*Dorothy’s POV
Ang sabi ko wala nakong pakeelam. Ni hindi nako masasaktan kahit na ano pamang gawin nya. nagawa ko naman. Pero hindi ko ineexpect na gagawin nya sakin to. hindi ko inaasahan na sa kabila ng pagpapakamartir ko e magagawa nya pakong iwanan.. sabi ko sa huli naming pag uusap e subukan nya kong pagkatiwalaan dahil kung hindi ay tuluyan ng matatapos to. at tama nga ako. Sa gabing mismong yun, tuluyan ng natapos ang lahat.
*Flashback*
Ang layo layo na nalalakad mula sa unit ko kaya nakaramdam na rin ako ng pagod. Sakto naman at nasa may tapat nako ng isang park. Naghahanap ako ng mauupan ng may mapansin ako na isang pamilyar na lalaki. Nilapit ko sya dahil malakas ang kutob ko na kilala ko sya. at tama nga ako. Si Lester nga. Pero bakit kaya malungkot sya?
“Uy.” Sabi ko sakanya. hindi ko kasi alam kung anong sasabihin e. napatingin sya sakin at mukhang nagulat.
“Ah eh nasira ko ba pagsesenti mo?” natawa naman sya sa sinabi kong yun. Ang gwapo talaga nya pag nakangiti. Pag talaga malungkot ako lumalandi ako!-_-
“Hindi. Teka, ano pang ginagawa mo sa labas? Gabing gabi na a. delikado ang panahon ngayon ano kaba.” Sabi nya sakin na bakas ang pag aalala sa mukha. Hayyy kung ganito lang sana si Bogs edi perfect sana relationship namen. Ang swerte ng babaeng magugustuhan ni Lester.
“Ah wala naman nagpapahangin lang.” gustuhin ko mang magkwento ay hindi ko magawa dahil halata sakanyang problemado sya. ayaw ko naman na dagdagan pa no.
“May problema? Pwede kang magkwento sakin.” Sabi nya..
“Ah wala naman to. nagpapahangin lang. ahm ikaw ano pang ginagawa mo sa labas? Gabing gabi na a. delikado ang panahon ngayon ano kaba.” Ginaya sya na sya naman ikinatawa nya ng malakas. Parang ewan din pala sya minsan. Napatawa na din ako. Parang nawala yung lungkot ko kanina, ang sarap nya kasama.
“Eto ba yung sinasabi mong dapat kitang pagkatiwalaan?” natigilan kaming dalawa sa pagtawa. Lumingon kami at nakita ko si bogs. Galit na galit ang mukha.
“Bogs..” wala akong masabi. Alam ko na kung anong dumadaloy ngayon sa isip nya. wala nanaman syang tiwala..
“O bakit wala kang masabi?” sabi nya. ramdam ko ang pagtitimpi nya ng galit nya.
“Pare kung ano man yang iniisip mo nagkakamali ka aksidente lang kaming nagkita di—“ hindi na naituloy ni Lester ang sasabihin dahil bigla syang sinuntok ni Bogs.
BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomancePosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?