Epilogue

2.6K 37 2
                                        


[AN: Thank you sa lahat ng mga nagtyagang maghintay na makarating sa ending ng story na 'to. Thank you sa votes & comments na binigay nyo sa story 'ko. Please check out my new story "Maybe This Time"]


*Althea's POV

Agad kaming dumiretso ni Zeke sa ospital. Yung tatlo naman ay sila na ang umasikaso kay Leo at sisiguraduhin daw nilang hindi na sya makakalabas pa ng ospital at kung papayagan ng korte ay didiretso sya sa silya electrica.


Tulala lang ako ng pumasok si Zeke sa kwarto 'ko. May benda na ang kamay nya dahil sa pambubugbog kay Leo. Nagkatitigan lang kami at umupo sya sa tabi 'ko.


"Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng hayop na yun?" nag aalala nyang tanong sakin pero ramdam 'ko pa rin ang galit nya. Nag iwas ako ng tingin. Nahihiya ako sakanya. "Bakit hindi ka makasagot? Sinaktan kaba nya?" tumayo sya at pumunta sa harap 'ko. Iniangat nya ang ulo 'ko at tinignan ako sa mata. Naluha ako ng tinignan 'ko ang mga mata nya.


"Why are you crying? Tell me. Anong masakit?! Anong ginawa nya sayo!" frustrated na sabi nya.


"I'm sorry.." tumulo na ang luha 'ko at kumunot ang noo nya. "I'm so sorry.." napayuko na 'ko at sunod sunod na humikbi. Agad naman nya 'kong niyakap.


"Hush now. Bakit kaba nag sosorry?"


"Kasi hindi kita pinagkatiwalaan. Hindi muna 'ko nakinig sayo. Pinagdududahan 'ko ang pagmamahal mo sakin at pinag isipan kita ng masama. Ang dami kong masasasakit na sinabi sayo noon. Ang akala 'ko, ako lang ang nasasaktan. Hindi 'ko nakita na mas nasasaktan ka pala sa mga ginawa 'ko sayo."


"Hindi 'ko nakita na mas nasasaktan ka pala kesa sakin. Namuntikan ka rin palang mamatay nung araw na yun." nanlaki ang mata nya.


"Alam mo na?" tumango ako saka umiyak.


"Narinig 'ko sila ni Kaycee na nag uusap. Ano ba talaga ang nangyari noon? Paano ka nila nakuha? At saan kaba nagpunta at hindi ka umuwi sa bahay natin ng isang linggo?"


"Nagpalipas lang ako ng gabi noon sa bahay ng kaibigan 'ko kasi wala akong mukhang maihaharap sayo. Hindi 'ko nanaman kasi napigilan ang galit 'ko at napagsalitaan kita ng ganun. Nasaktan kasi ako noon dahil nakita 'ko kayong naghahalikan ng walang hiyang lalaking yun. Lagi akong binabalaan ng mga batchmates natin noon na mag iingat tayo sakanya at ilayo kita sakanya dahil hindi sya mentally stable at may possibility na may gawin syang masama out of obssession.


At yun nga, nung araw na dapat uuwi nako kinabukasan ay may bigla nalang dumukot sakin at dinala ako isang abandoned building. Nakakadena ako sa upuan at hindi 'ko talaga magawang makatakas. At doon nagpakita sya sakin na gayang gaya na nya ang mukha 'ko. Nandoon lang ako at balisang balisa dahil alam kong nag aalala ka sakin pero wala akong magawa. Hanggang sa nakatanggap ng tawag ang mga tauhan nya binugbog ako hanggang sa mawalan ako ng malay.


Nagising nalang ako na nasa isang kwarto at hindi maigalaw ang buong katawan dahil sa tindi ng pagkakabugbog sakin. Putang ina halos magwala ang sistema 'ko ng makita kitang nakalubog sa pool at ang hayop na yun ay tinitignan ka lang at nakangisi. At tuluyan na kong nawalan ng malay ng nakita kong tuluyan ka ng nalunod sa pool." wala akong tigil sa pag iyak habang nagkukwento sya. Hindi 'ko akalain na mas masakit pala ang pinagdaanan nya.

I'm Married To My KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon