>2

3.1K 51 0
                                    

Dorothy’s POV

“Nandito ako para sabihin sa inyong gusto kong protektahan nyo sya.”

 

“Si Althea.”

Iyak lang ako ng iyak habang nakikinig sa kwento ng kuya nya. Ni Althea. Ng BESTRIEND KO.

 

Buhay sya.

Kahit napaka imposible man pakinggan..

Buhay nga sya..

Kaya pala nang maka receive ako ng text message ay dali dali akong lumabas ng bahay para pumunta sa lugar kung saan magkikita. Hindi ko na inisip kung anong mangyayare kung sakaling masamang tao itong kakatagpuin ko.

Kinakabahan ako habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit. At pagkababa ko sa kotse ko ay mas lalong lumakas ang kaba ko ng makita kung sino ang dumating.

“Dorothy!”sabay sabay nila sabi.

Ang aming dating barkada.

 

Ano ba talagang meron ngayon?

May reunion ba?

Bakit hindi man lang ako nainform?

Pumasok na kames a loob ng coffee shop.

“sino ba kase yung tumawag satin? Tsaka teka bakit nga ba tayo pumunta baka mamaya modus lang to gawan tayo ng masama!”-tanong ni Mark.

Sasagot sana ako pero may dumating na lalaki at tinuro kung nasaan ang taong gustong kumausap sakin.

At ayun na nga kinwento nya samin ang lahat lahat ng nangyare sa bestfriend ko.

Lalong nanikip ang dibdib ko dahil hindi ko man lang sya nakasama sa mga panahong nasasaktan sya. Role ko sa buhay as her bestfriend. Pero wala ako. Wala ako sa tabi nya ng mga oras na yun. Hindi ko kase kinakaya kapag nakikita ko syang nasasaktan. Hindi ko kinakaya kapag nakikita ko syang umiyak na kulang nalang ay hingin nya na sana ay mamatay nalang sya.

Parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko ng makita sya nakahiga.

Sa kama ng ospital.

Sa kwarto ng morgue.

Nakita ko ang mukha nya namumutla. Parang bang nababad sa tubig. Tinanong ko ang mga pulis kung anong nangyare at sinabi nilang sa pool nila natagpuan ang bangkay. Nakatali ang buong katawan dahilan para hindi sya makatakas. Tantsa nila 30 minutes ng hindi tumitibok ang puso nya.

Lalo akong napahagulgol ng malaman ko iyon. wala na. wala na nga sya. Nandoon ang barkada at lahat din sila ay umiiyak. Lahat ng taong mahal ni Althea at nagmamahal kay Althea ay nandoon maliban sa isa.

“Babalik na sya. Dahil ikakasal na sya.”

“she’s getting married. She’s getting married to her own killer.”

Nanggigil ako sag alit ng bumalik sa utak ko yon.

Bakit ba pagdating kay Althea ay napaka sama ng mundo!?

Bakit sa dinami dami ng lalaki bakit dun pa sya sa lalaking iyon ikakasal!?

Bakit sa lalaking pumatay pa sakanya!?

“Dorothy kumalma kalang. Parating na si bogs.”-Vince

“Kumalma ka na. kailangan nateng maprotektahan ang Althea naten.”-Lea

Nanahimik lang ako. Hindi ko maiwasang kabahan.

Paano kapag nagkasalubong kame ay bigla nalang nya kong isnabin?

Paano kung hindi na nya ko ulit tanggapin sa bagong buhay nya?

Hindi ko mamakaya yon..

Pero tama sila. Kailangan ko syang protektahan.

Pinunasan ko ang luha ko at nagsalita.

“Poprotektahan ko ang besftriend ko. Poprotektahan ko sya laban sa mga alaala nya sa nakaraan. Mga alaala sa nakaraan na pwede nyang ikamatay sa pangalawang pagkakataon.”

***

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon