>7

1.4K 21 0
                                    

*Althea’s POV

Ang sakit..

Ayan ang una kong naramdaman. Pamilyar na sakin ang pakiramdam nato. Ito yung pakiramdam na nararamdaman ko lang kapag hinimatay ako sa labis na pag iyak.

Nahihirapan man ako ay pinilit ko paring imulat ang aking mga mata. At tulad ng aking inaasahan ay isang kisame ang tumambad sakin. Unang hinanap ng mata ko si Kuya dahil nag aalala ako na baka kung ano na ang nangyare sakanya pero nagkamali ako, tumatawa sya.. kasama ng mga taong hindi ko kilala.

“Kuya? Sino sila?” lahat sila natigilan at nag unahang pumunta sa akin.

“Princess okay kanaba? Ano may masakit paba sayo? Teka lang at tatawagin ko si dok.” Aalis sana sya pero hinala ko ulit ang braso nya.

“Ayan nanaman ang pagiging praning mo kuya. Okay nako ano kaba naman.” Natatawang sabi ko sakanya na sya naman ay napangiti.

“Ikaw talaga ang papatay sa aking bata ka. Lagi nalang akong namumuntikanang mamatay dahil sa sobrang pag aalala sayo.” Sabi saakin ni kuya. Hayyy kahit kailan talaga.

“Thea ayos kanaba?” nabigla ako sa babaeng nagtanong na hindi ko naman kakilala. Si mistisang bangus. Maka Thea ha? Close kame??

“Don’t call me Thea. Were not close.” Sabi ko sakanya. wala lang trip ko lang sya tarayan pero hindi naman ako naiinis sakanya e. sa katunayan nga ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. para bang kakilala ko sya dati ganun? Hindi lang talaga ako expressive sa mga strangers kaya nagtaray ako haha.

“Princess. Ano ba namang attitude yan?” naiiritang tanong sakin ni kuya. Ayaw na ayaw nyang nagpapaka bitch lalo pa kapag nakikita o naririnig nya.

“Bakit ba kuya? Talaga naman e. tsaka bakit ba sila nandito? Hindi ko naman kakilala yang mga yan ah. Kailan kappa nagkaroon ng mga friends kuya?” naiirita ako. Ewan ko ba. Kahit naba ang gaan ng pakiramdam ko sakanila kabaligtaran parin ang pinapakita kong ugali sakanila.

Sasagot sana si kuya ng bigla nagsalita si Mistisang bangus. “Okay lang po yun Kuya Lester. Pasensya na miss Althea kung masyado akong feeling close at natawag kitang Thea.. sorry talaga.. sige mauna na kami. Hinintay ka lang namen magising.” Pagkasabi nya non ay isa isa na silang nagsitayuan at tinignan nila ako isa isa na may sakit sa kanilang mga mata. Ano bang nangyayare? Yun lang naman ang sinabi ko ah? Bakit mukha silang nasaktan. Lalo na si bangus.. nakita kong nagpunas sya ng luha. Ano bang nangyayare?! Bakit ako nagiguilty e wala naman akong ginagawang masama? Bakit apektado ako? Bakit gusto kong habulin si bangus? BAKIT NASASAKTAN AKO!!?!

*Dorothy’s POV

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon