*Thea’s POV
Nakita ko mula sa bintana ko na nandito na sila. Hindi ko alam pero simula nong dumilim nagsimula nakong kabahan. Alam kong nasa baba na sila pero hindi pa din ako bumaba, alam kong susunduin ako dito ni Kuya kaya hihintayin ko nalang sya. tama ako dahil maya maya lang ay pumasok na si Kuya.
“Princess bumama kana. Nandito na sila.” Meron talagang kakaiba kay Kuya kapag yung lalaking iyon na ang pinag uusapan. Sino kaya sya? may ginawa kaya syang masama kay kuya?
Hindi ako kumibo, nanatili lang akong nakatingin sakanya, binabasa kung ano ba talaga ang iniisip nya. umiwas sya ng tingin at lumakad papunta sakin. . “Don’t worry hindi ako aalis sa tabi. Mananatili ang mga mata ko sakanya. hindi ko hahayaang mapahamak ka.” Gustong gusto ko talagang itanong kung bakit ganun sya magsalita, na para bang napakadelikadong tao netong kakaharapin ko pero hindi nalang ako kumibo at mahigpit na kumapit sa braso ni kuya.
Bawat hakbang ko sa mga steps ng hagdan ay mas lalong tumitindi yung kaba ko. narinig ko na yung mga tawanan nila, pero iisang boses lang nangingibabaw sa pandinig ko. bakit parang kakilala ko kung kanino galing ang boses na yun?
“Althea, I want you to meet your fiancé Mr. Michael Zeke Shin.” Sabi ni papa, humarap naman ang lalaki. Hindi ko na maalis ang tingin ko sakanya. sari saring emosyon ngayon yung nararamdaman. May saya, lungkot pero ang hindi ko maintindihan may naramdaman akong galit. Sino ba to!?
Iniabot nya sakin ang kamay, naghesistate akong tanggapin ang pakikipagkamay nya dahil parang natatakot ako pero dahil sa babala sakin ng papa sakin na ‘Don’t do anything stupid’ e tinanggap kona. At ng hawak na nya kamay ko, nanghina ako bigla, nakaramdam ako ng matinding pagkahilo ipinikit ko ang mata ko at biglang—
“baby, binili na kita ng ice cream. bati na tayo oh.”
“Che! Ewan ko sayo! Akala mo ba makukuha moko sa paice cream ice cream na yan!? Paulit ulit nalang tayo zeke!”
“Kaya nga po nagsosorry e.. promise last ko na po yun babyteys.”
“Psh! Oo na nga!”
“Princess what’s happening!? Tinatakot mo ang kuya umayos kana!!” nabalik lang ako sa realidad ng dahil sa narinig ko ang pagsigaw ni kuya. Pero tinignan ko ang mukha nya. sya yung lalaking kasama ko don sa biglang pangyayaring pumasok sa alaala ko. kelan yun nangyari!? Bakit hindi ko matandaan!!?
“You!? Who are you?!” yan na ang huli kong nasabi bago ako tuluyang mawalan ng malay.
*
Simula ng mahimatay si Thea ay hindi na halos magkadauga uga si Lester sa sobrang pag aalala pati narin ang kanilang mga bisita ay nag aalala na din. Ang ama naman nya ay naiinis dahil iniisip nyang baka palabas nya lang ito para matakasan ang nakatakdang pag uusap.
BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomancePosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?
