*Althea’s POV
“Happy 2nd anniversary baby ko!”
“Nakakainis ka akala ko naman nakalimutan mo na! binati kita kaninang 12midnight pero hindi ka man lang nagreply!” sabi ko habang nakapout.
“Kasi nga po mahal kong teyang, sosopresahin po kita. Parte ng surprise ko ang pagkukunwaring hindi ko matandaan yung anniversary naten para magalit ka. para magkaron ako ng time ayusin ang lahat ng to.” ipinaikot nyang kamay sa paligid.
“Ang ganda baby ko..” yun lang ang tanging nasabi ko. nawala na lahat ng inis at pagtatampo ko simula kaninang alas dose ng medaling araw. Bawi na rin yung puyat ko dahil hindi na ko nakatulog dahil sa inis sakanya. inilahad nya ang kamay nya sakin. “Maari ko bang isayaw ang pinaka mamahal kong babae sa buong mundo?” ngumiti ako sakanya at tumango.
“Para sayo lahat gagawin ko. walang kahit na ano o sino ang makakapaghiwalay satin. Gagawa at gagawa ako ng paraan para bumalik ka sakin kung sakaling magkahiwalay man tayo. gagawin ko lahat mahal ko.. magtiwala ka lang. babalik ako lagi sayo.” Naiiyak naman ako sa sinabi nya. sinasabi nya iyon habang nagsasayaw kami sa malamlam na tugtog ng violin. Nagsasayaw kami habang nakatingin sa isa’t isa. iisa lang ang makikita at mararamdaman samin. MAHAL NA MAHAL NAMEN ANG ISA’T ISA. naiiyak ako sobrang tuwa dahil napaka swerte ko at mahal ako ng isang mapagmahal na lalaki na nagngangalang----
“DAMMIT! If something bad happens to my wife I will burn this hospital!” may narinig akong sigaw na syang nakapagpabalik sa ulirat ko. pakiramdam ko napakarami nanamang nakakasuksok sa katawan ko. kahit na hindi ako dumilat alam ko na agad kung nasaan ako.
“Mr. Shin please calm yourself.” Sabi ng isang lalaki.
“Calm down?! How the fuck can I calm myself?! My wife’s not recovered yet! She’s still unconscious and now she’s crying! Now tell me how can I calm down?!” singhal ulit ng ulira kong asawa. Susme ilang araw ba kong tulog at naghuhurumentado nanaman to?
Para kumalma na sya ay unti unti kong idinilat ang aking mga mata. Masyadong maliwanag. Ang hapdi sa mata. “Doc may malay napo ang pasyente.” Agad na anunsyo ng nurse. Agad namang lumapit ang doctor pati na rin si Michael. agad chineck ni doc ang lahat at sinabing kailangan ko pa daw magpahinga. Seriously?! Palagay ko inaamag na ang likod ko dito!!
“Are you okay now?” agad na tanong sakin ni Michael ng makalabas na ang doctor. Pinagmasdan ko ang mukha nya, mukhang puyat, binantayan kaya ako neto? possible kaya yun? Nangangayat din sya, kapansin pansin narin ang pagtubo ng balbas nya.
“Mukha kang ermetanyo.” Napalitan naman agad ang nag aalala nyang mukha ng mukhang hindi makapaniwala. Bakit ba? Totoo naman kaya. Ang dumi nyang tignan.
“Seriously? I’m worried then you will say that? Mukhang ermentanyo? And what the fuck is ermetanyo?” natawa ako sa sinabi nya. ewan ko pero ang cute nya kapag nagsasalita, lalo na kapag nagtatagalog. Ang sexy kasi pakinggan, wag lang syang magmumura kasi ang sarap nyang hambalusin pag ganon e.
“Are making fun of me woman?” tanong nya at agad naman akong umiling. “Why the fuck are you laughing then?!” dagdag ulit nya. dahil medyo nagiging matigas na ang tono nya ay tumigil nako sa pang aasar sakanya. baka kasi mag ala goku to dito at ako ang ihame-hame wave nya.
BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomantikPosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?