*Althea's POV
Agad akong dumiretso sa bahay namin at agad na nag alsabalutan, ayaw kong maabutan ako ni Zeke. Ayaw 'ko syang makita. Gusto kong masuka kapag naiisip kong napangasawa 'ko ang demonyong yun. Gusto kong masuka dahil nakasama 'ko sya sa iisang bahay at iisang kama. Naibigay 'ko pa ang sarili 'ko sakanya! Demonyo sya. Hindi 'ko sya mapapatawad. Bukas na bukas din ay kukuha ako ng abogado para mapawalang bisa na ang kasal namin.
Isang linggong hindi nagpakita sakin Zeke. Hindi 'ko alam kung paano 'ko nasusurvive ang isang buong araw na hindi ako nasisisraan ng bait sa sobrang pag aalala sakanya. Dalawang bagay lang ang kinakatakot 'ko. Yun ay yung baka may nangyari ng masama sakanya o kaya naman ay iniwan na talaga nya 'ko ng tuluyan.
"Zeke.. bumalik kana please.." umiiyak kong sabi habang nakatitig sa picture naming magkasama. Nabalikwas ako ng marinig kong may kumatok sa pinto. Agad 'ko yung tinakbo dahil sigurado akong si Zeke na yun. At hindi nga ako nagkamali!
"Zeke!" agad 'ko syang niyakap. "Saan kaba nanggaling? Sobra akong nag alala sayo alam mo ba yun?" umiiyak kong sabi sakanya.
"May tinapos lang ako. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na to!" bigla nya kong hinalikan na sinuklian 'ko naman. Pero habang tumatagal nagiging pangahas na ang ginagawa nya. Nasasaktan na 'ko sa paghalik nya na para bang masusugat na ang labi 'ko sa sobrang diin ng halik nya. Nagsimula na ding maglikot ang kamay nya.
"Zeke teka.." iniwas 'ko ang labi 'ko pero ang leeg 'ko naman ang hinalikan nya. Mariin din nyang pinisil ang dalawang dibdib 'ko.
"ZEKE ANO BA?!!" napaupo sya sa lakas ng pagkakatulak 'ko sakanya. Tumayo naman sya agad saka ako ulit hinalikan sa leeg. Pinunit naman nya ang suot kong damit kaya nagsimula na kong umiiyak. Pakiramdam 'ko ibang tao ang kasama 'ko ngayon. Hindi ganito ang Zeke na mahal 'ko.
"Zeke tama na please." umiyak lang ako ng umiyak pero hindi nya parin ako tinigilan. Bigla nalang nya kong binato kong saan. Tumama ang balakang sa may dulo ng sofa kaya agad akong namilipit sa sakit.
"PUTANG INA NAMAN! BAKIT BA ANG HILIG MONG MAGPAKIPOT HA?!! IPINAHIYA MO NA NGA AKO SA LAHAT NG MGA KAIBIGAN 'KO PATI BA NAMAN DITO IPAPAHIYA MO 'KO?!!"
"Zeke ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman dating ganyan ah. Kung inaalala mo si Leo, wala naman talaga akong gusto sakanya. Ikaw lang. Kahit anong gawin hinding hindi nya 'ko makukuha sayo.." nagulat ako ng bigla nya kong itayo at halos maubusan na 'ko ng hininga sa higpit ng pagkakasakal nya sakin. Ibang iba ang mga mata nya. Ibang iba sa taong mahal 'ko.
"ANO SINABI MO?!!"
"Kahit kailan hinding hindi 'ko magugustuhan si Leo! Ikaw lang talaga Zeke. Kaya please maawa ka, nasasaktan ako!"
"PUTANG INA TALAGA!!" bigla nalang nya kong sinikmuraan kaya agad akong nawalan ng malay.
Pagkagising 'ko ay lagasgas agad ng tubig ang aking narinig. Napamulat ako at puro tiles at sobrang lawak ng paligid. Nasa swimming pool ako! Agad kong ginalaw ang katawan 'ko pero sobrang higpit ng pagkakatali ng buo kong katawan sa upuan. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nalang.
Umabot na ang tubig saking paa. "Tulungan nyo 'ko! Parang awa nyo na tulungan nyo 'ko!!" sigaw lang ako ng sigaw pero mukhang walang ibang tao doon. Sumigaw parin ako ng sumigaw hanggang sa nawalan nako ng lakas.
Nasa may tuhod 'ko ng ang tubig. Pilit kong kinalas ang pagkakatali sakin pero sadyang makapal na lubid ang ginamit sa pagtali sakin.
Nasa may dibdib 'ko na ang tubig. Diyos 'ko, kung oras 'ko na talaga, tatanggapin 'ko po yun.. Pero bakit sa ganitong brutal na pamamaraan 'ko kailangang mamatay? Diyos 'ko, kayo napo ang bahala sa mga kaibigan 'ko. Lalong lalo napo kay Zeke.. Diyos 'ko galit lang sya kaya nagawa nya ang ganun sakin.. Ako na po ang humihingi ng tawad sa ginawa nya.
Nasa may leeg 'ko na ang tubig. Nagulat ako ng nagpakita sakin si Zeke. Agad akong nabuhayan ng loob ng makita 'ko sya.
"Zeke, dalian mo! Malapit na kong malunod!" sigaw 'ko sakanya pero naka ngisi lang sya. Natakot ako sa pagkakangisi nyang iyon sakin.
"Zeke dalian mo! Tulungan mo 'ko!" nasa may ilong 'ko na ang tubig pero pilit kong inaangat ang ulo 'ko para makasigaw. "Tulungan mo 'ko! Parang awa mo na tulungan mo 'ko!!" pero nanatii lang syang nakatayo at nakangisi doon. Pilit akong umaalis sa pagkakatali sakin pero hindi talaga ako makaalis. Hanggang sa tuluyan na kong naubusan ng hininga at nawalan na ng malay.
Hindi 'ko alam kung anong nangyari at kung sino ang nagligtas sakin pero nagising nalang ako sa ospital. Agad akong umalis doon habang at pumunta sa malapit na simbahan sa ospital kahit na hinang hina ako at basang basa.
Umiyak ako ng umiyak. Hindi 'ko alam kung bakit nagawa iyon sakin ng lalaking pinakamamahal 'ko. Sa lahat ng tao hindi 'ko aakalaing sya pang ang makakagawa sakin ng ganito. Pakiramdam 'ko hindi 'ko na sya kilala. Bigla nalang may lumapit na lalaki sakin at bigla 'ko syang niyakap at umiyak ulit. Kailangan 'ko ng mayayakap sa oras na to. Sobrang sakit ng nararamdaman 'ko ngayon. Hindi 'ko na kaya.
"Hindi ko na po kaya. Wag nyo pos yang hahayaang masaktan. Pinapatawad ko na sya. Mahal na mahal ko sya." at tuluyan na kong nawalan ng malay.
Pinunasan 'ko ang luha 'ko ng maalala 'ko nanaman ang bangungot na yun. Hanggang ngayon sobrang sariwa parin ng pangyayaring yun sakin na para bang kahapon lang nangyari.
"Teyang.." nanikip agad ang dibdib 'ko ng marinig ang boses nya. "Please don't do this.. Mag usap muna tayo." agad kong binilisan ang pag iimpake. Hindi 'ko hahayaan ang sarili kong mahulog sa pagmamakaawa at kasinungalingan nya.
"Wala tayong dapat pag usapan, Zeke." malamig kong sabi sakanya.
"Meron. Marami. Kung ano talaga ang nangyari noon. Please naman pakinggan mo 'ko."
"Para saan pa, Zeke? Wala ng magbabago kung ano man yang gusto mong sabihin. Niloko mo 'ko! Yun lang yun!" galit kong sigaw sakanya.
"Please, listen to me first.. Once na malaman mo ang totoo, hindi magiging ganito ang reaction mo. Please naman!" pilit nya kong niyayakap pero tulak lang ako ng tulak.
"Hindi na magbabago ang lahat Zeke! Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo! Sa palagay mo ba papakinggan pa kita matapos ng mga ginawa mo sakin?!!" nilapitan 'ko sya na puno ng galit sa mga mata. "Demonyo ka, Zeke! Hindi 'ko alam kung bakit ba kita nakilala at kung minahal kita noon! Sana hindi ka nalang bumalik sa buhay 'ko ulit. Or better yet, sana ikaw nalang ang namatay!" nanikip ulit ang dibdib 'ko ng makita kong tumulo ang luha nya.
"Please.. I'm begging you.. Don't leave again.. Please.." niyakap nya ang mga binti 'ko saka humagulgol.
"Hinding hindi kita mapapatawad. Kinasusuklaman kita. Wala ng mapupuntahan pa to. Palayain mo na 'ko." nanghina sya sa sinabi 'ko kaya unti unti nya binitawan ang binti 'ko. Bago pa man nya makitang nasasaktan akong nakikita syang nasasaktan ay tumalikod na 'ko. Kinuha ang mga maleta 'ko at umalis na ng kwarto.
"Ang sakit. Mas masakit palang makita kang nasasaktan." sabi 'ko sarili 'ko. Hinarurot 'ko ang sasakyan 'ko atsaka nagsimula ng umiyak.

BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
Roman d'amourPosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?