>26

891 14 2
                                    

*Althea’s POV

“Ma’am ano po bang gagawin nyo? Ako nalang ang gagawa.” Sabi ni Nana Ising. Kanina pa nya ko gustong tulungan pero ayaw ko.

Pinag aaralan ko ngayon ang paghuhugas ng plato. Mamaya naman ang pagluluto. Mas maganda kasi kung ako mismo yung nagsisilbi sakanya. para naman mas gugustuhin nalang nyang dito nalang sa bahay kesa naman sa office na hindi ko alam kung anong ginagawa nya.

“Nana, gusto ko nga pong matuto. Mabuti pa turuan nyo ko. papano ba magluto ng adobo?” ngumiti sakin si nana. “O bakit po?”

“Kasi iha, kitang kita na mahal na mahal mo ang asawa mo.” natigilan ako. halata na palang mahal ko sya, halata rin kaya nya?

“At maging sya kitang kita na mahal na mahal ka rin nya. sana ay lagi kayong ganyan.” Mas lalo akong natigilan. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita kay nana. Sa bandang huli ay ngumiti na lamang ako. kahit naba napakagaan ng loob k okay nana hindi ko parin magawang mag open up sakanya.

“Mahal ka nya anak. Basta magtiwala ka lang at wag bibitaw hanggang huli.”

“Ano hong ibig nyong sabihin?” gulat ang ekspresyon nya. halatang hindi nya sinasadya ang kanyang sinabi.

“Ah wala yun iha wag mokong pansinin. Sadali lang at kukuha ako ng mga rekados para sa lulutuin mong adobo at pagkatapos non at tuturuan kita.”  Pakiramdam ko ay nahirapan akong huminga ng tumalikod sya sakin. Ano nanaman ba tong kutob nato?

Ipinagwalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy na para bang walang nangyari. Pero bago ako pumunta sa kusina, nagpasya muna akong tumawag kay Michael.

“Hello?” nanlaki ang mata ko ng babae ang sumagot.

“Sino ka?! nasaan ang asawa ko?”

“Sino po ang asawa nyo ma’am?” abat nag maang maangan pa tong gagong to ah!

“Asawa nya may ari sa cellphone na hawak mo!”

“Ay Mrs. Shin kayo pop ala yan. Pasensya napo pero nasa meeting po kasi si Mr. Shin.” Sht! Nakalimutan ko may meeting nga pala sya ngayon. Mali tong ginawa ko. baka umalis sya sa napaka importanteng meeting kapag nalaman nyang tumawag ako.

“Okay. Wag mo nalang sabihin na tumawag ako.” tsaka ko na ibinaba ang telepono. Nakakalimang hakbang palang ako ng mag ring ulit ang telepono.

“Hello? Wife? Are you okay? Is there any problem?” it’s Michael. sabi ko na nga ba at gagawin nya kung anong sinabi nya. umalis nga sya sa meeting ng malamang tumawag ako.

“I’m okay hon. Nasa meeting ka daw sabi ng babaeng may hawak  dyan sa phone mo.”

“Hey hey what’s that tone? Are jealous?”

“What!? I’m not! I’m not jealous!” letche. Kahit ba naman nasa malayo kami kilalang kilala parin nya ko?!

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon