>13

1.1K 25 0
                                    

*Dorothy’s POV

“Ay ganun pala ang feeling. Ang sarap pala ng feeling kapag nainlove pero parang sobrang sakit naman kapag naheartbroken.” Komento ni Thea. Magkasama na kame ngayon sa mall at habang naglalakad ay pinagkwento nya ko sa kung anong nangyare samin ni Bogs.

Sa una ay ayaw kopa magkwento dahil kilala ko ang sarili ko. alam kong iiyak nanaman ako. Wala pamandin akong pinipiling lugar. Kapag kasi sobrang sakit ng pinagdadaanan mo ang hirap magkunwaring okay ka lang. imbis na mapaniwala mo ang sarili mong okay ka lang talaga, mas lalong pang bumibigat yung sakit sa puso mo. mas mararamdaman mong wala ka ng kapag apag asa. Buti nalang hindi ako nag iisa. Kasama ko si Thea.

“O bakit kung magsalita ka parang hindi kapa nainlove?” tanong ko sakanya. base kase sa mga reaksyon nya parang ngayon nya lang nalaman kung ano bang ang pakiramdam ng magmahal. Posible kayang hindi pa sya nagmahal pagkatapos ng hayop na yun?

“Ah hindi pa e. and I think I don’t want to fall inlove. The way you describe that word ‘Love’, it seems that the happiness is just only temporary feeling, and the rest is pain and suffering. It’s already proven. I’ve seen two people o I mean three, they are deeply madly at first and they just end up suffering.” sabi nya sakin. Hindi pa nga sya nagmahal sa bagong pagkatao nya.

“Three people? Who are they?”

“My kuya, my besty and you.” Si Lester? So nabroken na pala sya. ang tanga naman ng babaeng yon. Pinakawalan pa ang isang Lester Gecain. Psh! Ang mga tao talaga, kung sino pa yung taong karapat dapat sakanila sila pa yung iniiwan nila. Haist! Enough with this bitterness! Teka besty? My bestfriend na sya?

“Sino si besty?”

“Ah si—“ napatol yung sasabihin nya ng biglang nagring ang phone nya.

“Sige sagutin mo muna.” Nagnod naman sya at sinagot na ang tawag.

“O kuya bakit napatawag ka? Tsaka bakit hindi ka umuwi kagabi?” Hala? Hindi umuwi si Lester? Ay oo nga pala, okay na kaya sya? nadamay pa tuloy yung walang kamalay malay na tao sa gulo namen ng ex ko.-_-

“Kuya may problema kaba?” bakas ang pag aalala ni Thea. Ano kayang nangayre sakanya? ay gusto ko tuloy syang makausap.

“Osige kuya, papunta na.”

“Dorothy, pasensya na pero kailangan ko ng umalis.” Paalam nya

“Ah Thea, may problema ba si Lester?” hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pagtatanong.

I'm Married To My KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon