>48

806 12 0
                                    

*Lester's POV

Pagkatapos ng pagpapakita samin ni Leonard ay hindi na namen hinayaang mag isa si Althea. Lagi kaming nasa bahay nila ni Michael para masiguradong may nagbabantay sakanya sakaling bumalik nanaman ang Leo na yun.

"Bakit ba lagi kayong nandito sa bahay 'ko ah? Wala ba kayong bahay?" Yan ang laging tinatanong nya samin kapag pupunta kami ni Christine sa bahay nila. Si Christine lagi ang kasama kong pumunta sa bahay nila. Hindi 'ko alam kung bakit simula ng madatnan kami ni Dorothy sa bahay nina Althea eh hindi na sya dumalaw pagkatapos nun.

Posible kayang nagseselos sya kaya hindi na sya dumalaw? Dahil nasasaktan sya kapag nakikita nya kami ni Christine na magkasama?

Yun na siguro ang pinaka imposibleng mangyari sa ngayon. He still love Bogs. Sya pa rin hanggang ngayon. Hindi 'ko alam kung anong meron ang ugok na yun at hanggang ngayon sya parin ang gusto ni Dorothy.

Pansamantala kong nakalimutan lahat ng problema na kinakaharap namin ngayon dahil nalalapit na ang 50th anniversary ng Gecain-Shin group of companies. Maraming dadalong kilalang businessmen and women kaya naman aligagang aligaga ang Papa dahil gusto nyang masiguradong perfect at tatatak sa industriya ang gaganaping event. Napakadaming media rin ang dadalo kaya naman dapat ay nasa ayos ang lahat.

Walang ibang babaeng pumasok sa isip 'ko na dadalhin si event. Si Dorothy lang. Kaya naman nung araw mismo ng event ay nagpadala ako ng dress sakanya mula sa pinakamagaling na designer na kilala 'ko at isang sikat na make-up artist. I want to show everyone on the event how beautiful my partner is. Gusto kong mainggit sila sakin dahil ako ang partner nya.

"Bakit ba ang tagal tagal nyang lumabas?" nakuha 'ko ng magkandahilo hilo dito ay hindi pa rin sya lumalabas. Baka naman hindi magaling ang make-up artist kaya sila natagalan?

Napangiti ako ng malapad ng makita 'ko syang lumabas ng bahay nila. Tinignan 'ko kung paano sya kumilos, napaka ganda talaga nya. Wala arte at napaka natural talaga nyang babae. Hindi man lang sya tumingin sa paligid nya bago tumalikod at ni lock ang gate. Paano nalang pala kung may masamang taong naka abang sakanya dito?!

"What took you so long?" gulat na gulat naman ang reaction nya.

"Lester?! Bakit kaba nanggugulat dyan?! Atsaka bakit ka nandito?!"

"Halos isang oras na kong naghihintay dito."

"Sino bang nagsabi sa'yong maghintay ka dyan?"

"It's my responsibilty to fetch my date."

"Date? Sinong nagsabi sa'yong date kita?"

"Get in." hayop! Galing maka utos ng ungas ng 'to.

"Ayaw 'ko. May pera akong pang taxi."

"Sumakay kung hindi ako mismo ang magpapasok sa'yo."

"Damn! Oo na!" Padabog syang pumasok sa kotse at ako napangisi ng malapad. Ang saya 'ko. Atleast, this night, She's mine..

Hindi 'ko alam kung anong nangyari pero simula ng sabay silang bumalik ni Althea ay hindi na sya kumibo. I was staring at her the whole time, ilang beses 'ko na rin syang tinawag pero wala sya sa sarili. Nakinig nalang ako sa speech ng Papa na talaga namang pinalakpakan ng mga nandito sa event. They envy my father so much for his success. I'm a proud son indeed.

"Tara sa may parking lot, may sasabihin ako." sabi ni Dorothy. Tinignan namin syang lahat na nagtataka.

"Let's wait for Althea first." Michael said.

"No. She doesn't have to be there. Let's go habang busy pa sya sa pakikipag usap kay Mr. Gecain." nauna na syang lumabas at sumunod kaming tatlo sakanya.

"Bumalik na ang alaala nya." napatingin kaming lahat sakanya. Actually kami lang ni Michael ang nagulat pero si Christine hindi man.

"I know. Nalaman 'ko lang bago kami magpunta sa party." Christine said.

"Ako naman nung sinundan 'ko sya sa lady's room." Dorothy said. Kaya naman pala ang tahimik nya kanina simula ng bumalik sila ni Dorothy.

"Tama na ang palabas. Alam 'ko na ang lahat." Lahat kami lumingon sa likuran namin. Lahat kami takot sa kung paano kami tignan ngayon ni Althea. Pero kung may mas takot man ngayon samin, I know, it's Michael.

 

*Althea's POV

"Tama na ang palabas. Alam 'ko na ang lahat." natawa ako sa reaksyon nilang lahat. Ayaw 'ko pa sanang sabihin sakanila na alam 'ko na ang lahat pero nasabi na pala nila sa dalawa.

"Althea please.. wag ka munang mag isip ng kung anu-ano. Pakinggan mo muna kami." sabi ni Kuya Lester.

"Mag isip naman ng ano kuya? Na niloko nyo kong lahat? Na pinagmukha nyo kong tanga? Nag enjoy ba kayong mapanuod ako ng ganun ha?" sabi 'ko sakanila. Lumapit naman agad si Christine sakin.

"Besty, nagkakamali ka. Hindi yun ganun!"

"Don't you dare call me besty, Christine! Besty is the short term for BESTFRIEND! BESTFRIEND. CHRISTINE!" huminga na 'ko ng malalim dahil nagsisimula ng manikip ang dibdib 'ko. "Higit sa kanino man, ikaw ang nakakita sa paghihirap 'ko nung nasa America tayo. Kung paano ako nangapa, kung paano ako umiyak kapag tinutukso ako ng mga ka edad natin doon na retarded daw ako at kung paano ako umiyak ng dahil don. Bakit nagawa mong itago yun sakin na ang taong napangasawa 'ko pala ay yung taong dahilan kung bakit nangyari yun sakin?!!"

"Besty, mahal nyo ang isa't isa. Kitang kita 'ko yun. Sabihin mo nga sakin, paano 'ko maaatim na sirain ang magandang pagsasama nyo yun? Hindi 'ko yun kaya!" sagot nya sakin. Inis kong pinunasan ang luha 'ko.

"You call that a reason?!" lumapit ako pero agad akong pinigilan ni Dorothy. Agad 'ko naman syang tinulak.

"Isa kapa! Dorothy, ikaw yung unang bestfriend 'ko! Hindi 'ko akalaing magagawa mo rin to sakin! Dati may tumingin lang sakin ng masama agad mo ng sinusugod! Ni minsan hindi mo hinayaang maagrabyado akong kahit na sino! Ni minsan hindi mo 'ko hinayaang saktan ng kahit na sino! O anung nangyare?! Bakit mo to ginawa sakin?!"

"Althea, ganun pa rin naman ako--"

"Kung ganun bakit mo hinayaang ikasal ako sa mamamatay tao na yan?!"

"Althea! Tama na yan." this time si Kuya naman ang pumigil.

"Oh Kuya Lester. I'm very thankful na tinulungan mo 'ko kahit na nakita mo lang ako sa simbahan nung gabing pinatay ako ng walang hiyang yan!" tsaka 'ko tinuro si Zeke.

"Princess, listen to us first." malumanay na sabi ni Kuya.

"O ikaw naman Zeke, anong irarason mo ngayon? Ano nanaman bang pinaplano mo? Talaga bang pinagplanuhan mo 'to dahil nalaman mong hindi mo 'ko natuluyan noon kaya balak mong ituloy ngayon?! Ano bang nagawa 'ko sayo?!" hindi sya kumibo. Nakayuko lang sya. Lumapit ako sakanya at pinaghahampas sya.

"ANO?! BAKIT HINDI KA SUMAGOT! HAYOP KA! DEMONYO! PAANO MO NAATIM NA BUMALIK AT TALAGANG PINAKASALAN AKO?! HAYOP KA! DEMONYO KA!!" sumisigaw ako habang walang humpay syang sinusuntok sa dibdib habang umiiyak. Hindi nya 'ko pinigilan. Tinanggap nya lang lahat ng suntok 'ko. Pinigilan nila kong lahat at agad kong pinalis ang mga hawak nila.

"Alam nyo, hindi lang naman puro galit ang nararamdaman 'ko ngayon eh.. Nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan sa ginawa nyo sakin." hindi 'ko na pinigilan pa ang luhang kanina pa gustong lumabas.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon