>20

1K 18 1
                                    

*Althea’s POV

“Masaya kaba?” tanong sakin ni Dorothy. Nandito kami ngayon sa kwarto at tinutulungan nya ko sa pag iimapake ko ng gamit. Balik na ulit sa normal ang lahat kaya eto nagdesisyon si Michael na bumukod na kami. Kaya eto inaayos ko na lahat ng gamit ko dahil malapit na nya kong sunduin. Matagal ng nakahanda ang bahay, ako nalang daw ang hinihintay.

“Ewan. Kinakabahan nga ako eh.” Natawa naman sya sa sagot ko.

“Bakit ka naman kinakabahan? Hello? Asawa mo na kaya yun no.” sabi nya sakin saka itinuloy ang pagpasok ng damit sa maleta ko.

“Yun na nga eh. Asawa ko sya pero hindi pa naman kami nagsama ng matagal, alam mo yun? yung mag boyfriend girlfriend muna? Mas maganda sana kung dumaan sa getting to know each other stage kesa sa ganito, kakakilala palang namen tapos agad agad magsasama na kami.” Tinignan naman nya dahil sa sinabi ko. may sinasabi yung mga mata nya eh. Hindi ko lang alam kung ano.

“Alam mo Thea.. masasanay ka rin sa buhay may asawa. Basta kailangan, pagsilbihan mo sya, mahalin, arugain. Kapag pagod sya, ipaghanda mo ng kape o kaya ay masahiin mo. kapag naman nag aaway na kayo, unawain mo, baka kasi dala lang ng stress sa trabaho kaya nagiging mainitin yung ulo. Kusa din gagana yung wife’s instinct mo wag kang mag aalala.”

“Is that mean I can also have that in return? Especially yung ‘Mamahalin’?” tanong ko sakanya pero natahimik naman sya.

“Hindi ko yan masasabi Thea.. pero malay mo mahal ka naman pala diba? Never lose hope! pero kung hindi gawin mo lahat. Mag effort ka. malay mo naman diba? Mahalin ka din nya.” sabi nya. haayy hindi ba kusang mahalin nya ko kahit hindi nako mag effort? Lintek na buhay.

Hindi na ko nagsalita. Hinayaan ko nalang yung kaba sa dibdib ko at pinagpatuloy yung pag iimpake sa mga gamit ko. at nang matapos na kami narinig na naming yung busina ng isang kotse at ng tignan ko mula sa bintana ay nakita kong si Michael. lalo naman tuloy akong kinabahan. Dyusme! Bakit ba ko kinakabahan e kakakita palang namen sa isa’t isa kagabi!? Kinakalma ko ang sarili ko ng may kumatok sa pinto binuksan naman iyon ni Dorothy.

“Akala mo si Michael no?” kahit kailan talaga pang asar itong si kuya.

“Ano kaba, wag mo na ngang inaasar. Kita mong kinakabahan na sya eh. Kita mo yang butil ng pawis nya sa noo?” gatong naman nitong magaling na bangus na to.

“Sige pagtulungan nyo kong dalawa.-___-“ kapikon tong mga to.

“Halika na, nasa baba na yung asawa mo.” sabi ni kuya. Tumayo naman ako saka muling pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin.

“Maganda kana. Tara na.” nakangiti naman ng nakakaloko tong dalawang to.

“Kayong lovebirds kayo tantanan nyo ko ah! Mind your own love life!” singhal ko sakanila. Parehas naman silang natahimik. Huli kayo!

“Kala nyo ah! Yang mga tingin nyo sa isa’t isa! naku naku naku! Hindi yan makakaligtas sakin. Pwede wag na maarte? Maging kayo na agad. Sige ka kuya tatanda ka talagang binata nya!” ako naman ngayon ang ngumisi ng nakakaloko. Pinandilatan naman ako ng mata ni kuya habang si bangus naman ay namumula.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon