>30

875 13 0
                                    

*Althea’s POV

“How about Lester? Kamusta na sya?”

“Ah.. okay naman sya..” mahina kong sabi.

“Besty, may hihilingin ako sayo..” hindi maganda ang kutob ko sa hihingin nyang pabor. Nanatili lang akong nakatingin sakanya.

“I want Lester back, Please Besty.. Help me..”

“Nakakatampo ka naman! Ngayon ka na nga lang nakabalik si Kuya pa agad ang hahanapin mo?”

“Oh I’m sorry. Let’s eat?” tumanga ako.

Kumain kami at nagkwentuhan ng mga pangyayari sakanya simula ng nagkahiwalay kami dahil sa kailangan kong umuwi dito para sa kasal namin ni Michael. Naalala ko si Michael, pagkatapos kong sabihin na magkasama kami ni Christine. Naiinis ako dahil hindi nya ko pinuntahan, gusto ko pamandin syang ipakilala.

Nagyaya pang mag bar si Christine pero tumanggi nako. Baka magalit na talaga si Michael sakin nito, hindi man nga sya tumatawag o nagtetext man lang oh. Tinukso nya ko at sinabing, “Iba na yan besty huh. Seems that you already fallen for your husband.” Hindi ako sumagot, hindi pa rin ako handang ipangalandakan sa lahat na mahal ko sya dahil one sided lang to. Pagkatapos nyang bayaran ang bill namen ay lumabas na kami. Nagprisinta syang ihahatid nya ko dahil dala nya rin naman ang sasakyan nya, hindi din naman ako susunduin ni Michael ay pumayag na din ako.

“What took you so long wife?” nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwalang nandito ang asawa ko na ngayon ay napagwapong nakasandal sakanyang sasakyan, habang nasa bulsa ang kamay at titig na titig na sakin.

“Breathe Besty. Breathe.” Nanunuyang bulong sakin ni Christine. Siniko ko sya ng marahan tsaka sya humagikgik.

“Let’s go home?” tumango ako tsaka nya pinagapang ang kamay nya sa bewang ko, napasinghap ako sa ginawa nya yung at hindi yun nakaligtas sa paningin ni Christine kaya naman humagalpak ulit sya ng tawa. Pinaglakihan ko sya ng masama na nagsasabing ‘shut-the-fuck-up-besty!’

“It’s nice to see you again Michael.” naramdaman kong nanigas ng bahagya si Michael sa pagbating iyon ni Christine. Tumingin ulit ako kay Christine na may kakaibang ngisi sakanyang mukha. Hindi sya sinagot ni Michael bagkus ay hinila na nya ko at pinasok sa kotse. What’s happening?

*Dorothy’s POV

Dumating na ang araw ng pag-alis namin ni Lester patungong Batangas, ohh.. I mean, Sir Lester. We’re not friends, I’m his employee so I guess I should respect him.

Lahat ng tao sa opisina ay nakatingin sa akin. Sa palagay ko ay meron nanaman silang hinding iniisip sa akin. Pero wala akong pakialam, wala na akong pakialam. Nung sinabi ko sa sarili kong tama na, ayoko na, I mean it.

“So dahil sa close sila ni Sir, papasok nalang sya kung kailan nya gusto?”

“Ang kapal talaga ng gold digger na yan.”

As I expected right? Pero wala akong pakialam, wala rin ako kahit na anong maramdaman. Naging manhid na ako, salamat sayo, Sir Lester.  Nang makarating na ako sa desk ko ay sobrang pasasalamat ko ng hindi ako tumingin sa loob ng opisina nya. Tama yan Dorothy. Good job!

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon