>4

2.2K 30 0
                                    

*Althea’s POV

Pagkatapos ng ilang oras naming pagbobonding sa mall ay iniuwi na  nya ko. kailangan ko daw kase magpahinga e. sa totoo nyan pagod talaga ako kaso mas pinili kong makasama kasya sa mahiga sa kama maghapon. Masyado ko syang namiss para palipasin ang kakaunti nalang naming panahon.

Tama. Kakaunti. Kakaunti nalang kase ikakasal nako! ikakasal nako sa hindi ko naman kilala! Naiinis ako! Dapat Malaya pakong nakakagala sa iba’t ibang bansa kasama si besty! Pero hindi e! eto ako! Nasa pilipinas! Naghihintay kung kailan ako hahatulan ng kamatayan! >.,<

“Makatulog na nga lang! hindi ko dapat hinahayaang mastress ako ng dahil sa demonyong paparating. Siguro kailangan ko ulit pumunta na mall para magpa facial. Baka ikasal akong pangit.”

*Kinabukasan.

“Miss Althea nakahanda napo ang almusal kumain na po kayo.”

“Sige alisin mo na yang pagmumukha mo dyan nakakasira ka sa garden.” Pagkasabi ko non ay umalis sa agad agad. Aga aga naman kasi nagpakita sakin. Napagtripan ko tuloy.

Infairness masasarap yung mga hinanda nila. Abay dapat lang dahil kung hindi lahat sila makakatikim sakin. Pinaka ayaw kopa man din sa lahat ay yung hindi masasarap! Mapili ako sa pagkain. Sa lahat! Ewan ko ba at hindi ako hinayaang pumili ngayon ng lalaking papakasalan! -__-

“Lumayas nga kayo. Ayaw kong tinitignan ako habang kumakain! Hindi ba kayo tinuraan ng manners ha!? Tatawagin ko nalang kayo kapag kailangan ko na kayo. Layas!”

Naalibadbaran talaga ako sa pagmumukha nila. Saang lupalop napulot ng pumulot sa mga ito ang pagmumukha ng mga pinulot nya!? Hindi ako pintesera okay? Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko. hindi ako plastic na tao!

“Ang aga aga mo naman sila pag initan My Princess.”

“Goodmorning kuya!” tumayo ako at hinalikan sya sa pisngi.

“Goodmorning din princess.”

“Oh kuya kumain ka muna bago pumasok ng office.” Naupo na sya at sya namang nilagyan ko ng pagkain ang plato nya. Ganito ako kaasikaso sa mga taong mahal ko. ^___^

“Ang sweet naman ng princess ko.”

“Syempre kuya love kita.”^___^

“Sana kapag nagkaasawa kana hindi moko kakalimutan.”

“Ano bang pinagsasabi mo ha kuya? Hindi yun pwedeng mangyare ano kaba! Wala namang akong pakeelam sa mapapangasawa ko. hinding hindi ko sya pagsisilbihan gaya netong pagsisilbi at pagmamahal ko sayo kaya wag kang magsasalita ng ganyan.”

“Sana nga. Sana nga ganyan padin ang sasabihin mo kapag natandaan mo na ang lahat.”

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon