>50

914 17 0
                                    

*Zeke's POV

Matapos ng matinding away namin ni Althea ay hindi muna 'ko umuwi sa bahay namin ng isang gabi. Nasasaktan pa rin ako sa nakita kong paghahalikan nila ng walang hiyang Leo na yun. Ilang beses 'ko na syang binalaan na tantanan nya ang girlfriend 'ko pero hindi sya nakikinig. Lagi akong binabalaan na may sira daw ang utak ng lalaking yun kaya mag ingat kami ng girlfriend 'ko sakanya kaya todo ang pagbabantay 'ko kay Althea.

"Pare, ilang beses 'ko bang sasabihin sayong tantanan mo na ang girlfriend 'ko?" sabi 'ko sakanya ng minsang kinausap 'ko sya. Laging nakakarating sakin ang mga balitang lagi daw syang buntot ng buntot kay Althea.

"Hindi 'ko yun gagawin." naikuyom 'ko ang kamao 'ko sa sinabi nya.

"Anong sabi mo?" mariin kong tanong sakanya.

"Hindi ako titigil hanggang hindi sya napapasakin. Tatanggalin 'ko sa landas 'ko ang mga hadlang samin. Akin sya at magiging akin sya!" saka sya ngumisi. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan 'ko. Ayaw 'ko mang matakot ay natakot parin ako dahil parang may masama syang binabalak samin.

Ganun nalang ang naging galit 'ko ng isang araw ay nakita 'ko silang naghahalikan ni Althea. Kahit gaano 'ko talaga habaang ang pasensya ay sadyang sinasagad akong ng gagong 'to. Itinulak 'ko si Althea at sinumulang basagin ang mukha nya. Sigaw at iyak lang ang nagawa ni Thea dahil alam nyang hindi ako maawat ng kahit na sino kapag galit na 'ko. Tinigilan 'ko lang sya ng nakita 'ko ng naliligo sya sa sarili nya dugo.

Sa sobrang galit 'ko ay hindi 'ko nanaman napigilan ang sarili kong magsalita ng masasakit sakanya. Kaya hindi 'ko magawang umuwi dahil baka galit pa sya sakin at wala akong mukha maihaharap sakanya. Hanggang sa isang araw na nagkalakas na 'ko ng loob na harapin sya pero bago pa man ako makapasok sa gate ay may biglang humila sakin at tinakpan ng panyo ang ilong 'ko. May nilagay sila doon kaya agad akong nawalan ng malay.

Nagising ako ng may marinig na nagtatawanang lalaki sa paligid. Nagmulat ako at tumingin sa paligid, palagay 'ko na sa abandonadong building kami na may mga lalaking naka itim sa bawat poste.

"Anong ibig sabihin nito?!! Nasaan ako?!!" nagtawan lang sila. Pilit kong umaalis sa pagkakadena 'ko pero hindi 'ko magawa. Kinadena nila 'ko sa upuan hanggang sa paanan.

"Maghintay ka lang bata. May nakahandang sorpresa ang amo namin para sayo." sabi ng isang lalaki atsaka ulit sila nagtawanan.

"Sino ba kayo at anong atraso 'ko sainyo?!"

"Samin wala. Pero sa amo namin, marami." sagot ng isa.

"Sino ba ang amo nyo?!"

"Ayan na sya." umalis ang lalaki sa harapan 'ko at nagulat ako kung sino ang tinatawag nilang amo.

Parehas kami ng mukha!

"Sino ka?!!" sigaw 'ko sakanya. Nginisian lang nya 'ko. Mula ulo hanggang paa kopyang kopya nya 'ko.

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" patuya nyang tanong sakin. "It's me. Leonard Castro." agad na nagwala ang sistema 'ko at nagwala sa kinauupuan 'ko.

"Bakit mo kinopya ang mukha 'ko?!! Anong binabalak mo?!!" gigil na gigil kong sigaw sakanya. Malaking pagkakamali talaga na hindi 'ko pa sya pinuruhan.

"Simple lang. Aangkinin 'ko si Althea." sabi nya saka ngumisi. "Kung tong nakakasukang mukha mo ang susi para mapasakin sya, gagawin 'ko. Sabi 'ko naman diba? Gagawin 'ko ang lahat mapasakin lang sya. Magiging akin sya." tumawa sya at nakita din lang ng mga lalaking nandito.

"NAPAKA WALANG HIYA MO TALAGA!! BAKIT SA PALAGAY MO BA KASING TANGA MO SI ALTHEA PARA HINDI MALAMANG HINDI AKO IKAW??!! WAG KANG MANGARAP, CASTRO! HINDING HINDI SYA MAPAPASAYO!" nawala ang ngisi nya at nilapitan ako para sikmuraan. Putang ina! Matapang sya dahil nakakalat ang mga tauhan nya at nakakadena ako.

"Kung hindi sya mapapasakin, hindi rin sya babalik sayo. Sabay 'ko kayong papatayin." saka ulit sya ngumisi.

"WAG NA WAG KANG MAGKAKAMALING GALAWIN NI DULO NG DALIRI NI ALTHEA KUNG HINDI PAPATAYIN KITA!!" Galit na galit kong sigaw sakanya.

"Uunahan kita bago mo magawa yun." tumawa ulit sya ng parang demonyo at nagtawanan ulit ang mga tauhan nya.

Diyos 'ko.. Kayo na pong bahala samin ni Althea.. Teyang.. Please.. Mag iingat ka..

Hindi 'ko alam kung ilang araw na nila kong kinulong sa lintik na building nato. Alam 'ko sobra ng nag aalala si Teyang sakin ngayon. Hindi 'ko alam kung paano ako makakatakas sa mga taong to. Narinig 'ko nalang na may tumawag sa isang lalaki at lahat sila ay pumaikot sakin.

"Gagawin na namin ang pinangakong gagawin ni Amo sayo. Tsk. Sisihin mo ang girlfriend mo sa langit kapag nagkita kayo." sabi ng isang lalaki saka sila nagtawanan.

"MGA HAYOP KAYO ANONG GINAWA NYO SAKANYA!!!" lahat sila ay umisa isa ng suntok sakin. Kinalagan nila ang kadena at binugbog nila 'ko ng binubog. Suntok at sipa. Walang tigil hanggang sa naligo na 'ko sa sarili kong dugo at isang hampas pa sakin ng upuan ay nawalan na 'ko ng malay.

Nagising nalang sa sobrang sakit ng katawan. Nakatali nanaman ako na nakahandusay sa sahig at may tape din ang aking bibig. Pinilit kong tumayo at tumingin sa paligid. Nasa isang kwarto naman ako ngayon. Pinilit kong tumayo at sumilip sa may bintana ng may narinig akong sumigaw.

Si Althea yun. Hindi ako pwdeng magkamali. Sya nga yun. Hanggang leeg na nya ang tubig at sigaw sya ng sigaw. Humihiling ng tulong sa demonyong kumopya ng mukha 'ko. Nagwawala ako. Sumisigaw na tulungan nya si Thea pero hindi nya 'ko marinig dahil sa tape na nasa bibig 'ko.

Nanghina ako kung ng tuluyan ng makita kong tuluyan na syang lumubog sa pool. Tuluyan nakong nawalan ng malay.

Nagising ako na nasa ospital na 'ko at kasama 'ko na ang Papa at Mama 'ko. Agad si Althea ang hinanap 'ko.

"Nasaan si Althea?" lahat sila ay hindi sumasagot at malungkot na tumingin sakin, "SUMAGOT KAYO! NASAAN SI ALTHEA!?" hinawakan ako ng Mama habang umiiyak para pigilan ako sa pagwawala.

"Anak.."

"Ano Ma? Sumagot kayo! Nasaan si Althea?!" umiyak lang si Mama. Tinignan 'ko ang Papa.

"Anak, wala na si Althea.." malungkot na sabi ni Althea.

"ANO!!?"

"Dead on arrival sya sa ospital. Tapos sumabog pa yung ospital." nagwala ako sa narinig 'ko. Tinurukan lang ako ng nurse ng pampakalma at nakatulog ako ng umiiyak.

Teyang, patawarin mo 'ko..

Dinala ako ng Papa sa America at doon ay sumailalalim sa Therapy. Lagi nalang akong tulala at hindi ako nagsasalita. Ilang taon din bago ako nakabalik sa dati at nangyari lang yun ng malaman kong buhay pa pala si Althea.

Nang makabalik ako sa sarili ay agad kong pina imbistiga si Althea at nalaman 'ko ngang nandito rin sya America at inaalagaan ng lalaking nag ngangalang Lester Gecain. Nalaman 'ko din na inampon na sya ng pamilya Gecain at kasama nya rin dito si Christine.

Nagsilbi akong stalker. Lagi 'ko syang sinusundan kung saan man sya makarating. Nagsikap din akong pag aralan ang pamamalagad sa kumpanya hanggang sa ipinamana na sakin ng Papa ang kumpanya.

At doon na nagsimula ang lahat. Kinumbinsi 'ko si Mr. Gecain na kapalit ng pakikipag merge ng company 'ko sa company nya ay ipapakasal nya ang anak nya sakin, which is, Althea Gecain

Pinaharurot 'ko ang sasakyan 'ko ng umalis sya. Ito na nga ba ang kinakatakutan kong mangyari. Ang malaman nya ang lahat. Kailangan kong magpaliwanag sakanya. Alam kong nabubulagan lang syang ng galit nya pero kapag nalaman nya ang totoo, alam kong maiintindihan nya 'ko.

"Demonyo ka, Zeke! Hindi 'ko alam kung bakit ba kita nakilala at kung minahal kita noon! Sana hindi ka nalang bumalik sa buhay 'ko ulit. Or better yet, sana ikaw nalang ang namatay! Hinding hindi kita mapapatawad. Kinasusuklaman kita. Wala ng patutunguhan pa to. Pakawalan mo na 'ko." pakiramdam 'ko mas masakit pa ang nangyayari noon kesa noon. Kinasusuklaman na nya 'ko.

"Sana nga Teyang, namatay nalang ako.."

Paaano 'ko sya magagawang palayain kung buong buhay 'ko ginawa 'ko ang lahat para lang magkasama kami ulit?

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon