>52

1K 16 0
                                    

*Christine's POV

Sobrang saya 'ko dahil sa wakas ay naging okay nadin kami ni Thea. Kaming dalawa ni Dorothy ang nag aayos ng table para sa dinner namin. Napaka awkward ng paligid namin. Siguro ito na yung tamang panahon para matuldukan yung issue naming dalawa.

"Dorothy.."

"Huh?" lumunok muna 'ko at humarap sakanya.

"I'm sorry.. for everything.." tumingin naman sya sakin. Nagtataka. Ako din naman nagtataka kung bakit 'ko to ginagawa pero.. ay ewan! Basta!

"Alam kong mali yung ginawa 'ko na tinago sayo na buhay sya noon, pero nagawa 'ko lang naman yun dahil inggit na inggit ako sayo. Kasi kahit na close na close na kami noon, iba parin yung closeness nyo. Kaya naman naisip kong igrab ang opportunity na yun para solohin sya. I know its childish, so I'm sorry.." nakayuko kong sabi sakanya. Nagulat naman ako ng bigla nalang nya kong yakapin.

"I'm sorry din.. about Bogs.. We never had an affair you know.. We're just friends.. Nagkataong kailangan 'ko lang ng kaibigan nung mga panahong walang oras sakin si Lester.. Hindi 'ko alam na may nasasaktan na pala ako. Sana mapatawad mo 'ko.."

"It's okay.. Sorry din.. Wala ka namang kasalanan eh. Hindi kita sinisisi dahil wala ka naman talagang kasalanan. Na kay Bogs padin naman yun eh. Kung talagang mahal nya 'ko, hindi nya 'ko basta basta makakalimutan kapag may ibang babae na ang pumasok sa eksena. Maybe we're not meant for each other. And besides, naka move on nako sakanya." sabi naman sakin ni Dorothy.

"Pero maswerte ka parin dahil may isang bagay ka na kahit na anong mangyari ay hinding hindi mapapasakin." sabi 'ko. Hindi na babalik ulit sakin si Lester kahit na ano pa ang gawin 'ko. Tanggap 'ko na yun. Kumalas sya sa yakap at hinarap ako.

"Ikaw din. May isang bagay na kahit kailan hindi din mapapasakin." sabi nya saka malungkot na ngumiti.

Nagulat kaming dalawa ng biglang pumunta si Lester sa kusina at sinabing dumating daw si Zeke. Ang lakas talagang ng pang amoy ng lalaking to. Baliw na baliw sa bestfriend 'ko.

Pumunta kami sa sala at nang makita kami ay ngumiti sya samin. Nakakapagtaka naman ata, bakit mukhang ang saya nya ngayon? Samantalang halos isang buwan silang hindi nagkita ni Thea at hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkaka ayos. Yung mga mata nya at ngiti, ibang iba. Agad 'ko ring napansin ang peklat nya sa may dibdib.

Saan at kanino 'ko nga ba nakita ang peklat na 'to?

 

*Dorothy's POV

Ang buong akala 'ko talaga ay hindi na mangyayari ang araw na magkakaayos kami ulit ng bestfriend at ang mas hindi 'ko mapaniwalaan ay nagkaayos din kami ni Christine at sya pa ang nagpakumbaba sakin. Hindi naman pala sya masama gaya ng iniisip 'ko.. Nagkamali lang pala ako ng hinala na malandi sya at sakim. Nawalan lang pala ng oras si Lester sakanya kaya hiniwalayan nya ito at hindi si Bogs ang dahilan tulad ng hinala 'ko noon.

Well, magiging mas masaya pa sana kung magiging okay na din sina Zeke at Thea. At syempre, kami rin ni Lester.. Kahit yung friendship nalang namin yung maibalik ay ayos na sakin. Tanggap 'ko naman na hindi na sya mapapasakin. Atleast he's in the right hands. Mabait naman si Christine at dahil doon ay panatag na 'ko.

Sabay naming pinuntahan ni Christine si Zeke sa sala. Nginitian nya kami ng makita nya kami. I don't but I really feel weird kay Zeke ngayon. Well, hindi naman kami ganung close para makilala sya ng husto pero lagi 'ko rin naman syang nakakasabay noon na maghintay kay Althea at nakaka kwentuhan 'ko naman sya kahit gaano. Pero feeling 'ko hindi sya yung taong kaharap namin ngayon.

At ang nakatawag ng pansin sakin ay yung peklat nya sa dibdib. Kailan pa sya nagkapeklat dyan? Eh samantalang noong kasal nila eh wala naman yan?

 

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon