>45

796 14 0
                                        

*Lester's POV

Ang akala 'ko ay alam 'ko na ang lahat patungkol kay Althea pero hindi pa pala. Hindi 'ko alam na magkakilala sina Dorothy at Christine. At base sa paraan ng pag uusap nila meron silang past issue, kitang kita 'ko kay Christine ang takot habang papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Dorothy. Para bang may ikinatatakot syang masabi nito na makakasira sa lahat.

Tatanungin 'ko sana kung ano ba yung gustong sabihn sakin ni Dorothy na dapat ay matagal 'ko ng malaman pero bigla akong nakatanggap ng text galing kay Michael.

"This fucking Leonard is in my house. Come over here so she can't suspect anything." sabay namang napamura ang dalawa ng sabihin 'ko sakanila ang text ni Michael. Halos mayupi 'ko na ang manibela sa sobrang diin ng pagkakahawak 'ko dito dahil sa sobrang panggigigil sa mga pangyayare ngayon.

Una bumalik si Kaycee ngayon naman ay Leonard. Hindi 'ko pa natatapos ang problema 'ko sa dalawang babaeng kasama 'ko ngayon tapos may dumagdag nanaman na dalawa. I really don't know what to do anymore. I feel like I'm going to explode any moment!

Hindi 'ko mapigilan ang sarili kong tignan si Dorothy na ngayon ay nasa likod. Sya ang pinagbuksan 'ko ng pinto kanina para dito sya sa tabi 'ko pero si Christine ang sumakay. I don't know if that's real or I'm just hallucinating, but I saw pain crossed her eyes when she saw me open the door for Christine. That's for her. She misundertood it. Oh anyway, sino bang niloko 'ko? Bakit naman ako matatakot kung mamisunderstood nya yun? As if I care. As if she cares..

Nakarating kami sa bahay nina Michael na hanggang nasa labas parin ng bahay nila. Just what I thought, hindi nga nya pinapasok si Leo, may magandang dulot din pala ang pagiging bastos ng hambog na to.

"Christine, Dorothy! O hindi 'ko alam na tinawagan mo sila Zeke." sabi nya ng makita kaming bumaba sa sasakyan. Hindi sya pinansin ni Michael na mukhang konting pitik nalang ay papatay na at inirapan naman sila ng dalawang kasama 'ko.

"Girls, bakit naman ganyan kayo kung makatingin sakin? Wala naman akong matandang naging atraso 'ko sainyo ah." pacool nyang sabi sabay ngisi. The way he look, he's dangerous.

"Go to hell." sabi ni Dorothy sabay tingin kay Michael na parang bang nagpapaalam na papasok na ng bahay. Tinanguan naman sya ni Michael, bago tumalikod ay inirapan muna nya si Leo.

"Bakit bumalik kapa dito Leo?" tanong ni Christine.

"I suppose you're Lester Gecain? Her foster brother?" sabi nya sakin na hindi man lang pinansin ang tanong ni Christine. Inabot nya ang kamay nya sakin pero hindi 'ko yun tinanggap.

"Why are you here?" ulit sa tanong ni Christine.

"Babawiin 'ko lang yung pag-aari 'ko." ngumisi sya sabay tingin kay Michael.

 

*Dorothy's POV

Kung nagkataong gawa sa kahoy ang hagdan nina Althea ay paniguradong wasak na 'to ngayon at baka pinatapon ni Zeke sa malayo. Patong pato na ang inis na nararamdaman 'ko kanina dinagdagan pa ng walang hiyang Leo na 'yun!

Ang akala 'ko talaga ay ako ang pinagbuksan nya ng pinto kanina pero nagkamali nanaman ako. Para pala iyon kay Christine na syang nasa likod 'ko nung mga oras na yun. Feeling 'ko tumigil ang paghinga 'ko ng tumingin sya sakin na para bang sinasabing sumakay na 'ko pero hindi naman pala yun para sakin. Why the hell he have to look at me?!

"Oh, Dorothy! Bakit nandito ka?" nagulat pero ngumiti din agad si Althea ng buksan nya ang kwarto nya.

"Bakit? Bawal ba kong bumisita dito?" kunwari ay nagtatampo kong tanong sakanya.

"Hindi naman. Ano nanamang ginawa sa'yo ng kuya?! Sinaktan kananaman ba nya?! Ay naku! Kailangan na talaga naming mag usap nyang si Kuya! Sumosobra na sya! Ano? Magkwento ka, anong ginawa o sinabi nya sa'yo?" hingal na hingal sya pagkatapos nyang magsalita.

Kung alam mo lang Thea kung gaano ako sinasaktan nyang kuya mo at ng isa pang best friend mo. Kung alam kung gaano kasakit na makita silang magkasama..

"Wala no. Pinuntahan kita kasi namiss kita. Yun lang yun." ayaw kong mag open-up dahil baka maiyak ako. Nandito lang silang dalawa ngayon sa baba. I don't want to show them any trace of weakness and pain in me.

"You're not a good liar, you know that?" nagkibit balikat nalang ako. "By the way, have you seen our visitor?"

"Visitor?" maang kong tanong sakanya.

"Yeah. I believe he's downstairs? Michael told me to go to our room when he got here." hindi 'ko alam ang sasabihin kaya nag iwas nalang ako ng tingin. Tinabihan nya 'ko sa kama.

"And you know what? Michael is acting weird this past few days. I feel like he's hiding something from me.." napalunok ako ng hindi oras sa sinabi nya. Shit! Ito na nga ba ang araw na kinatatakutan 'ko..

"And the name Leonard sounds so familiar.." nanlaki ang mata 'ko saka napatingin sakanya pero nagulat ako ng makitang titig na titig na pala sya sakin na para bang kanina pa pinapanuod ang reaksyon 'ko.

Damn it. Pakiramdam 'ko may alam na sya.

 

*Christine's POV

Hanggang ngayon nakakatakot parin kung paano tumingin at ngumisi ang walang hiyang lalaking to. Wala paring pagbabago sakanya except sa peklat nya sa may bandang leeg. Napansin ata nyang nakatingin ako sa parteng iyon kaya agad pasimple nya itong hinawakan sabay tingin kay Zeke.

There is something on that scar..

"Babawiin 'ko lang yung pag-aari 'ko." pagkatapos nyang sabihin yun ay napakabilis na ng pangyayare na nakita 'ko nalang syang nakahandusay sa damuhan na putok na ang gilid ng labi. Agad namang inawat ni Lester si Zeke na ngayon ay sobrang nakakatakot ang itsura. This is the first I saw him this mad. He's like monster ready to kill. Pero mas halimaw ang Leo na to dahil nagawa nya pang ngumisi pagkatapos syang suntukin ni Zeke.

"Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kitang gago ka. Pwede kitang patayin kahit kailan 'ko gusto!" mariin na sabi ni Zeke. Nakakatakot talaga sya ngayon. Mas gusto 'ko pa yung maghapon nalang syang naka poker face.

"Then do it. Para madagdagan ang kaso mo." nagkatinginan kami ni Lester. Ano kayang ibig nyang sabihin doon? "Ituloy mo. Gawin mong madali ang plano 'ko para sayo."

"Putang ina mo!" dahil ata sa bigla ay nabitawan sya ni Lester kaya humandusay nanaman ulit sya sa damuhan. "Hindi mo ba talaga kami tatantanan?!" pulang pula na sa galit ang mukha ni Zeke.

"Hindi. Hanggat hindi 'ko nasisira ng tuluyan ang buhay mo at hindi 'ko nababawi si Althea sayo, hindi ako titigil." tumayo saka pinanusan ang dugo sa gilid ng kanyang labi.

Bago sya lumabas ng gate ay tumingin sya kay Zeke, hinawakan ang peklat sa leeg nya saka ngumisi.

Ano ba talagang nangyayare? Bakit pakiramdam 'ko nagkakamali kami ng hinala all this time? Tumingin ako kay Lester na para bang pareho kami ng iniisip ngayon.

[AN: Para po sa mga naguguluhan, MICHAEL ZEKE SHIN po ang whole name ng hubby ni Althea. ZEKE talaga ang tawag sakanya ng mga tao sa past nya at MICHAEL naman po ang tawag ni Thea sakanya kasi wala syang maalala. Just to make things clear. :)]

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon