>39

780 15 0
                                    


*Bogs’ POV

Sa bawat paghikbi nya gustong gusto kong bugbugin ang sarili ‘ko. Hindi ‘ko alam. Wala akong kaalam alam na sobra sobra ‘ko na pala syang nasasaktan. Hindi ko alam at wala akong kaalam alam na kaya pala nyang magkunwaring okay lang ang lahat, ang akala ‘ko ay kilalang kilala ‘ko na sya pero hindi pa pala. Ang tagal nyang tinago sakin ang nalalaman nya patungkol samin ni Christine.

Aaminin ‘ko isa akong gago kaya nagawa ‘ko syang lokohin, pero nung mga panahong yun ay napapadalas ang mga pag aaway kaya naman unti-unti akong nanlamig sa relasyon namin. At doon, nakilala ‘ko si Christine. Malungkot sya ng mga panahong yun dahil pinapabayaan lang sya ng lalaking mahal nya, na nalaman ‘ko ngayong si Lester pala ang lalaking ‘yun.

Si Lester nanaman. Sya ang dahilan kung bakit hindi naging akin si Christine noon at ngayon si Dorothy naman. Nakakagago na talaga ang lalaking ‘yun! Lahat nalang ba ng babaeng gugustuhin ‘ko sya ang gusto?! Ngayon gustuhin ‘ko mang bawiin si Dorothy ay hindi ‘ko na magawa dahil sa pag iyak palang nya ngayon, alam na alam kong mahal na nya ang ungas na ‘yun.

Hindi parin tumatahan si Dorothy sa pag iyak ng makita ‘ko ang pagbaba nya sa sasakyan nya. Gustong gusto ‘ko syang sugurin, gusto kong basagin ang pagmumukha nya. Lagi nalang sya ang nagiging karibal ‘ko sa mga babaeng minamahal ‘ko. Kung gago ka Lester, mas gago ako. Hindi napasakin noon si Christine, kaya hindi magiging iyo si Dorothy. Akin lang sya.

Kinalas ‘ko sya pagkakayakap sakin, tinignan ‘ko muna sya saka ngumisi saka ‘ko hinila si Dorothy at hinalikan sa labi. Akin lang si Dorothy. Hindi mo sya maaagaw sakin. Tandaan mo yan.

*Lester’s POV

Parehas kaming naiwang nakatulala ni Christine sa pintuan kung saan lumabas si Dorothy. Yung lamig ng pananalita nya para bang may ginawang masama si Christine sakanya at ang pamumutla ni Christine ang patunay doon.

“Tulad ng nakikita mo, maayos ako. Maayos na maayos parin pagkatapos ng ginawa mo.” binalingan ‘ko si Christine na hanggang ngayon ay hindi pa din naaalis ang tingin sa pintuan.

“Paano kayo nagkakilala ni Dorothy? At anong ibig nyang sabihin sa sinabi ng maayos parin sya pagkatapos ng ginawa mo?” nakita ‘ko kung paano nag sunod sunod ang paglunok na ginawa nya.

“Ah wala lang yun, wag mo ng pansinin.”

“Wala lang yun? Pero bakit parang takot na takot ka?”

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon