*Althea’s POV
“Hon, mag grocery pala kami ni Nana mamayang kaalis mo. Malapit na kasing maubos stocks natin eh.” Sabi ko sakanya habang inaayos ang neck tie nya. Misis na misis ang dating ko diba?
“I’ll just need to sign some papers at the office, bakit hindi ka nalang sumama ngayon sa akin sa office pagkatapos non sabay tayong mag grocery? What do you think?”
“Ayos lang ba yun?”
“Oo naman.”
“Oh sige sandali lang at magbibihis ako.” naligo ako at sinuguradong malinis talaga ang katawan ko. Well, gusto ko kapag nakita ako ng mga empleyado ni Michael eh hindi nila maiisip ang mga nakakainis na katagang, ‘Bakit yan ang pinakasalan ni sir?’ ‘hindi ko alam na ganyan pala ang taste ni sir babae.’ O kung ano ano pa. Subukan lang talaga nilang magsalita ng ganun, diretso sisante sila.
Nagsuot ako ng below the knee cream dress, hindi naman gaanong fit pero litaw parin ang kurba ng katawan ko, well I’m sexy you know. Tinernuhan ko ito ng white 2 inches ponted heels. Nag apply ako ng light make at orange na lipstick. Sinuklay ko ang alon alon kong buhok then that’s it! I’m done!
Full of confidence akong bumaba, well I’m not that conceited pero alam kong may maipagmamalaki naman talaga ako. Bagay na bagay kami ng asawa ko!
“Oh my wife is so beautiful, pero bakit mo kailangan magpaganda ng ganyan? Gusto mo bang makapatay ako ng tao para sayo?” kumunot ang noo ko. Ayaw ba nya? Pangit ba ko?
“Bakit? Pangit ba? Psh hindi nalang ako sasama, I’ll just wait you here.” Malungkot kong sabi, kalahating oras ako naghintay tapos ganito? Hindi man lang nya maa appreciate?
“Hindi ka nakikinig sakin. Ang sabi ko ang ganda mo. Ikaw ang pinaka magandang babaeng nakilala ko sa buong ko, at nagpapasalamat ako dahil ako ang maswerteng lalaking napangasawa mo, I’m even your first, if you know what I’m mean.” Sabi nya saka ngumisi. Namula ako sa sinabi kaya agad ko syang hinampas sa braso. “Ikaw lang ang pinaka maganda sa paningin ko Mrs. Shin, at baka makapatay ako kapag may ibang lalaki ang tumingin sayo. Gusto ako lang Thea. Ako lang.” pagpapatuloy nya. Lalo tuloy akong hindi makahinga. Pwede bang magtatatalon dito? Hindi ba nya maiisip na sira ulo ako kung bigla nalang akong magtititili dito?
“Ewan ko sayo, puro ka bola. Tara na nga.” Nauna na kong lumabas, magkamukha na kami ng mansanas at kamatis ngayon dahil sa sobrang pula ng mukha ko. Pagtalikod ay saka naman humagalpak ng tawa si Michael. Ang sarap pakinggan ng pagtawa nya kahit naba ako ang pinagtatawanan nya. Pasalamat ka mahal kitang hinayupak ka, dahil kung hindi kanina pa nakabaon sa bumbunan mo tong takong ko!!
“Ang ganda ganda mo talaga kapag namumula ka.” sabi nya saka tumawa ulit. Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglakad. Lakas ng topak nya! Bakit ba trip na trip nya kong pagtripan ngayon?!
*Dorothy’s POV
Kanina pa ako nasa labas ng kumpanya pero hindi ko magawang makapasok. Pakiramdam ko sobrang bigat ng mga paa ko para makapaglakad pa. Pati sa kalooban sobrang bigat ng pakiramdam. Gusto ko ng lumayo dito, bumabalik lang alaalang pilit kong kinakalimutan.

BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomancePosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?