*Althea's POVHabang nag uusap kami sa sala ay hindi 'ko mapigilang magtaka sa mga kinikilos ni Zeke. Iba eh. Hindi 'ko lang alam kung ano pero sigurado akong may mali. Nang tinanong ni Kuya kung saan galing ang peklat nya ay mas lalong nakapagtaka sakin. Hindi nasusugatan kailan man si Zeke kapag nakikipaglaban sya. Halos ng mga nakaka away nya, pinupuruhan nya.
"Wala kabang ipapaliwanag sakin?" tanong 'ko ng makapasok na kami sa kwarto. Hindi pa kami okay pero kung itrato nya 'ko ay parang wala mang nangyari.
"Anong ipapaliwanag 'ko?" kumunot ang noo 'ko sa sagot nya. Nanlaki ang mga nya saka tumawa, "Kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. Dun 'ko sasabihin sayo ang lahat. Matagal tagal din kitang hindi nakasama. Naunahan pa 'ko ng ugok na yun."
"Ano? Sinong ugok?" tanong 'ko. Agad naman syang umiling saka ngumiti. Unti unti syang lumapit sa mukha 'ko, agad akong umiwas dahil alam kong hahalikan nya 'ko.
"Hindi pa tayo nagkaka ayos, Zeke. Matutulog na 'ko." una na kong nahiga at tumalikod sakanya. Ramdam 'ko naman ang pag galaw ng kama at bigla syang yumakap sakin.
"Namiss kita. This time, hinding hindi na kita papakawalan pa." bulong nya saking tenga na nakapagpakilabot sakin. Ewan 'ko ba, imbis na kiligin ako ay kaba ang naramdaman 'ko. Parang ibang tao ang katabi 'ko ngayon.
"Hoy bruha, tawagan mo kami kapag nakarating na kayo kung san ka man balak dalhin nyang si Zeke ah?" paalala sakin ni Christine.
"Oo nga. Tsaka sana pagbalik nyo may pamangkin na kami." sabi naman ni Dorothy at nag apir naman sila Christine. Talagang nagkampihan pa tong dalawang to sa pang aasar sakin ha?
"Oo na. By the way, ang saya 'ko at sa wakas nagkasundo na yung dalawang bestfriends 'ko." sabi 'ko sakanila at ngumiti sila sakin.
"Masaya din kami na masaya na kayo ni Zeke. Wag ka ng magpakipot sa lalaking yun. Kita namin yung paghihirap nya nung nagtago ka ng isang buwan. Okay?" tumango ako at niyakap 'ko sila.
"Ready?" nakangiting tanong sakin ni Zeke habang isinasakay ang mga damit 'ko. Tumango lang ako at tumingin kay Kuya.
"Take care, Princess. Call us when you get there, Okay?" tumango ako niyakap sya.

BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomancePosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?