>46

830 13 0
                                    

[AN: Join our group! :) https://www.facebook.com/groups/jeyenceestories/]

*Christine's POV

Ilang araw ang nakalipas matapos ang pagpapakita ni Leonard at Christine ay nagkaroon na ng pagbabago kay Thea. Hindi 'ko alam kung ako lang nakakapansin non o ano pero nasisigurado merong mali sakanya. Madalas 'ko na syang dalawin simula ng bumalik ang dalawang 'yun ayon na rin sa pinag usapan nina Zeke, Lester at Dorothy. And everytime I talk to her, you will feel nothing but coldness.

"Besty! May gown ka nabang susuotin para mamaya?" ang company ng Gecain & Shin group of companies ay magkakaroon ng big event mamaya. 50th anniversary na ng kumpanya at dahil doon, maraming dadalo na mga kilala sa lipunan bilang mga business tycon at syempre may media. Hindi nila papalampasin ang event na yun ng company nina Thea.

"Ah oo. Si Zeke na daw bahala." agad akong napatingin sakanya. Zeke? Hindi 'ko pa sya narinig na tinawag nyang ganun ang asawa nya simula ng ikasal sila. I feel weird.

"Ah.." yun nalang ang nasabi 'ko. Shit Christine! Umayos ka!

"Why? Is there any problem? Wala ka pabang susuotin?"

"Wala pa eh. Pupunta nalang ako sa kilala kong designer."

"O sige. Bumalik ka nalang dito, nagpatawag ng mag aayos si Zeke."

"Okay." hanggang hindi ako nakalabas ng bahay nya ay hindi 'ko nakahinga ng maayos. May mali.

Sa kinikilos nya ngayon ay parang ang dating Althea ang kasama 'ko. Kung paano sya magsalita, kumilos, ni tumingin, ang dating Althea ang nakikita 'ko. Posible kayang...? Ay hindi! Hindi pwede! At imposible! Stop overthinking things Christine.

Pagkatapos kong makapamili ng susuotin sa kaibigan kong designer ay bumalik ulit ako sa bahay nila gaya ng sabi nya. Pagkadating 'ko ay inaayusan na sya ng isang kilalang make up artist. Ang bongga talaga ng Zeke na 'to. Basta para kay Thea gagawin ang lahat. Ang swerte ng bestfriend 'ko.

"O nandyan kana pala. Padating na yung isa pang make up artist.. o ayan na pala sya. Kayo ng bahala kay ganda." natigilan nanaman ako sa sinabi nya.

"Ate." tinaasan 'ko ng kilay ang umistorbo sa pagkain 'ko. Kainis! Kita nang kumakain ang tao eh.

"Bakit?"

"Anong pangalan mo?" I gave her what-the-fuck-look. Makakalabit sakin wagas tapos tatanungin lang pala ang pangalan 'ko?

"You seriously disturb just to ask my name?" tumango lang sya habang nagniningning ang mata. What the heck is wrong with this girl?

"Ang ganda mo ate. Siguro Ganda ang pangalan mo noh?"

"Pinagtitripan mo ba 'ko?" nakakunot na ang noo 'ko this time. Nawalan na 'ko ng gana.

"No. So what's your name na kasi? I'm Thea. Althea Collins." she offer a hand. This girl is so sweet.

"I'm Christine. Christine Gutierrez." tatanggapin 'ko palang ang kamay nya pero bigla nalang nya 'kong niyakap at talon talon pa sa sobrang tuwa. She weird but sweet. I like her.

"Christine. I will still call you Ganda." saka niyakap ako ulit. Tumawa nalang ako saka niyakap na rin sya.

"Christine?" bumalik lang ako sa sarili 'ko sa pagyugyog na ginawa nya sakin. Alalang alala ang mukha nya. "Are you okay? Kanina kapa hinihintay ng make up artist pero nakatulala ka lang dyan."

"Ah wala. Okay lang ako. Sige na ayusan nyo na 'ko at malalate na tayo sa event." pinilit kong ngumiti at ganun din naman sya. At ilang oras lang ay naayusan na kaming dalawa. Tinitignan namin ang mga sarili namin sa salamin habang tawa ng tawa.

"Ang ganda 'ko talaga!" sabi 'ko.

"Wag ka ngang feeling dyan, Chin!" this time nabitawan 'ko na talaga ang purse na hawak 'ko. Nanlaki ang mata kong tumingin sakanya. Tinignan nya rin ako at saka ngumisi.

"Bakit? May problema ba, Chin?" diniinan nya ang pagsasabi sa Chin.

I knew it! May alam na sya!

 

*Dorothy's POV

Nagmamaang maangan ako kahit alam kong may mali na sa mga ikinikilos ni Thea. Hindi ako sigurado pero alam kong may nag iba sakanya. Madalang nadin akong magpakita sakanya dahil iniiwasan kong maka usap sya dahil baka mahuli pa 'ko. At isa pa laging nandoon sina Christine at Lester.

Hindi 'ko alam kung nagkabalikan naba sila pero napapadalas na ang pagsasama nilang dalawa. Pilit kong isinasantabi ang issues naming tatlo pero hindi 'ko maiwasan, minsan naiinis ako sa pagiging gentleman ng lintik na Lester na 'to. Lagi nalang nyang inaalalayan si Christine eh ang ayos ayos naman at kumpleto ang mga paa nya. Ang sarap nilang batuhin. TSK!

Hindi ako pinapansin ng ugok pero nagpadala sya ng dress sa bahay 'ko. Eh kung punitin 'ko kaya to? Ay hindi. Wala akong isusuot mamaya. At nagpadala pa talaga sya ng make up artist ha? Ibang klase talaga! Nung isang araw si Christine. Ngayon ako naman! Malandi!

"What took you so long?" halos atakihin ako sa puso sa lintik na bigla nalang nagsalita sa likod 'ko.

"Lester?! Bakit kaba nanggugulat dyan?! Atsaka bakit ka nandito?!"

"Halos isang oras na kong naghihintay dito."

"Sino bang nagsabi sa'yong maghintay ka dyan?"

"It's my responsibilty to fetch my date."

"Date? Sinong nagsabi sa'yong date kita?"

"Get in." hayop! Galing maka utos ng ungas ng 'to.

"Ayaw 'ko. May pera akong pang taxi."

"Sumakay kung hindi ako mismo ang magpapasok sa'yo."

"Damn! Oo na!" padabog naman akong pumasok sa sasakyan nya. Pero sa totoo lang, masaya ako dahil atleast, kahit ngayong gabi lang, AKIN SYA.

Nakakasilaw na flash ng camera ang sumalubong samin ng makarating kami sa hotel kung saan idinadaos ngayong 50th anniversary ng company ng mga Gecain & Shin. Grabe, kahit saan ka tumingin puro matataas na tao ang nandito. Halos the whole na naglalakad kami ni Lester ay nakayuko ako. They are all intimidating.

"Nasaan si Thea?" tanong ni Lester ng makita namin si Zeke.

"Nag CR lang daw."

"Saan ba ang CR dito?" tanong 'ko. Tinuro nya saka ako nagpaalam na pupuntahan 'ko lang sya sandali. Nang makarating ako sa CR ay agad 'ko syang nakita na nagre retouch.

"Hey. Maganda kana. No need to retouch." sabi 'ko sakanya. Saka na rin hinaplos ang mukha 'ko habang nakatingin sa salamin. Ang galing naman ng baklang make-up artist na 'yun. May magic ang kamay.

"Mas maganda ka, Bal." nanlaki ang mata 'ko at tumingin sakanya sa salamin. Natatawa naman syang tumingin sakin.

"Same reaction like Christine. So same question to you, Bakit? May problema ba, Doth?" nilingon 'ko sya saka ulit ngumisi.

Bumalik na ang alaala nya!

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon