>5

1.6K 22 2
                                    

*Dorothy’s POV

Hanggang ngayon  hindi padin ako makapaniwala na nakaharap ko na sya. Nakaharap ko na ang bestfriend ko!

Nahahati sa dalawa ang emosyon ko ngayon. Ang isa ay sobrang saya dahil nakita ko na ulit. Pero mas malaki ang parte ng malungkot..

Nakakalungkot kase iba na nga sya..

Ibang iba na..

Lahat kame lalo na ako hindi makapaniwala sa inasal na kanina..

Never syang naging ganun..

Kahit naba sobrang galit na galit sya e hindi magiging ganun ang attitude nya.

Tahimik lang sya magalit..

Hindi sya naninigaw..

Hindi sya maarte..

Hindi sya matapobre..

Hindi na nga ata sya ang bestfriend ko..

“O doth wag kang iiyak okay? Ano kayang nangyare kay Thea at tumakbo nung makita ka?”tanong ni mark.

Umiling ako. Hindi ko naman talaga alam ang sagot e. ako din nabigla nung tumakbo sya ng makita ang mukha ko. a part of me is hoping that she recognize me.. but that’s impossible.. hindi yun mangyayare kahit naba gustong gusto ko..

Naiiyak nanaman ako.. hindi ko talaga akalaing ganung Althea ang sasalubong sakin.. sa matagal na panahon na inakala namen na patay na sya. Pero ang hindi namen alam nagdurusa pala ang bestfriend ko ng mga panahon na yun. Kung sanang napaaga ang paghingi ng tulong sakin ng kuya nya ngayon edi sana sinamahan ko sya.. edi sana hindi sya ganun ngayon.

“Guys mas mabuti pa kung umuwi na tayo. Mukhang masama ang pakiramdam ni doth.”sabi ni Mark. Tama sya. Masama nga ang pakiramdam ko. ikaw ba namang itrato ng ganun ng bestfriend mo e tignan ko nalang kung hindi din sumama ang pakiramdam mo.

Habang naglalakad kame palabas ng mall ay biglang nagvibrate sa bulsa ko. may nag text pero unknown number. [Kailangan ka nya. Pumunta ka sa *toot* hospital] kahit hindi sinabi kung sino ang nasa hospital ay agad nakong tumakbo. Ramdam kong si Althea yun. Ano nanaman kayang nangyare sakanya? ayos lang sya kanina e..

“hoy doth bakit kaba tumatakbo saan ka pupunta?!”sigaw sila ng sigaw pero hindi ko sila pinapakinggan. Ni hindi ko din sila nililingon. Kailangan kong makarating agad sa hospital. Kailangan ako ng bestfriend ko..

 

*Lester’s POV

Nagmadali akong umuwi ng tumawag ang inutusan kong bantayan ang kapatid ko. kailangan ko syang protektahan sa mga pwedeng manakit sakanya. ngayon ay tumawag sya at sinabing tumakbo daw sya paalis ng mall at mukhang hindi daw maayos ang kalagayan nito mukha daw syang takot na takot.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon