*Althea's POV
I enjoy watching and listening to all lies when I already know the truth. Their acting skills are good. Quite convincing.
Alam ko na ang lahat. Lahat lahat. Kung bakit pagtapak 'ko sa Pilipinas ay nagsimula ng mag play na parang DVD ang mga weird na scenes sa utak 'ko na hindi 'ko alam kung kailan nangyari. Kung bakit unang pagkikita palang namin ni Dorothy ay sobrang ng magaan ang loob 'ko sakanya. At higit sa lahat, kung bakit ganon nalang ang naging reaksyon 'ko sa unang pagkikita namin ni Zeke, or should I say Michael na asawa 'ko ngayon. Kung bakit lahat ng mga kinikilos nya at ipinapakita sakin ay sobrang pamilyar sakin.
Dahil hindi sila bago sa buhay 'ko. Alam 'ko na ang lahat. At lahat sila tinago 'yun sakin at hinayaan nila kong magmukhang tanga na nangangapa at halos masiraan ng bait kapag may bumabalik sa memory 'ko. Harap harapan nila kong niloko!
Nagsimulang bumalik ang alaala 'ko ng araw na bumalik si Leonard sa bahay namin.
Leonard, sya ang isa sa naging dahilan kung bakit kami nagsimulang magkalabuan ni Zeke noon. There is something weird about him. Alam nyang may boyfriend akong tao pero hindi parin sya tumigil sa kakasunod sakin. Hanggang sa isang araw bigla nalang nya kong hinalikan at nakita yun ni Zeke.
Halos hindi na mamukhaan si Leonard pagkatapos syang bugbugin ng walang humpay ni Zeke. Ako naman ay nanatili lang nakatunganga sa tabi na umiiyak. Alam kong hindi sya mapipigilan kapag sobrang galit na sya. At ng matapos nyang bugbugin si Leonard ay hinila nya 'ko palayo sa lugar na yun at dinala sa apartment nya.
Isa syang Shin. Anak sya ng kilalang business man sa iba't ibang panig ng mundo pero pinili nyang mangupahan sa isang maliit na apartment kasama 'ko. Limang taon na kaming nagsasama kaya naman kilalang kilala na namin ang isa't isa. At ngayon, takot ako ng sobra dahil ngayon 'ko lang sya nakitang magalit ng ganito.
"Pinigilan 'ko ang sarili kong bugbugin ang lalaking yun kapag nababalitaan kong buntot pa rin sya ng buntot sa'yo tapos eto? Porket hindi 'ko pinapansin aabot na sa ganito? Althea, pinagkatiwalaan kita!" sigaw nya sakin.
"Zeke, wala akong alam doon. Bigla nalang nya kong hinila at hinalikan."
"Ganun nalang yun? Tapos anong na ng mangyayari sa susunod? Magkatabi na kayo sa kama?! Tapatin mo nga ako Althea, ganun katagal ka ng naglalandi ha?!" nasampal 'ko sya at tuluyan ng umiyak. Hindi 'ko akalaing kaya nya kong pagsalitain at pag isipan ng ganito.
"Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sakin? Ha, Zeke?! Hindi ako ganung klaseng babae gaya ng iniisip mo!"
"Hindi 'ko alam. Pakiramdam 'ko hindi na kita kilala." napaupo ako habang walang tigil sa pag iyak at pagpigil sakanyang wag akong iwanan.
Pinunasan 'ko ang luha 'ko. Inayos 'ko ang sarili 'ko ng marinig kong may dumating na sasakyan. Tama ako. Sina Kuya nga.
"Oh, Dorothy! Bakit nandito ka?" Nagkunwari akong nagulat at ngumiti din naman.
"Bakit? Bawal ba kong bumisita dito?" Why Dorothy? How could you lie to your bestfriend?
"Hindi naman. Ano nanamang ginawa sa'yo ng kuya?! Sinaktan kananaman ba nya?! Ay naku! Kailangan na talaga naming mag usap nyang si Kuya! Sumosobra na sya! Ano? Magkwento ka, anong ginawa o sinabi nya sa'yo??!" Iniba 'ko nalang ang topic.
"Wala no. Pinuntahan kita kasi namiss kita. Yun lang yun."
"You're not a good liar, you know that?" she just shrugged. "By the way, have you seen our visitor?"
"Visitor?"
"Yeah. I believe he's downstairs? Michael told me to go to our room when he got here."
"And you know what? Michael is acting weird this past few days. I feel like he's hiding something from me.." nakita kong napalunok sya at unstable na ang mata nya. Not a good actress. Tsk.
"And the name Leonard sounds so familiar.." nanlaki ang mata nya. You know me pretty well, Dorothy. If you're really my bestfriend, nakuha mo na ang agad ang gusto kong iparating sa'yo.
Limang araw ay madalang nalang kung bumisita si Dorothy. Hindi 'ko alam kung dahil ba sakin at nakakaramdam na syang bumalik na ang memory 'ko o dahil sa nalalagi sina Kuya Lester at Christine sa bahay namin. Hindi 'ko alam kung anong nararamdaman 'ko kapag nakikita 'ko silang lahat. Magkahalong saya, galit, lungkot. Hindi 'ko na alam.
I don't still get it. Bakit sila nagsinungaling sakin? Bakit hindi nila sinabi sakin ang totoo? Hindi man lang ba sila naawa sa pinagdaanan 'ko at dinagdagan nanaman nila 'to ng pagsisinungaling nila? All a long I thought, they're my family. But I guess I'm wrong. Lahat lahat, mula simula, lokohan lang lahat. Bullshit!
Pinakita kong walang nagbago. I acted normal like they do. Na parang walang mali. Na parang wala akong alam. Pero deep inside, sobra akong nagagalit at nasasaktan sa mga ginawa at hanggang ngayon ay ginagawa nila.
Hanggang sa araw na dumating ang araw ng 50th anniversary ng company nina papa at Zeke. Kasama 'ko si Christine. Isa rin to. Ang tagal 'ko syang nakasama sa ibang bansa. Pero ni minsan ay hindi sya nagsalita. Isa sya taong nasa tabi 'ko habang nasa therapy ako. Nakita nya yung paghihirap 'ko, pero wala pa rin syang sinabi.
"Ang ganda 'ko talaga!" sabi nya at tumawa habang naka pose sa salamin.
"Wag ka ngang feeling dyan, Chin!" nabitawan nya ang purse na hawak nya at gulat na gulat na tumingi sakin. Ako naman ay ngumisi lang.
"Bakit? May problema ba, Chin?" diniinan 'ko ang pagsasabi sa pangalan nya saka ako ngumisi.
Sumabay na sya samin ni Zeke papunta sa event na hanggang ngayon ay walang kibo at ni hindi makatingin sakin. Maging si Zeke ay wala din imik. Sinalubong kami ng media pagkadating namin doon. Nakihalubilo muna kaming mag asawa sa mga kilalang business man sa iba't ibang parte ng mundo at ng mapagod ay nagpaalam akong pupunta muna 'ko sa lady's room. Hindi ako makahinga. Hindi 'ko magawang magpanggap. Hindi 'ko kaya ang mga ginagawa nila.
"Hey. Maganda kana. No need to retouch." nagulat ako pero alam 'ko na kung sino sya, boses pa lang kilala 'ko na.
"Mas maganda ka, Bal." tulad kanina, nanlaki din ang mata at ako naman hindi na napigilang matawa.
"Same reaction like Christine. So same question to you, Bakit? May problema ba, Doth?" nilingon nya saka ako ngumisi.
Bumalik kami ng tahimik sa event. Gaya ni Christine, hindi din sya nagsalita o ni hindi din tumingin sakin. Nagbigay ng speech ang papa at natapos ng exact 3am ang event ng maayos. Binati 'ko lang ang papa pero hindi 'ko na makita ang apat. Lumabas ako at nakita kong nasa may malapit sila parking lot na para bang may pinag uusapan, at tama nga ako. Ako ang pinag uusapan nila.
"Tama na ang palabas. Alam 'ko na ang lahat." lahat sila takot na takot na tumingin sakin. Ako naman ngumisi lang sakanila.
Hindi ako makaramdam ng awa. Hindi 'ko alam kung kaya 'ko ba silang patawarin sa ginawa nilang to sakin. Galit na galit ako. At sobra sobrang nasasaktan ako.

BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomancePosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?