*Althea’s POV
Hindi sila agad nakakilos ng Makita nila ‘ko. Nag freeze sila na kulang nalang ay hindi na din sila huminga. Ano bang nangyayari sakanila at sino ba tong babaeng to?
“You.. You’re still alive??”
“SHUT THE FUCK UP!!” sigaw ni Lester at ni Michael. Nanatili lang akong nakatayo habang halos lumuwa na ang mata.
“I'm alive as you can see.” Mataray kong sabi sakanya. Sino ba tong babaeng to? At bakit nasa office sya ng asawa ‘ko?!
“Hon? Who is she? Why is she inside your office?”
“Hon?!” pag uulit naman ng babae. Wala pa syang ginagawa, simple pagtingin ‘ko lang sa pagmumukha nya kumukulo na ang dugo ‘ko. Ano bang nangyayare sakin? Masyado na ata akong nagiging selosa.
“Miss bingi kaba o ano? Kanina tinanong mo kung I’m still alive eh nakikita mo namang buhay na buhay ako. Tapos ngayon inuulit mo yung sinabi ‘ko eh narinig mo namang kakasabi ‘ko lang.” nag roll eyes ako sakanya. Katanga to kausap. Maganda sana boba naman.
“Hon let’s go. My meeting was done.” Sabi ni Michael. Tumango naman ako. Bago ako lumabas ng pinto ay binalinggan ‘ko ulit sya na nakanganga parin hanggang ngayon.
“By the way, I’m his wife. Back off.” Agad naman syang namula sa galit ako naman ay nginisian lang sya. Alam ‘ko ang mga tingin na ganyan. May asawa na yung tao nilalandi pa. walang dele ca deza kababaeng tao. Linapitan ‘ko ang asawa ‘ko at hinila paalis ng office.
“Hon..” tumikhim lang ako ng tawagin nya ‘ko. Pansin nya siguro na hindi na ‘ko ng makaalis kami sa company pati dito sa sasakyan nya.
“Hon, please talk to me..”
“I just want to go home.” Sabi ‘ko saka lang sya natahimik.
Nagsisimula na talaga akong maguluhan sa mga nangyayare sa buhay naming mag asawa. Umpisa palang alam ‘ko ng may mali o kakaiba sakanya pero hindi ‘ko ‘yon pinansin. Alam kong may tinatago sya sakin at lahat ng mga taong nakapaligid samin pero hindi ‘ko ‘yon pinapansin. Pero ngayon, mukhang hindi na ata to dapat pang palagpasin. Kailangan ‘ko ng gumawa ng paraan para mahanap ang mga sagot sa mga tanong ‘ko.
Dumiresto ako sa agad sa kwarto pagkarating namin sa bahay. Ramdam ‘ko namang sinundan nya ‘ko pero hindi ako lumingon. Kailangan ‘ko muna ng katahimikan.
Kung ano man ang tinatago nyo sakin, malalaman ‘ko rin yun.
*Dorothy’s POV
Ilang araw narin ang lumipas pero hindi na kami ulit nag usap o nagkasalubong man lang ni Lester pagkatapos nung araw na nagkasama kami sa loob ng elevator. Pabor na rin yun sakin atleast nagkaroon ako ng peace of mind kahit papano. Madalas kasi syang wala sa company dahil sa magkabilang business meetings. Nakakapagtaka man na hindi na nya ‘ko sinasama ngayong ako ang secretary nya pero okay lang yun.
Okay lang ako ng wala sya.. hindi nga lang masaya.
Nang dumating araw na magkakaron ng board meeting ang company ay naging aligaga ang lahat. Darating kasi ang may ari ng kumpanya na si Mr. Gecain na syang ama nina Althea at Lester kaya naman sinisigurado ng lahat na maayos ang lahat at walang papalpak. Balita ‘ko nandito rin si Michael. Sana ay sumama si Althea, miss na miss ‘ko na ang babaeng yun.
Pakiramdam ‘ko ay nawalan ako ng dugo sa katawan ng pinakilala ni Mr. Gecain ang bagong member ng board. Walang iba kundi si Kaycee. Hindi parin pala sya tumitigil hanggang ngayon sa panggugulo kay Michael. Nabitawan ‘ko ang hawak ‘ko at tumingin ako kay Lester at Michael. Gulat na gulat din silang dalawa.
Pagkatapos ng meetng ay tulala parin ako sa bilis na pangyayari. Hindi pwedeng magsama sa iisang lugar ang dalawang yun. Hindi pwedeng Makita ni Althea ang dalawa na magkasama. Hindi pwedeng magulo nanaman ang pagsasama nila ng dahil lang sa babaeng to. Kailangan ng makaalis ni Michael dito.
“Zeke please get out of he—re.” nagulat ako ng makita kong nandoon na silang tatlo sa loob ng opisina ni Zeke, nandoon din si Lester na mukhang isang pitik nalang ay papatulan na nya ang babaeng to.
“Dorothy? Oh my God! This is really a small world! Akalain mong magkikita kita ulit tayo?” tuwang tuwang sabi nya. I really hate her. I really hate her existence!
“Anong kailangan mo? Bakit nandito ka nanaman?!”
“O bakit galit ka? Hanggang ngayon ba ako parin ang sinisisi mo sa bestfriend mong matagal ng patay?!” hindi ako nananakit ng babae pero mukhang hindi ‘ko yun magagawa ngayon. “Learn how to move on darling. Matagal na syang pat—“ hindi ‘ko na sya pinatapos agad ‘ko syang sinugod at sinampal. Demonyo talaga ang punyetang ‘to. Ang kapal ng mukha.
Nanigas nalang kaming apat ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Althea na gulat na gulat kasama si Christine na kinakabahan. Paano sila magkasama? Ibig sabihin matagal na ding alam ni Christine na buhay sya? At nilihim lang nya yun samin at sinolo nanaman nya si Althea?! God! Gusto ‘ko ng sumabog sa halo halong emosyon na nararamdaman ‘ko ngayon!
Natulala kaming lahat kung paano nya tinrato si Kaycee. Hanggang ngayon ay pulang pula pa rin sya sa galit. Kailangan ‘ko ng umalis dito dahil konting konti nalang at maibubuntong ‘ko lahat ng galit ‘ko sa babaeng to.
“It seems like wala syang kaalam alam dito.” Sabi ni Kaycee. Lahat kami ay tumingin sakanya. “Harap harapan nyo syang pinagmumukhang tanga. Kaibigan ba talaga kayo?”
“Shut the fuck up!” sigaw ni Christine. “Ano ba talagang kailangan mo at bakit nandito ka nanaman?!”
“Kailangan ‘ko si Zeke! Hindi ‘ko aakalain na sya nanaman pala ang karibal ‘ko sakanya.” Sagot ni Kaycee.
“Hindi kapa pala nadadala ano? Hindi paba malinaw sayo na si Althea lang talaga? Mula noon hanggang ngayon, si Althea parin. Walang Kaycee. Wag kang ambisyosa dahil kahit kailan, kahit na anong gawin, hindi magkakaron!”
“Oh dear Christine.. Nasira ‘ko na sila noon, sa tingin mo hindi ‘ko magagawa ngayon? You just added flavors to our game guys.” Saka sya ngumisi. Hindi na ‘ko nagdalawang isip pa at sinugod ‘ko na sya at sinapak. Dumugo agad ang gilid ng labi nya. Agad ‘ko syang binitawan at lumabas, baka kapag nagtagal pa ‘ko dito ay mapatay ‘ko na ang babaeng ‘to. Pero bago pa ‘ko tuluyang makalabas ay nagsalita ulit sya,
“I will ruin her! I will ruin all of you! If I will not be happy, nobody will!”
Binagsak ‘ko ang pinto ng ubod ng lakas. FUCK!!

BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomantikPosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?