>37

829 13 0
                                    

*Lester’s POV

Pagkatapos kong mabasa ang resignation nya ay hindi ako nagdalawang isip pang puntahan sya, alam kong may problema pero hindi naman solusyon ang pag resign para maayos to. Hindi ko sya papakawalan lalo pa ngayon na alam kong parehas kami ng nararamdaman para sa isa’t isa.

“Mahal kita! Ano?! Malinaw naba?! Mahal kita gago ka!”

 

Hanggang ngayon sariwa sa pandinig ko ang mga salitang sinabi nya sakin nung gabing ‘yon. Yung mga salitang nakapagpagising sa kahibangan ko na dapat ko na syang layuan para hindi na ‘ko masaktan. Nagsisisi ako sa ginawa ko sakanya, dahil kung hindi ko ginawa ‘yon, panigurado akin na sya ngayon. Hindi naman sa sinasabi kong gwapo ako kaya hindi ako mahihirapang mapasagot sya pero medyo ganun nga ‘yon pero hindi ‘yun, dahil alam kong mahal namin ang isa’t isa at ayaw naming may maaksaya pa kaming oras. Pero ng dahil sa kaduwagan ko, lumayo na sya sakin ng tuluyan, pero hindi ko ‘yon pahihintulutan.

Pinakuha ko lahat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan at pina cancel ko narin lahat ng mga meetings at appointments ko ngayon araw. Kailangan ko syang puntahan, kailangan naming pag usapan ang malaking misunderstanding na ‘to.

Nang mapirmahan na lahat ng dapat pirmahan ay dumiretso na ‘ko agad sa apartment nya. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mangarap na ako at si Dorothy na. Masayang mamasyal sa mall, sabay na kakain sa mga restaurants, tatambay sa favorite place namin which is ang park, magpi-picnic kami, itutulak ko sya sa swing, maghahabulan, kakain ng ice cream at cotton candy at magku-kwentuhan ng mga iba’t ibang bagay o kaya naman sabay na mangangarap na future namin, bilang mag asawa.

“Sa oras na mapasakin ka Dorothy, hindi na kita papakawalan pa, agad na ‘kong magpapatali sa bewang mo gaya ng sabi mo.” nakangiti kong sabi, isang kanto nalang at na kina Dorothy na ‘ko.

“Dorothy?” naisip kong tulog lang sya kaya patay lahat ng ilaw sa bahay nya ngayon, ‘tong babaeng ‘to, hindi ba nya iniisip na baka pasukin sya ng magnanakaw ngayong nakapatay lahat ng ilaw? Nagtitipid ba sya sa kuryente? Teka, dapat bang isama ko  na sya sa mansion?

“Wag kang masyadong mabilis Lester. Hindi atat ang mga gwapo.” Nakangisi akong umiling iling sa iniisip ko. Naglakad lakad muna ko baka sakaling makasalubong ko sya, baka kasi nagutom lang kaya wala sya sa bahay nya. Sa kakalakad ko ay hindi ko napansing nasa park na pala ako. Park, napaka special mo sakin alam mo ba ‘yon?

Nawala ang ngiti ko ng may nahagip ang paningin ko na isang pamilyar na babae na yakap ng isang lalaki. Nakatalikod ang babae sa lugar ko kaya naman hindi ko makita kung sino, ang lalaki naman ang nakasubsob sa leeg ng babae habang patuloy na hinihimas ang likuran nito. Sya si Bogs, hindi ako pwedeng magkamali.

Unti unti akong lumapit sakanila ng hindi nila napapansin, ayaw tanggapin ng utak ko na sya ang babaeng ‘to. Paulit ulit kong sinabi na hindi sya ‘to dahil kakaamin palang nya sakin na mahal nya ‘ko, kaya naman imposibleng sya ‘to. Nang kaunti nalang ang agwat namin ay narinig ko ang paghikbi nya, sya nga ‘to.  Narinig ko ang bawat paghikbi nya noon dahil sa lalaking kayakap nya ngayon. Unti unting nanikip ang dibdib, unti unting may namuong galit sa dibdib ko.

“You love me huh? Is that the meaning of love? Ganyan kaba magmahal?” natigilan sya sa paghikbi at dahan dahang lumingon sa akin. Blanko akong tumingin sakanya, yung tinging walang pakialam kung sino man sya. Namuntikan nanaman akong mabiktima, Nakakatawa ka Lester. Talagang nangarap kang maging asawa ang isang tulad nya?

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon