*Thea’s POV
Okay march 18 na, it means ikakasal nako. shemay! hindi nako mapakali dito. ilang oras nalang at magiging Mrs.Shin nako! naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung bakit ako natutuwa.-__-
“Ganyan ba talaga kaganda kapag magpapakasal na? naiinggit tuloy ako.” Sabi ni Dorothy. Hindi ko man lang namalayan yung pagpasok nya dito sa kwarto ko sa lalim ng iniisip ko.
“Che! Kita mo namang kinakabahan yung tao kung ano ano pang pambobola mo dyan. Tsaka wag kang mag alala, papakasalan ka rin ni kuya maghintay ka lang.” sabi ko sabay kindat sakanya. natahimik naman sya at namula. Alam ko may something na sakanila ni kuya eh, ayaw lang nilang sabihin. Arte!
“Ano bang pinagsasabi mo dyan Thea, para kang baliw.” Sabi nya. suuuuss! Hindi nga makatingin sakin ng diretso eh. Tsaka hanggang ngayon namumula padin ang bangus nato. Ang ganda nya! >.<
“Ay sus! Wag ka nga. Alam ko na yang ganyan. Parehas kayo lagi ng sagot ni Kuya.”
“Ay nako Thea, ang dami mo pang sinasabi, alam ko namang nililipat mo lang sakin yung usapan kase ayaw mong pag usapan yung sainyo ng asawa mo.” kilala na talaga nya ko kainis! T_T
“ASAWA?! Hindi pa kami kasal no.” hindi na nga ako makapaghintay eh. Ay! Erase! Erase! Psh. Kung ano ano nanamang iniisip ko!
“May balak kang mag back out?”
“SHEMPRE WALA! ANO BA NAMAN KLASENG TANONG YAN!?”
“Hahahaha. Wag kang magalit. Wag mo masyadong ipahalatang excited ka.”
-________- peste! Bakit ba kasi kailangan ko pang isigaw yung sagot ko? halatang halata tuloy na excited nga ako. Nyemas naman eh. Buti wala si kuya kung hindi baka pagalitan nanaman ako non kase humaharot nanaman ako.
“Ih ewan ko sayo Dorothy!” wala akong masabi eh. Alangan namang sabihing kong ‘tama ka.’ Psh! Lalo lang ako netong aasarin.
“It’s okay Thea. Normal lang naman na kabahan o maexcite kapag ikakasal. Based yan sa mga nababasa kong pocketbooks.” Hindi nalang ako kumibo. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin sa sinabi nya.
“Gusto mo naba sya Thea? Napaibig ka nanaman ba nya ulit?” tanong nya. napatingin ako sakanya kase merong ‘nanaman ulit’ anong ibig sabihin non?
“Anong nanaman ulit Dorothy?” mukhang natauhan na sya sa sinabi nya, nabigla sya at ayun hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomantikPosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?
