>11

1.1K 17 0
                                    

*

“Thea..” sabay na sambit ng mag ama. Namutla ang mukha ng mag ama dahil sa pagdating ni Thea. Hindi nila alam kung narinig ba nya kung anong pinagtatalunan nila kanina pa.

“Okay lang po ba kayong dalawa? Bakit namumutla kayo?” tanong ni Thea na puno ng pagtataka ang mukha. Hindi kasi nito maintindihan kung bakit namutla ang dalawa ng malamang andon sya na para bang nakakita ang mga ito ng isang multo.

“Kanina kapa dyan princess?” tanong ni Lester na may halong kaba at umaasa n asana ay kakarating lamang nito at walang ibang narinig na masasakit na salita sa ama na nasisigurado nyang ikakasakit ng damdamin nya.

“Ah hindi. Kakarating ko lang kuya.” Sagot naman ni Thea na nakangiti. Na halos ikahinga ng maluwag ng mga hininga ng dalawa. Lalo na ni Lester. Ayaw nyang masaktan ang kapatid. Bumalik na sa dating ayos ang ama nila na para bang walang nangyari.

“Alam mo bang kabastusan ang pakikinig sa usapan ng may usapan ha Thea?” tanong ng ama na ikinabigla ni Thea.

“Ah eh-ahm ano po kasi papa hinahanap ko si Kuya kasi papasama ako sakanya. ang sabi naman ng mga katulong ay nandito daw sya dito sa office nyo kaya dito ako dumiretso. Hindi ko po sinasadyang makinig. I’m sorry papa..” sagot ni Thea. Takot sya sa ama. Ramdam kasi nyang hindi sya nito gusto kaya nga wala syang pakeelam dito kahit ano pamang mangyari sakanya.

“Since nandito kana rin lang naman, I think dapat na siguro tayo mag usap.” Sabi ng matanda sakanya.

“Papa ano ba!!?” sigaw naman ni Lester. Ayaw na ayaw talaga nyang maikasal ang kapatid na sya sa lalaking iyon.

“Tumigil ka Lester! My decision is already final! At alam mong wala ng makapagpabago non!” singhal naman ng ama nya.

“Ah papa tungkol po ba saan?” sabat ni Thea. Ayaw na kasi nyang nakikitang nag aaway ang papa at kuya nya kaya pumagitna na sya bago paman magkainitan ang dalawa.

“I want you to get married as soon as possible. I will arrange everything. You will meet your future husband the day after tomorrow.”

*Thea’s POV

“I want you to get married as soon as possible. I will arrange everything. You will meet your future husband the day after tomorrow.”

“Po?” tanong ko ulit. Baka sakaling nagkamali lang ako ng dinig.

“I said you’re getting married within this month. You will meet your future husband the day after tomorrow.” Sabi ni papa. Hindi nga ako nagkamali ng dinig. Pero bakit napaaga ata?!

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon