Chapter 15

194 12 0
                                    

Chapter 15

Nadine's POV

Nasa labas ako ngayon ng bahay kasama si Joshuia lakhit madilim na.

"Gabi na pero wala pa rin ang kapatid mo."

"Oo nga eh. Hindi naman 'yun nagpapagabi sa labas."

"I-try mo kayang tawagan."

"Triny ko po kanina pa pero as expected hindi niya sinagot."

"Baka naman nagce-celebrate ng birthday niya," saad nito.

"Mag-isa?"

"Baka kasama 'yung kaklase nating sige ang buntot sa kanya."

"Sino? Si Drew."

"Yun nga."

"Sus. Alam mo. Huwag mo na lang isipin 'yan. Mabuti pa't magbike na lang tayo."

"Kahit gabi na?"

"Oo naman. Isa pa hindi naman tayo lalayo noh."

"Sige na nga," pagpayag nito kaya naman nagsimula na nga kaming magbike.

Nagbike kami tapos minsan ay binabangga niya 'yung bike at ganun din ang ginagawa ko.

Masaya kaming nagbabike ni Joshua ng biglang may isang kotse na tumigil sa tapat na bahay namin at dun lumabas si Jasmine.

"Bye Veia," paalam ni Drew pero walang sagot  si Jasmine kundi tiningnan lang ito with her famous cold look.

Nang makaalis na si Drew ay papasok na sana si Jasmine pero nakita kami nito kaya tumigil siya at tumingin sa amin habang nakatingin rin kami sa kanya.

After seconds ay papasok na siya nang  biglang lumapit sa kanya si Joshua.

"Ah Jasmine," tawag sa kanya ni Joshua  kaya naman tumingin ito at magkaharap na nga sila.

"Happy birthday!!!" nakangiting saad ni Joshua.

"Thanks," ani Jasmine at nagpatuloy na siyang pumasok sa mansion.

 "Kasama niya 'yung lalake na 'yun na magcelebrate ng birthday niya."

"Ok lang 'yan Joshua."

"Paano kung mainlove si Jasmine dun kay Drew?"

"Hayaan mo lang. 'Yun naman talaga 'yung purpose kung bakit mo siya sinaktan. Ang makamove on sa'yo at mahanap siya ng lalakeng mamahalin siya at mamahalin niya."

"Sabagay. Ako naman ang may gusto nito eh."

"Bakit hindi na lang natin ipagdasal na totoo talaga ang Drew na 'yun sa mga pinapakita niya kay Jasmine at hindi niya sasaktan ang kapatid ko."

"Tama ka Nadine dahil sa oras na saktan niya si Jasmine, ako ang makakalaban niya."

Jasmine's POV

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga sa kama ko.

Gusto kong matulog na pero hindi ko maintindihan kung bakit imbis na matulog ako ay paulit ulit na nagplaplay sa utak ko 'yung kanina.

"If there's one wish I'm going to wish right now; it is too see you smile," saad nito sa akin tapos ay tumingin ito sa akin at dun niya ako nakitang ngumiti ng bahagya.

"Ngumiti ka!" gulat at natutuwang saad nito.

"Namamalik mata ka lang."

"Tama ang nakita ko Veia. Napangiti ko ang isang Veia Jasmine Villamor. Malaking achievement na 'yun,"  natutuwa nitong saad habang akoo naman ay napailing na lamang.

Sa totoo lang hindi ko ginusto na isipin iyon pero anong magagawa ko eh 'yun ang pumasok sa utak ko.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan ang message.

FROM: DREW

Alam kong kanina ko pa 'to sinasabi pero 'Happy birthday' talaga. At ang  regalo ko sa'yo ay ang the gift of smile kaya ssana naman ay lagi mong  maisipan na dalhin 'to kahit saan kahit alam kong imposible. Sweetdreams!! :*

Pagkatapos kong mabasa ang message ay hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.

Minsan na isip ko rin na hindi sapat na ako lang pero mahirap magtiwala pagkatapos mabibigo ka lang.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon