si Dorothy pero hindi ko nagawa, tumingin parin ako ng pasimple  at napangiti ng makitang nandoon padin sya.  Nagulat nalang ako ng bigla syang kumatok at may dalang kape.

 

“O magkape kana muna.”

 

“Osige lagay mo nalang dyan iinumin ko mamaya.” Hindi ko sya tinignan. Pinanatili ko ang tingin ko sa papers na binabasa ko ngayon.

 

“Anong oras ka uuwi? Sabay na tayo?”

 

“Marami pa kong tatapusing documents Dorothy, mauna kana.” Walang emosyon kong sabi sakanya.

 

“Ang daya mo. Ang tagal mo nakong iniiwasan.” Narinig ko ang paggaralgal ng boses nya, shit! Dorothy wag kang iiyak sa harapan ko baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sumugal nanaman ako!

“Dorothy, mauna kana.” Naiirita kong sabi sakanya. Paano ko mapaninindigan ang desisyon ko kung ganito sya?!

 

“May problema ba? May problema ba tayo?”

 

“Tayo? Ang alam ko wala akong problema.” malamig kong sabi sakanya, yumuko sya at nagsimula ng naglakad palabas ng opisina.

 

Napatingin ako sa kapeng iniwan nya at dahil doon ay nagdesisyon akong sundan. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang bawat hikbi nya. Hikbi nyang nakakapagpahirap saking huminga. Damn you Lester! What have you done! Ikaw ang nagsabing bawal syang umiyak pero ngayon ikaw ang rason  ng pag-iyak nya! Wala kang kwenta! Nakatanaw lang ako sa malayo sakanya habang hinihintay bumukas elevator na ngayon ay hawak ang dibdib sa sobrang pag-iyak. Hindi ko iyon nakayanan at bumalik akong agad sa opisina.

 

Tumingin muli ako sa kape at ayun walang pangundangan ko iyong ininom, hindi na iniisip kung mapapaso ako o ano. Ginawa sakin to ni Dorothy kaya dapat lang ay inumin ko.

 

Sinubukan ko syang tawagan pero naka off ang phone nya. Gustuhin ko man syang puntahan ay hindi ko kaya dahil natatakot akong baka ipagtabuyan nya ko. At hindi ko rin kayang makitang namamaga ang mga mata dahil sa kakaiyak, ng dahil sa kagagawan ko. Another one boring day passed without Dorothy. Sana bukas ay pumasok na sya.

“Sir pumasok na sya. And as usual, pinag-iinitan nanaman sya sa labas.” Report sakin ni Lisa. Tumango ako at alam kong alam na nya ang gagawin.

“Wala nabang ikakapal yang pagmumukha ha? Miss Dorothy Miller.” Nakatingin ako sakanila sa labas at nakitang kong si Grace nanaman ang nanguna. I really don’t know what to do to this girl!

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon