>31

853 11 0
                                    

*Althea’s POV

“Hon..” kanina pa ko ‘Hon’ ng ‘Hon’ dito pero hindi pa rin nya ko pinapansin. Sa totoo lang naiiyak na ko. Magkasama nga kami ngayon sa iisang bahay at kwarto pero hindi ko naman sya maramdaman!

“Hanggang kailan mo ba ako hindi kakausapin?” tumingin lang sya sakin. “Hay! Nakakainis na!” sabi ko saka binato ang unan na yakap yakap ko at lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan doon na nagluluto si Nana.

“Oh iha, bakit gusot na gusot ang mukha mo?” tanong nya na bahagyang natatawa.

“Si Michael po kasi hanggang ngayon hindi padin ako kinakausap!” maktol ko na para bang bata na nagsusumbong na may nang-away sakanya.

“Iha, alam mo ba kung gaano sya nag alala sayo kagabi?” tumingin lang ako sakanya, alam ko namang ako yung may kasalanan pero hindi ko lang maintindihan kung bakit  napaka OA nya na hanggang ngayon ay hindi nya pa ako kinakausap.

“Umuwi sya kagabi at tinanong sakin kung umuwi kanaba daw, iha kung pwede lang nyang baligtarin itong buong bahay sigurado akong ginawa na nya.” kwento sakin ni Nana. Umuwi pa pala sya dito. Ihh nakokonsensya na talaga ako! Hindi ko alam kung anong gagawin!

“Suyuin mo anak.. Hindi ka matitiis non.. Asawa mo yun..” gusto kong sabihin sakanyang natitiis na nga nya ko ngayon oh! Pero hindi ko ginawa, dahil ako ang may kasalanan. Tumango nalang ako kay nana at nagmadaling umakyat sa  kwarto namin ni Michael. Nadatnan ko sya sa posisyon kung paano ko sya iniwan kanina. Nakaharap sa table nya at nagbabasa ng kung ano man iyon. Naramdaman kong nagulat sya ng bigla ko syang niyakap mula sa likod.

“I’m sorry.. I’m so sorry.. Sorry for making you worry.. Hindi ko iyon sinasadya.. Hindi ko na yun uulitin..” sincere kong sabi, halos pabulong lang yun dahil nararamdaman kong namumuo ang luha ngayon sa mata ko. Hindi sya nag respond kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sakanya. Natawa ako sa sarili ko ng bigla sumagi sa isip ko ang isang nakakalokang ideya, ‘para paraan para makachansing! Congrats girl! You’re so brilliant!’ nababaliw nanaman ako. Nagiging manyak na ko sa asawa ko. Healthy paba to?

“Damn!” sabi nya at bigla nalang nyang kinalas ang yakap ko sakanya tsaka ako hinila dahilan para mapaupo ako sa lap nya. Pakiramdam ko uminit ang mukha ko sa ginawa nya kaya yumuko ako. Hinawakan nya ako sa baba at iniangat ang mukha ko sakanya.

“I’m actually thinking about—“ “Hep! Sabi ko magtagol ka eh! Ako lang kausap mo oh.” Sabi ko ng pinutol sya sa pagsasalita.


“Okay, I’m sorry. Ang sabi ko, ako na dapat ang magssorry ngayon kung hindi kapa umakyat dito at niyakap ako.” ngumiti ako at kinawit ko ang mga braso ko sa leeg nya, ang kanya naman ay pumolupot sa bewang ko.

“God, magdamag lang tayong hindi nag usap pero parang sobrang tagal na.” sabi nya sakin at sinubsob ang mukha nya sa leeg ko.

“Ako rin..” yan nalang ang tanging nasabi ko dahil nakikiliti ako sa paghinga nya sa leeg ko. Napansin siguro nya iyon kaya naman mas lalo pa syang humingi ng humingi doon at paminsan minsan ay dinadampi nya rin ang mainit nyang labi sa aking balat. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa tuwing dadampi ang labi nya sa balat ko.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon