>51

943 13 0
                                    

*Althea's POV

Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng umalis ako sa bahay namin ni Zeke. Ang akala 'ko kapag hindi 'ko na sya makikita ay magiging okay na 'ko pero hindi din pala. Mas lalo lang sumakit yung nararamdaman 'ko. Hindi pa rin maalis sa utak 'ko ang itsura nya habang umiiyak at nagmamakaawang pakinggan 'ko sya. Kitang kita 'ko at ramdam na ramdam na sobra syang nasasaktan. Kaya mas lalo akong nasasaktan ngayon.

Gabi gabi parin akong umiiyak. Namimiss 'ko parin sya ng sobra. Mahal 'ko parin sya hanggang ngayon. Pero mas nangingibabaw ang sakit kesa sa pagmamahal 'ko ngayon sakanya kaya hindi 'ko sya pwedeng balikan. Pero bakit ngayong magkahiwalay na kami ay hindi parin ako nagiging maayos? Ako ang may gusto na maghiwalay kami pero bakit hindi ako masaya?

Simula nung gabing 'yun ay hindi na sya nagparamdam sakin. Naiinis ako sakanya dahil hindi man lang nya 'ko hinanap at sinuyo. Isang sorry lang naman ang kailangan 'ko eh. At konting panahon. Yun lang. Pero hindi nya ginawa.

Lagi kong tinatanong ang sarili 'ko, 'Paano kaya kung pinakinggan 'ko muna sya?' 'Paano kaya kung hindi muna 'ko nagalit at nang hindi 'ko sya napagsalitaan ng mga masasakit na salita?' 'Magiging okay naba kami?' 'May chance paba kami o ito na talaga yung end ng story namin?' Ang dami kong tanong pero hindi 'ko alam kung saan 'ko hahanapan ng sagot.

Tamad akong tumayo ng may nag doorbell. Nagulat ako ng makitang si Kuya yun.

"Ano? Ganyan kaba kagalit sakin at hindi mo man lang ako papapasukin?" tanong nya sakin. Nakonsensya naman ako at namisinterpret nya kaya niluwagan 'ko ang pinto ng makapasok sya. Nagulat lang naman ako at nahanap nya 'ko. Or should I say buti sya hinanap ako. Pero sya hindi man lang nagawa.

"Anong ginagawa mo dito Kuya?" inabutan 'ko sya ng juice at umupo sa tabi nya.

"Binibisita ka."

"Buti naman at nahanap mo 'ko."

"Hindi ako ang nakaahanap sayo." napatingin ako sakanya. Anong ibig nyang sabihin?

"Ha?"

"Si Michael ang nakahanap sayo. Matagal na naming alam na nandito ka sa Batangas. Pero he told us not to bother you yet. He said you still need a space." nagsimula na kong maluha. So it means hinanap nya pala 'ko? Hindi pala nya 'ko pinabayaan?

"It's been a month, Princess.. Wala ka pabang balak na balikan sya?" napayuko ako dahil hindi 'ko din alam sa tanong na yan.

"Alam mo ba kung bakit hindi 'ko sinabi sayo ang totoo at mas pinili kong itago sayo ang lahat?" hindi ako sumagot at tumingin lang ulit sakanya.

"Kasi alam kong mahal mo parin sya." ngumiti sya sakin saka pinunasan ang luha 'ko. "Princess, ginawa 'ko ang lahat para matutulan ang kasal nyo pero ginawa nya ang lahat para matuloy yun. Alam mo bang binantaan pa nya ang Papa na kukunin nya ang company naten kung hindi ka nya ibibigay sakanya?"

"What?!" he's still the same Zeke. Gagawin lahat ng gustuhin.

Natawa si Kuya sa reaction 'ko at napailing nalang, "Yeah. He did that. Kaya galit na galit ako sakanya at ayaw na ayaw 'ko sakanya. Pero nung nakita 'ko sa araw mismo ng kasal nyo kung paano ka nya tignan sa loob ng simbahan, sa harapan ng Diyos? Iisa lang ang nakita 'ko." ngumiti muna sya saka hinawakan ang pisngi 'ko. "Mahal ka nya. Sobrang mahal ka nya." wala tigil sa pag agos ang luha 'ko.

"Doon 'ko naalala lahat ng mga ginawa nya para lang makuha ka ulit. Kung paano ka nya pagtripan. Kung paano ka nya asarin at lambingin. Ibang iba sya kapag nandyan ka. At nakita 'ko rin yun sayo, Princess. Sobrang saya mo ng makilala mo sya at maikasal ka sakanya." niyakap nya 'ko at marahan na tinapik ang likod 'ko.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon