>24

918 17 0
                                    

*Michael’s POV

“Parang awa mo na.. please?  maawa ka sakin!” sigaw ng babaeng habang nasa pool at nakatali angbuong katawan  sa isang upuan. Konti nalang aabut na sa may dibdib nya yung tubig.

 

“Parang awa mo na. iligtas mo ko..” pagmamakaawa ulit ng babae. Tinignan ko ang lalaki kung saan walang humpay sa pagtawa na para bang nababaliw at nasisiyahan sa panonood sa kakawang babaeng malapit ng matulog.

 

Gustong kong tulungan yung babae pero wala akong magawa. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. nagpatuloy lang sa pag iyak at pagmamakaawa yung babae habang papalapit ng malubog ang ulo sa tubig.

 

“Oy gago ka tulungan mo sya!!” sigaw ko sakanya. pero katulad kanina, tumawa lang sya. pinilit kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko kaya. Gustong gusto kong sagipin yung babae.

 

“Mahal kita. Lagi mong tatandaan yan..” yan ang huli ng sinabi ng babae bago tuluyang lumubog sa tubig.

 

“Hon?”

“Hon gising na!” napamulat ako ng may naramdamang yumuyugyog sa balikat ko. nakita ko ang mukha ng babaeng pinaka mamahal ko.

“Hay salamat naman at gising kana.” Sabi nya saka umupo sa kama. Mukhang nahirapan sya sa pag gising sakin.

“Good morning hon.”

“Good morning too. Bumangon kana at nakapag handa na ng almusal si nanay Ising.” Imbis na sumunod sa sinabi nyang tumayo nako ay hinila ko sya pahiga tsaka niyakap ng mahigpit.

“Oy ano ba bangon na, masama paghintayin yung pagkain. Bahala ka tatakbuhan ka nyan.”I chuckled on what she just said. Kahit kailan talaga hindi nawawala ang humor nya sa katawan.

“Ano ba hindi ako nagpapa tawa no. bumangon kana.” Hindi pa rin ako sumunod. Ang sarap kaya nyang kayakap. Ang tagal kong nangulila dito..

“Isa. kapag hindi ka tumayo hindi kita papansin.” Sabi nya sakin.

“You think you can do that?” wala lang. trip ko syang asarin ngayon. Ganun pa din kasi sya eh. Napaka pikuning babae.

“Sinusubukan mo ba ko?” o diba? Sabi sainyo eh. Pikunin to.

“Okay. Okay. Fine.” Mas ginusto ko ng sumuko. Hindi pa rin sya nagbabago so it means, mahirap parin syang suyuin.

“Good. Susunod ka rin naman pala eh. Hintayin na kita sa baba hon. Magpalit kana ng pantulog nakakahiyang kay nana  Ising.” Diniinan nya yung pagtawag sakin ng ‘hon’ saka na sya lumabas. Napangiti ako kahit napaka liit na bagay lamang na yon.

“Ikaw nga talaga ang Althea ko. dahil sa simpleng galaw at pagsasalita mo lang, napapa  saya mo nako. sana habang buhay na tayong ganito..” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa picture naming dalawa nung wedding.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon