Nandito sya ngayon sa hospital kung saan naka confine ang babaeng mahal nya. kanina pa sya hindi mapakali sa kinakatayuan nya. gustong gusto na nyang pumasok sa loob pero pinapigilan lamang nya ang kanyang sarili dahil alam nyang sa oras na ginawa nya iyon, magdudulot lamang iyon ng gulo at baka makasama pa sa kalagayan ng mahal nya.
Matagal na nyang inaalam ang tungkol sa kalagayan ni Althea pero kahit na utusan nya ang the best private investigator ng mudo e hindi nya magawang malaman. Alam nyang may humaharang sakanya at halata namang iyon ang kuya ni Althea kaya hindi na lamang ito nagpumilit pa. itinigil na lamang nya ang paghahanap.
“Malapit na tayong magkita mahal ko.. magsasama na ulit tayo.. hinding hindi na tayo maghihiwalay pa..” bulong nito na para bang naririnig sya ni Althea. Mabilis syang umalis ng sa tapat ng kwarto ni Althea ng maramdaman nyang may lalabas sa kwarto.
Naikuyom ni Lester ang kamao ng malaman nyang umaaligid nanaman sa kanyang kapatid ang lalaking iyon. “Ang kapal ng mukha mong gago ka. Talagang pumunta kappa ditong hayop ka.” Nanggigigil sya pero wala syang magawa kundi manahimik nalang. May kakayahan syang ipapatay ang lalaki pero hindi nya magawa dahil alam nyang sarili nyang magulang ang makakalaban nya.
Hanggang ngayon ay hindi padin nagigising Althea. Madaling araw na pero lahat ng magkakaibigan ay gising pa. lahat sila ay hindi pa umuuwi simula ng malaman nila ang kalagayan ng kaibigan. Gusto nilang hintaying magising ang dalaga. Gusto nilang lahat lalo na si Dorothy na sila ang unang makikita ni Althea sa oras na imulat nyang muli ang mata nya.
Labis na natutuwa si Lester sa mga kaibigan ni Althea. Kanina pa nya pinapauwi ang mga ito para makapagpahinga na pero wala ni isa sakanila ang nakinig sakanya. lahat sila gustong manatili sa tabi ni Althea at siguraduhing magiging okay ang lahat. Masaya sya dahil nalaman nyang hindi lamang sya ang nag iisang taong nagmamahal ng totoo kay Althea. Hindi lamang syang nag iisang poprotekta dito sa oras na malagay itong muli sa panganib dahil nandyan ang mga kaibigan nya.
Minsan ay nagsisisi sya dahil nilayo nyang ang kapatid sa mga taong nagmamahal sakanya ng totoo. Batid nyang magiging mahirap ito para sa magkakaibigan dahil ibang tao na ang kaibigan nila noon. Naging makasarili sya pero may dahilan sya kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon. yun ay dahil gusto nyang protektahan ang kapatid sa mga taong nakapalibot sakanya na maaring manakit sakanya pagdating ng panahon.
Minsan ay kinwestiyon ng mga magulang nya ang pagmamahal nya para sa Althea. Masyado daw nya kasing mahal ang kapatid at iyon ang nakakapagtaka dahil hindi naman nya ito tunay na kadugo. Yun ang labis nyang ikinagulat dahil ni minsan ay hindi sya nakaramdam ng kahit anong kakaiba para sa kapatid. Oo maganda ito, mabait, malambing, at makulit at kung ano ano pang ugali na gusto ng isang lalaki sa isang babae pero ni minsan ay hindi nag iba ang damdamin nya para dito. Mahal nya ito bilang kapatid dahil naalala nya kay Althea si Angel. Ang nakababata nyang kapatid na maagang binawian ng buhay sa gulang na 6.
Bumalik syang muli sa ospital dala ang mga pagkaing binili nya. pero bago sya pumasok ay.. “Gusto kong pabantayan mo itong ospital. Wag mong papayagang makalapit ang lalaking pinagbawal kong makalapit sa kapatid ko maliwanag ba? Maglagay ka ng guards dito na nakacivilian para hindi makahalata ang mga tao sa paligid. Gawin nyo ng maigi ang pinapatrabaho ko.” at binaba nya ang kanyang telepono. Nakita nya ang lalaking kinamumuhian nya kaninang palabas sya ng pinto. Alam nyang nalalapit na ang pagkikita nilang muli pero hindi sya papayag na masaktan nanaman ang kapatid nya sa pangalawang pagkakataon. Wala na syang pakialam kung makapatay man sya sa pagkakataong ito pero sisiguraduhin nyang hindi na masasaktan pang muli ang kapatid nya ngayon nandito na ito sa piling nya.
“Kuya Lester bakit hanggang ngayon hindi padin nagigising si Althea? Ano bang nangyayare sakanya?” tanong sakanya ni Dorothy. Bakas sa mukha nito ang labis na pag aalala.
“Ganyan talaga si Althea. Automatic ng nangyayare sakanya kapag umiyak sya.” Sagot nya sa dalaga.
“Pero bakit kailangang ganito katagal bago sya magising? Umiyak lang naman sya ha? May hindi paba kame nalalaman sa sitwasyon ng kaibigan namen?” tanong sakanya ng isa sa mga kaibigan ni Althea. Si John.
“Wala. Magiging okay din sya. Masanay na kayo dahil lagi syang hihimatayin kapag umiyak sya. Kaya hihilingin ko sana sainyo na kung pwede ay wag nyo syang hayaang umiyak. Wag nyo ng hayaang malaman pa nya ang nakaraan nya. dahil kapag nasobrahan sya sa stress ay baka umantabay na ang puso nya.” sabi nya sa magkakaibigan. Hindi na nya sinabi ang totoong kalagayan nito dahil tiyak nyang maraming silang itatanong at isa pa ayaw na nyang may ibang makaalam patungkol sa kalagayan nya maliban sakanilang dalawa ng bestfriend nya.
“Ipapangako namen yan. Gagawin namen lalo na ako ang lahat, lahat lahat para lang maprotektahan si Althea. Hindi kame papayag na masaktan nanaman sya ng wala man lang kaming nagagawang kahit na ano para sakanya. siguro ay magiging mahirap kung papaano kame o ako ulit makakapasok sa buhay nya pero gagawin namen ang lahat kahit masakit papasok kame ulit sa buhay nya kahit naba ipagtabuyan nya kame..” sabi ni Dorothy habang hinahayaan lamang na tumulo ang kanyang mga luha.
“Wag nyo syang susukuan..” sabi ni Lester sa magkakaibigan. Ramdam nya ang lungkot ng mga ito. Wala syang alam sabihin na pwedeng makapagpagaan ng kanilang mga pakiramdam.
“Hinding hindi kuya..” sagot ni Dorothy.
“O tumahan kana.. magiging mahirap man sa umpisa pero hopefully ay magiging maayos din ang lahat. Samahan nyo na akong kumain. Hindi matutuwa si Thea nyan kapag nalaman nyang pinapayaan naten ang mga sarili naten. Pinaka ayaw pa man din nya yung pinag aalala nya ang mga tao sa mga paligid nya.” natatawang sabi ni Lester.
“well I guess hindi pa din totally na nawala ang kambal ko.. ganyan na ganyan din sya dati. Pero hindi nya alam mas lalo nya kaming pinapatay sa pag aalala sa mga ginagawa nya. hahaha.” Sabi ni Dorothy. Naging magaan na mood sa kwarto ng magsimula ng magbiruan ang magkakaibigan. Naging magaan na ang kalooban ni Lester sa mga magkakaibigan. Hindi talaga sya nagkamaling ipagkatiwalang muli ang kapatid sa mga taong bahagi ng nakaraan nya.
Napatigil ang lahat sa kanilang ng may biglang nagsalita.
“Kuya? Sino sila?”
***
BINABASA MO ANG
I'm Married To My Killer
RomansaPosible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?